Share

CHAPTER XXXIII (JADE; ANG UNANG KABANATA)

TRINITY'S POV

H I N D I . . . niya alam kung gaano katagal na siyang tulog nang maalimpungatan siya sa pakiramdam na may nakadagan sa tiyan at hita niya. Noong una, akala niya ay nananaginip lang siya, pero nang may gumalaw sa tabi niya ay doon siya tuluyang nagising.

Kinapa niya kung ano man ang nakadagan sa bandang tiyan niya.

An arm???

Hindi pa siya nakuntento at pinisil-pisil pa iyon. Kumabog ang dibdib niya nang maramdamang matigas at maskulado iyon, tanda na hindi babae ang nagmamay-ari n’on.

No, not just an arm! It’s a man’s arm!!! Sigaw niya sa isip.

“Hmm, ‘nay, kakatulog ko lang e, mamaya na ako babangon,” namamaos pa’ng sabi ng may-ari ng maskuladong braso.

Confirm! Lalaki nga ang katabi niya. Napaupo siya at agad na napasigaw sa gulat.

“AAAAAAHHHHHHHHHH!!!”

Mabilis rin tuloy na napabangon ang katabi niya sa gulat.

“Sunog?! May sunog!?! May sunog!” tila naalimpungatan rin nitong sigaw habang nagpapaikot-ikot lang sa kinatatayuan.

Pati tuloy si Aling Patty ay agad napas
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status