Share

Chapter 34: Encounter [2]

“Pronto!”

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Agustus; kasunod no’n ay ang pag-apoy ng mga dulo ng pana. At sabay-sabay na pinakawalan sa ere. Sa isang iglab, natumba ang mga natitirang lobo. Dahil do’n mas lalong nagalit si Annabelle. Naging agresibo ito at nag-iba ang mukha. Nagkaroon ng mga ugat ang kanyang mukha at humaba ang mga kuko, at nagbabaga ang mga mata nito. Literal na mangkukulam ang pigurang nakikita namin.

At sa hindi ko inaasahang sandali ay bilang lumitaw sa harap niya ni Zek, nakahiga ito sa ere at walang malay.

“Sa tingin ko, Mahal na Prinsesa, ginayuma ang prinsipe. Kung titignang mabuti ang kanyang mga labi, nagkukulay lila. At sa tingin ko may lason din ang pinakain sa kanya,” mahabang saad ni Emory.

Hindi pa ako sanay sa mga ganitong bagay kaya hindi ko alam ang sinasabi ni Emory. Pero gano’n pa man ay l

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status