Share

CHAPTER XXI (ALL THAT GUILT)

RED’S POV

“N A K A A L I S  . . . na? What do you mean nakaalis na?” hindi makapaniwala si Red sa narinig na sagot ng ADFP Paramedics nang puntahan niya sana si Trinity sa infirmary ng base.

“Sinundo na po ng tito tsaka pinsan niya, Colonel”, “At pinayagan na silang umalis?”

Tumango itong muli.

“Did General Rodriguez consent the release? Hindi pa nakukunan ng statement ang biktima, why would you release her?” 

“Eh sinabi ko nga din po kay General, pero nagkausap na daw po sila ng tito ng biktima. Nagkasundo sila na abogado na lang ang kausapin natin”,

He sighed in disbelief. Tinalikuran niya ang kausal para tawagan ang heneral.

“Red?”

“Salute, General. Nandito po ako ngayon sa infirmary, dadalawin ko sana si Trinity pero sabi ng medics ni-release n’yo na daw po?”

For a second ay hindi niya alintana na heneral ang kausap niya. He was just frustrated to know na pinayagan nitong makaalis ang dalaga ng gano’n gano’n lang.

Narinig niya ang pagbuntong hininga nito mula sa kabilang linya.

“If it’s about that, come home. Dito tayo sa bahay mag-usap. Tutal mayroon kang bisita na naghihintay sa’yo dito”, 

“Bisita? Sinong bisita?”

“Just come home, anak. Hihintayin kita”,

Hindi na nito hinintay ang sagot niya at agad na pinutol na ang linya. 

Nagtataka man ay tumalima na lamang siya. Tutal ay marami siyang gustong itanong dito.

Nagpasalamat siya sa babaeng medic tsaka umalis na. 

Marami pa kasi siyang inasikaso tungkol sa kaso ni Dysangco kaya hindi niya agad na napuntahan ang dalaga. Gusto niya sanang makita kung ano ang lagay nito at kung mamarapatin nito, ay makapagpaliwanag siya at humingi ng tawad. Hindi niya akalaing hindi na niya ito maaabutan. Normally, hindi sila nagre-release ng mga biktima dahil bukod sa testimony at kailangan nilang siguruhin ang kaligtasan ng mga ito. There were many instances na inilagay nila ang mga surviving victims under victim protection for the duration of the investigation or longer if needed.

Mabilis na sumakay siya sa kotse niya at pinaharurot iyon pauwi. He really needs to know kung anong nangyari sa dalaga.

Inapakan niya ang gas para mas lalong bumilis ang takbo niya.

Makalipas ang isang oras ay narating niya ang private subdivision para sa mga may katungkulan sa ADFP.  Nagbaba siya ng bintana ng dumaan siya sa entrance.

“Uy! Colonel! Long time no see!”, magiliw na bati sa kanya ng security guard.

“Mang Rey”, 

“Tagal n’yo ho hindi nauwi dine ah”

“Na-destino ho sa ibang lugar. Dadalawin ko lang sina General”, 

“Sige ho, Colonel”,

Matapos magpasalamat ay itinaas niya ang tinted window ng kotse niya. Tuloy-tuloy siya na pumasok sa subdivision hanggang sa marating niya ang bahay kung saan siya lumaki.

Umibis siya mula sa sasakyan at tsaka pinagmasdan ang kabuan ng malaking bahay. Parang kailan lang n’ong una siyang tumuntong sa pamamahay ng mga Rodriguez. Pitong taon pa lang siya noon at kamamatay lang ng mga magulang niya. Magmula noon ay ang mga ito na ang tumayong pamilya niya. They were very good to him. Kapag tinatanong nga ang mag-asawa kung ilan ang anak nila, they always say that they have three children at siya ang panganay ng mga ito. The death of his parents were devasting to him, having them beside him made everything easier for him. The respect that he has for General Rodriguez is immeasurable. Itinuturing niya itong pangalawang ama. 

