"Kape ka muna." Inabot ni Gio sakin yung cup bago naupo sa tabi ko. Humigop sya bago sumulyap sakin. "Kapag hindi mo itinigil yang pag iyak mo baka ikaw naman yung maratay sa hospital nyan," wika nya bago pinahid ang luha ko. Mapait akong ngumiti at tumingala para hindi na tumulo pa ang luha ko. "Pasensya na talaga sa abala, tapos iyakain pa ako. Ayos na ako dito mag hintay kay tatay, baka kaylangan kana ng mga pasyente mo." Humigop muli sya ng kape bago naningkit ang mata habang sinusuri ako. "Kaylan kaba nakaabala sakin? Basta pag dating sayo at sa pamilya mo walang problema sakin. Close kami ni tatay at ng maganda nyang anak." "Sino yung magandang anak? Dalawa lang kasi babae samin, si Bria at ako lang. Si Dara kasi pusong lalaki yun," natatawang tanong wika ko. "Sino pa ba yung tinutukoy ko?" Tanong rin nya habang nakangiti sakin. "Gio hindi mo ako kilala." Seryosong wika ko bago humigop ng kape. "Dapat ba kilala kita?" Tanong rin nya. Hindi na ako kumibo. Nanahimik nalang
"Nakatulog kana ba ng maayos?" Napabuntong hininga ako bago sumagot. "Ayos naman, salamat sa pag-aalala buti ka pa." Tinawagan ako ni Gio para sabihing okay na daw si tatay. Nagising na ito kaya naman nawala na yung kaba na dinadala ko. Nasa kwarto parin ako mag hapon. Balak ko sanang bumawi ng tulog pero mag hapon lang din akong umiyak dahil sa sama ng loob ni ibinibigay ni Tzaddi sakin at ng mga kapatid ko. "Maliligo lang ako tapos diretso na ako d'yan." "Duty parin ako kaya nandito pa ako. Huwag ka sanang mawa sa mukha ko," natatawang wika ni Gio. "Pinag pahinga mo ako tapos ikaw naman yung walang pahinga.""Kaya ko pa naman. Sanay na ako, easy lang 'to. Huwag kanang mag-alala sakin ayos lang talaga ako." Napailing na lamang ako. "Sige, dadalhan ko kayo ng lunch wag na kayo kumain sa iba." Bilin ko bago binaba ang tawag at agad na dumiretso sa banyo para maligo. Agad akong nag luto ng madadala kila Mama at Gio para maging panang halian. Tahimik si Denver na nag kakape habang
"P-paano mo nagawa 'to?" Nakayuko parin ako. Hindi ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag sakanila. Sobrang nahihiya ako sa nagawa ko. Alam na ng mga kapit bahay namin at tiyak na hindi nila kami titigilan sa chismis. "Ma, I'm sorry po." "Para saan ate, para sa kalandian mo? Ang kapal ng mukha mo na sabihan ako e, sa sarili mo nga hindi mo ma-apply." Masama ang titig ni Bria sakin. "Bria sobra kana!" Umiiyak na sigaw ni Dara. "Mas sobra sya!" Dinuro ako ni Bria pero nakatitig lang ako sakanya. Habang si Gio ay katabi ni tatay na wala paring imik. Si Mama naman ay panay lang din ang tulo ng luha at talagang galit sakin. Lahat sila galit. Alam ko namang mali yung ginawa ko eh. Kaya lang sana naman naiintindihan nila na ginawa ko rin naman yun para sakanila. "Paborito na nga sya ni tatay e, diba?" Napasulyap si Bria kay tatay. "Palagi nalang si ate yung tama. Palibhasa may perang naibibigay na galing naman sa pangangabit. Hindi ko maatim na yung ibinibigay mo samin ay galing sa masa
