Share

CHAPTER 99 (SURPRISES)

JADE’S POV

“ANONG. . . sinabi mo???!!!” malakas na sabi ni Aira.

“Shhh! Ang ingay mo!” Saway niya rito sabay mabilis na tinakpan niya ang bibig nito.

Naroon ito at si Scarlet para sumama sa pagbisita kay JM . Of course, nabanggit niya sa mga ito ang naganap sa pagitan nila ng tatay ng anak niya.

At ‘eto nga’t halos bulabugin ng kaibigan niya ang buong military camp! Samantalang tahimik lang si Scarlet.

Pilit na tinanggal naman nito ang kamay niya kaya pinakawalan niya na rin ito.

“Teka, teka, Ate. P-Parang ang bilis yata ng mga pangyayari. P-Paanong kayo na? Walang ligaw-ligaw? Jowa agad???” sunod-sunod na tanong pa ni Aira nang kumalma ito kahit paano.

“Tsaka isa pa, alam mo ba kung ano ‘tong pinasok mo, Ate? Aba’y parang kelan lang ipinabaranggay mo pa si General dahil ‘ka mo ginugulo ka, tapos ngayon boyfriend mo na???! Okay ka lang?” tila naninermon pang dagdag nito.

Napabuntong hininga siya. Alam niyang ganito ang magiging reaksyon ni Aira.

But Scarlet is strangely quiet
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status