“Red?” untag sa kanya ng isang malamyos na tinig.

“Tita Vida”, nakangiti niyang bati sa may bahay ng heneral.

“Reeedd! It is really you! Oh my God!” 

Buong galak siya nitong sinalubong ng yakap. Napangiti siya. Next to his mom, his Tita Vida is the warmest, sweetest and nices person na kilala niya.

“Lalo kang gumwapo, anak!” anito sabay hawak sa magkabila niyang pisngi.

“Kamusta ho kayo Tita?”

“Good, good. ‘lika pasok ka! Ba’t ba hindi ka agad pumasok?” 

HInila siya nito papasok ng bahay kaya wala na siyang nagawa kung di ang magpatianod na lang.

“Tinitingnan ko lang po ang bahay mula sa labas. Ang tagal ko rin kasing hindi nakauwi dito”,

“Hay naku! Ha’ mo, sasabihin ko sa Tito Onyo mo na wag ka na munang bigyan ng assignment outside Manila para dito ka na muna”,

Natawa na lang siya.

“Kumain ka muna, nagluto ako ng paborito mong afritada”,

Akmang hihilahin ulit siya nito papasok sa kumedor nang bigla siyang tawagin ni General Rodriguez.

“Red! Andiyan ka na pala”, 

“General”, bati niya dito sabay saludo.

Ngunit ito mismo ang nagbaba ng kamay niya at tinapik siya sa balikat.

“Don’t be too formal. Nasa bahay lang tayo. Isa pa hindi ako naka-uniporme”, paninita nito.

Alanganin siyang ngumiti tsaka tumango. Ganoon ito kahit noon pa, kapag nasa bahay sila ay ayaw nitong tinatawag niya itong general. Kaya lang ay lagi naman siyang nagkakamali dahil iyon na ang nakasanayan niyang tawag dito.

“Let’s go to my study, d’on tayo mag-usap”, yaya nito.

“Ay, ay, ay! Anong usap? Kumain muna. Mamaya na mag-usap”, pigil ng may bahay nito sa kanila.

“Sandali lang kami, tsaka hindi pa nga luto ‘yong afritada mo”, sagot naman ng heneral.

“Kaninong kasalanan kaya kung bakit ako nagmamadali ngayon?”

“Red, alam mo ba itong tito mo, kung hindi ko pa tinanong kung anong hapunan ang gusto niya, hindi niya pa sasabihin na darating ka! Eh di aligaga ako! ‘buti na lang may mga rekado ako ng afritada, kaya nakapagluto ako kahit paano”, baling ng ginang sa kanya na tila ba nagsusumbong.

Napangiti na lang siya. 

“Tara na, Red”, sabi ng heneral tsaka siya nagmamadaling hinila papunta sa direksyon ng study room nito.

Narinig niya pa ang pagtawag ng Tita Vida niya pero hindi na ito pinansin ng asawa.

“Pagpasensyahan mo na ang Tita Vida mo, Red. Excited lang na makita ka ulit”, wika ng nakatatandang lalaki nang ganap silang makapasok sa study nito.

Ngumiti lang siya at hindi na sumagot.

Imwenestra nitong maupo siya sa maliit na couch doon kaya gan’on din ang ginawa niya.

“So, anong gusto mong itanong?”, anito pagkaupo na pagkaupo din sa single sofa sa tapat niya.

Ah, yes. Muntik niya nang makalimutan ang sadya niya kaya siya umuwi.

“Did... Did you really consent the release of the victim of Deo Dysangco’s gang?”,

“Yes”,

“Pero bakit po? Hindi po ba kailangan pa natin ang testimony niya? Plus, we still have the obligation to ensure her safety. Baka mamaya may mga tao pa si Dysangco sa labas at pwede siyang balikan ng mga ito”,

Saglit siya nitong tinitigan wari bang iniisip kung ano ang isasagot sa kanya. 

“She is not in the right condition to do the testimony, Red”, 

“A-Ano hong ibig n’yong sabihin?”

