JADE’S POVM A B A G A L . . . na isinilid ni Aira ang ilang piraso ng damit niya sa bag, habang sumisinghot-singhot pa.“Susulat ka ‘te ah,” wika nito sa nanginginig na boses.Kinunutan niya ito ng noo.“OA mo,” kunwa’y inis niyang komento sabay bato ng damit na tinutupi niya.“Magpapagamot lang si JM d’on, para kang ano. ‘Tsaka isa pa, kalapit-lapit ng Cubao, makaiyak ka naman d’yan, ‘kala mo mag-aabroad kami e,” pang-aasar niya sa kaibigan.Dalawang araw matapos ang makaantig-damdaming tagpo ng mag-ama sa ICU, ay pinayagan nang ilipat si JM sa General Ward. Noon din siya kinausap ni Red tungkol sa plano nito.FLASHBACK:Inaayos niya ang mga gamit ni JM sa private room na pinaglipatan nila nang bigla siya nitong lapitan.“Trinity, pwede ba tayong mag-usap?” seryosong bulong sa kanya ni Red.Muntik pa siyang mapaiktad dahil halos naramdaman niya ang hininga nito sa may bandang tenga niya. Tanda na sobrang lapit nito sa kanya.Napatingin tuloy siya sa paligid dahil hindi lan
JADE’S POV M I L I T A R Y . . . Base. No Unauthorized Person beyond this point. Iyon ang nabasa nila ni Aira na nakasulat sa malaking karatula sa may gate ng ADFP Camp. Nakahinto kasi ang kotseng kinalulunaran na sa entrance habang chini-check ang lahat ng nakasakay doon, pati ang kabuuan ng sasakyan. Mula sa may bintana ay sila ng sundalong nagbabantay sa gate. Wala naman silang ginagawang masama, pero hindi niya mapigilang hindi kabahan. “Akala ko isa lang ang titira kasama si General Enriquez? Bakit dalawa ‘to?” narinig niyang tanong ng guwardiya kay Daniel. Kasama kasi ito sa mga sumundo sa kanya sa ospital para dalhin dito sa kampo. “Siya lang. Unit 1006,” tugon naman ng huli sabay turo sa kanya. “Kaibigan niya itong isa, ihahatid lang siya, pero uuwi rin maya-maya,” dagdag pa nito na ang tinutukoy naman ay si Aira. “P-Pero Colonel...” nag-aalangang sabi ng kausap nitong bantay. Pumalatak si Daniel na para bang nauubusan na ito ng pasensya. Maya maya ay kinuha nito an
JADE’S POVB I N U K S A N . . .ni Daniel ang pinto ng magiging silid niya di umano habang doon siya nakatira. “And this is you,” nakangiti nitong sabi habang nakatayo sa may pintuan.Nag-aalangan naman siyang pumasok, kasunod si Aira.Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng silid.Para iyong studio flat. Halos naroon na ang lahat ng kailangan niya, kama, maliit na sala, sariling banyo at maliit na kusina.“I hope okay ka na dito. But if not, I can ask the administrator para---”“No, no. This is more than enough,” mabilis niyang putol sa sinasabi nito.“Actually kahit nga sa sofa nga lang ako matulog e, o kahit sa lapag, goods na ako d’on. Basta ang importante malapit lang ako kay JM at pwede ko siyang puntahan kahit kelan,” dugtong pa niya.Napangiti naman ang lalaki.“Tama nga si Red,” mahina nitong wika.“Tama? Anong tama?”“Ang laki na ng pinagbago mo,” sagot nito.Hindi siya nakasagot.The way he talks, ay para bang matagal na siya nitong kilala. Samantalang ilang
JADE’S POV A S . . . soon as she shut the door and saw the man in uniform inside her own space, doon niya na-realize kung ano ang ginawa niya. Kung bakit naman kasi sa lahat ng pwede niyang itanong ay iyon pa ang lumabas sa bibig niya. Kahit naman siya, kung may magtatanong n’on sa kanya, she may think na imbitasyon iyon para kumain. It was too late to refute her own words, kaya itinuloy niya na lang. Hindi naman niya akalain na papayag ito. Mula sa likuran ay pinagmasdan niya ito habang inililibot nito ang paningin sa paligid. Did he always had such broad shoulders? Agad na ipinilig niya ang ulo para gising ang sarili sa pagpapantasya niya. Minabuti niyang simulan na lang ang pagluluto para matapos na siya agad at makakakain na sila. “S-Saglit lang ‘to. Maupo ka muna,” sabi niya ‘tsaka nagsimula nang maghiwa. “You will need a few more things in here,” wika naman nito na parang hindi siya narinig kanina. “Ha?” Nang tingnan niya ito ay abala pa rin ito sa paglibot ng paningi
