Share

CHAPTER 54 (SOLUSYON O SELOS-YON?)

JADE'S POV

“ A N E M I C . . . po ang anak n’yo Misis,” wika ng doktor na tumingin kay JM.

“Ah, Miss pa po ang ate ko, Dok. Hindi pa naman po siya ikinakasal,” singit agad ni Aira.

Humingi naman ng paumanhin ang doktor pero hindi na nagkomento sa sinabing iyon ng dalaga.

Kung sa normal na pagkakataon, siguro ay matatawa na naman siya sa mga hirit ni Aira na gan’on. Pero hindi sa ngayon.

Tiningnan niya ang anak na natutulog pa rin.

Inabutan niya itong karga-karga ng nanay ni Mulong habang pinapaypayan naman ng ilan sa mga tambay doon kanina. Pakiramdam niya ay namanhid ang buo niyang katawan nang makita niya kung gaano kaputla ang walang malay na ank kanina. Akala niya talaga ay iniwan na siya nito.

Mabuti na lang at sumunod pala sa kanya sina Macoy. Ito at si Banong ang nag-asikaso para maitakbo agad si JM pinakamalapit na ospital.

“Mababa ho ang iron at medyo below the normal range ang RBC count niya. I’m guessing hindi ito ang unang beses na nangyari ‘to?” tanong ng doktor.

Tuman
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status