“She suffered from great Post Traumatic Stress. Kinailangan siyang i-sedate ng mga nurse at doktor sa infirmary ng ilang beses dahil sa tuwing magkakamalay ay nagwawala siya”,

Pakiramdam niya ay may tumadyak sa dibdib niya. He is well aware that he was the cause of it all. He raped her. Not once, but over and over. More than Deo, he is the one to blame for what happened to Trinity. 

“Nakiusap ang tito niya na iuwi na siya. They promised to be cooperative during the entire investigation. And of course, to help Miss Santigao recover from PTSD as best as they can”,

Naipikit niya ng mariin ang mga mata. He remember her face the first time he took her. How she begged for him to stop, for him to help her. Pero binalewala niya ang lahat ng iyon.

“H-How... How is she?” hindi niya maiwasang maitanong.

“She will be ok, Red”,

Iniisip niya kung ano ang dapat niyang isagot sa heneral nang may bigla siyang maisip.

“You said tito niya ang sumundo sa kanya?” 

Tumango naman ito.

“I mean, why? Hindi lahat ng naki-kidnap ay ligtas na nakakabalik sa mga mahal nila sa buhay. Shouldn’t her parents come running to see her? Make sure that justice will be served? Lalo na at nanggaling siya sa isang makapangyarihan at maimpluwensyang pamilya”, 

He nearly sounded angry. Hindi niya lang kasi maintindihan kung bakit hindi mga magulang ng dalaga ang sumundo at nag-asikaso dito.

“I wouldn’t know that much, Red. Maybe Governor Santiago is just being careful, lalo na at election period. Whatever is their reason, labas na tayo d’on. It’s between their family”,

Napamura siya sa isip. Kung hindi lang kasi siya naging abala sa pag-aasikaso na makapag-file ng kaso laban kay Deo ay siya na mismo ang mag-aasikaso sa dalaga. Kung tutuusin ay kulang pa iyon sa lahat ng kasalanan niya dito.

“Huwag ka nang masyadong mag-alala, Red. I’m sure her family are looking after her at this very moment”, 

Sana nga, tahimik niyang hiling.

“Now, we better head to the dinning room bago pa tayo sugurin ng Tita Vida mo dito”, maya maya ay sabi nito tsaka tumayo na.

“I’m sure nand’on na ang bisita mo, naghihintay sa’yo”

Oo nga pala. Nawala na din sa loob niya ang sinavi nitong may bisita siyang naghihintay sa kanya. 

“Sino po ba ‘yong bisitang sinasabi n’yo?”

Ngumiti ito tsaka siya inakbayan.

“You’ll know”, 

Inakay siya nito palabas ng study room at diretso sa kumedor. Bahagya pa siyang nagulat nang maabutan ang sinasabi ng heneral na bisita niya, na abalang tumutulong sa paghahain ng mga pagkain.

“INSAAAAANNN!” 

Patakbo itong yumakap sa kanya. 

“Yoda? Anong ginagawa mo dito? Paano’ng…” sunod-sunod niyang tanong. Hindi siya makapaniwalang na naroon ito ngayon. Pagkatapos ng madugong engkwentro nila sa mga kalaban ay bigla na lang itong nawala. 

Galak siyang gumanti ng yakap dito. 

“He said he wanted to be like you. Gusto niya din daw magsilbi sa bansang Pilipinas and he wanted to learn from you”, tila natutuwa ding sabi ng heneral habang nakamasid sa kanila. 

“Sabi ko naman, well, everyone deserves a second chance. If one wants to turn his life around to be better, and if we have the means to help him do that, then we should”, dagdag pa ng nakatatandang lalaki. 

“Hindi ko po masyadong naintindihan ‘yong mga sinabi n’yo pero mukhang maganda naman kasi nakangiti kayo…” hirit ni Yoda.

Nagkatawanan sila. 

For a moment, he had forgotten all his worries. 

Later…we’ll think about it later…

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status