JADE’S POVA L A S . . . siete pa lang ng umaga ay nakahanda na siya. Kahit na sinabi ni Red na alas otso pa sila aalis, ayaw niyang magpahintay dito kung sakali. Gusto niya, kapag kumatok ito ay ready to go na siya.Nakaupo na siya sa sofa at ka-text si Aira, habang hinihintay na lang na daanan siya ng binata.Kinakamusta siya ng kaibigan at nagtatanong ito kung pwede ha itong pumunta sa kanya ngayon. Magta-type pa lang sana siya ng sagot niya nang may kumatok na sa pinto. Mabilis na dinampot niya ang sling bag at tinungo ang pinto.Agad na tumambad sa kanya ang lalaking hinihintay niya.Nakasuot ito ng puting t-shirt, camouflaged cargo pants at combat boots. Normal na suot ng mga sundalo. Pero bakit parang iba ‘yong sa binata? Dahil kaya may katungkulan ito, may kakaiba sa suot nito? Paano’y kagaya n’ong formal uniform, bagay na bagay rito ang suot nito ngayon.She had to blink a few more times dahil mukhang hindi pa siya fully awake.“Morning,” kaswal nitong bati.“M-M
JADE’S POVI T . . . has been a long day. Matapos bisitahin at makausap nila ang doktor ni JM ay sinamahan naman siya ni Red para siya naman ang i-check up.Just a few laboratory test and some food supplement prescriptions at natapos na sila.Dinaanan lang nila si Aira na naghintay na lang sa may gate, at dumiretso na sa pamimili.Hanggang sa huli, patuloy siya sa pagtanggi sa mga gusto nitong bilhin. Magmula sa mga mamahaling kobre-kama, unan, punda, damit, hanggang sa aircon at kung ano-ano pa, gusto nitong bilhin. Kung hindi pa siya nagbanta na aalis siya kung patuloy itong kukuha ng kung ano-ano sa mall, ay hindi pa ito titigil.Noon lang din yata niya nakitang natameme ang madaldal na si Aira. Siguro gaya niya, iniisip din nitong nagtatapon ng pera si Red.Alas singko na ng hapon, at nasa biyahe na sila pauwi sa kampo.“Gutom na kayo?” maya maya ay tanong ng binata habang seryoso sa pagmamaneho.“Mawalang-galang lang ho ano, General, ako nama’y curious lang. May balak h
JADE’S POV H E . . . was an orphan at six, Iyong ang naisip niya habang nakatingin sa binatang abala pa rin na nakikipagbiruan sa mga sundalo. She can’t help but think kung paano nito tinanggap na wala na itong magulang sa gan’on kamurang edad. Her heart kind of ached for him. She may not had a good relationship with her parents, but at least they were there. She remembers how she still calls for her mom whenever she is in pain. But Red did not have that. At six, he might had to endure the pain and the urge to call out for his mom, knowing na wala naman itong nanay na darating. “Daniel?” tawag niya sa kaibigan ng binata. Nilingon naman siya nito. “W-What happened to his parents?” tanong niya. Mukhang sandali itong nag-alinlangan kung sasagutin ba siya o hindi. Pero kinalaunan ay napabuntong hininga ito at tumingin sa ibang direksyon. “They were both killed in an ambush,” seryoso nitong sagot. Napahigit siya ng hininga. “His father, Former General Emilio Enriquez, and his
JADE’S POVM A B U T I . . . na lang at pumayag din si Red na doon muna sila ni Aira. Bukod kasi sa gusto niya rin makita kung anong ginagawa nito sa trabaho, she was hoping na magkakaroon pa siyang chance na makausap ulit si Daniel. Marami pa kasi siyang gustong itanong dito. “You can stay, but you have to strictly obey the rules. Delikado ang field kapag may on going drill,” pagpapaalala pa ng binata. Sunod-sunod naman ang naging pagtango niya.Nagpakawala muna ito ng malalim na buntong hininga bago nagpatiunang maglakad. Sinenyasan sila nito ni Aira na sumunod kaya gan’on naman ang ginawa nila. “Ate, crush mo na din ba si General?” maya maya ay pasimpleng bulong ng kaibigan sa kanya. Pinandilatan niya ito ng mata. Mamaya ay may makarinig pa sa kanila at kung ano pa ang isipin.. Iginiya sila ng binata sa isang tent na nasa likod ng isang tranparent barrier. Ang ilang opisyal na naroon ay agad na sumaludo nang makita si Red. Kumuha ito ng dalawang headphone at binalingan sila