"Hindi kita mahal o minahal kasi umpisa palang pera lang naman ang habol ko sayo." Matapang na wika ko. Kaylangan kong gawin 'to para sa ikatatahimik ng lahat. "Sinungaling," masama ang titig nya sakin. "Sabihin mong mahal mo rin ako ilalayo kita dito." Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sakanya. "E, gago ka pala talaga! Ayoko na nga Tzaddi! Mahirap bang intindihin yun? Ayoko na maging kabit mo lang. Hindi ko pinangarap maging kabit. Kaylangan ko lang talaga ng pera kaya ginawa ko ang katangahan na 'to, pero ngayon naipamukha na ng lahat sakin na nakakadiri ako at nakakahiya. AYOKO NA. Gusto ko ng makalaya sayo, pakawalan mo na ako. Araw-araw sinasampal ako ng katotohanan na kabit lang ako. May lumapit na bata sakin at alam mo ba ang sabi nya?" Muling tumulo ang luha ko. "May kabit ang ama nya at iniwan sila ng Mama nya. T*ngina nahihiya ako sa bata Tzaddi! Gusto kong lumuhod sa harap nya kasi isa ako sa tinutukoy nya.""Bakit ka mag papa-apekto sa iba?" "Kabit ako Tzaddi ano
[Tzaddi's POV]"Pakasalan mo ulit ako, this time totoo na. Mahal na kita at lahat gagawin ko para sayo." Umismik ako kay Laureen. "Panalo kana, pero hindi parin ako magiging sayo. Hindi na." "Please," lumhod sya sakin habang lumuluha. "Ginawa ko lang ang dapat na tama. Asawa mo ako at karapatan ko yun. Wala akong pake kung napahiya man sya kasalanan nya na pumatol sya sa may asawang tao." Matigas na paninindigan nya. "Namatay ang tatay nya," nag ngingitngit ang kalooban ko ngayon. "Tinapos na nya ang lahat samin tapos ito ka sa harapan ko nag mamakaawa na pakasalan ka ulit? Sobrang kapal ng pagmumuka mong harapin ako." Nag titimpi ako na wag masaktan si Laureen. Panay ang buntong hinga ko dahil naka hindi ko matansya ang sarili ko at makagawa ng bagay na hindi maganda. "Kasalanan ko. Ako yung nag alok sakanya at hindi sya ang humabol o lumandi sakin," paliwanag ko. "Kaya bakit mo sakanya ibinunton lahat?""Dahil kabit sya.""Kumabit karin naman diba? Huwag kang mag malinis Lauree
"Ma," naluluhang niyakap ko si Mama. Wala silang kaalam-alam na dumating na ako. Hindi ko na kasi gusto sunduin pa nila ako dahil mapapagod lang sila sas byahe. Maging si Gio nga ay nag pupumilit pero sinabi ko nalang na dumiretso na sya ng bahay. Sya lang ang tanging nakakaalam na ngayon ang uwi ko. Sa dalawang taong pamamalagi ko sa ibang bansa hindi lang ako basta lumayo. Hindi ako nag party lang dun. Kumayod ako at nag pakasasa sa trabaho para may ipadala kilala Mama pang paayos ng bahay at kahit paano ayt nakaipon narin ako ng malaking savings para sa sarili ko. Natuto akong mag handle ng pera ng maayos. Natuto akong mag tira para sa sarili ko, at natuto akong mahalin din ang sarili ko. Pamilya ko ang naging inspirasyon ko nung mga panahong lugmok na lugmok na talaga buhay ko. Sa dalawang taon na lumipas may nag bago kaya? Sinuri ko ang buong kabahayan. "Worth it pala pag-alis ko Mama." Natutuwang sambit ko. Napatango si Mama bago tinawag ang mga kapatid ko. "Ang ate nyo dum
Kapal talaga ng muka! Humingi ako ng pasensya kay Gio sa nangyari. Naiiling na pumasok na ako ng bahay at nag locked ng pinto. Desido na akong bigyan ng chance na mahalin si Gio, baka sakanya talaga ako sasaya. Kaagad akong nahiga sa kama at dinukot ang phone ko sa bulsa ng aking short. Makapag facebook na nga lang ng makabalita naman sa mga friends ko. Matagal narin akong walang post. Simula kasi ng nasa abroad na ako panay nalang ako sa messenger nakafocus. Wala rin naman akong ipo-post dahil broken na broken ako that time. Nag tipa ako ng pang caption na, "Dun tayo sa lalaking alam ang responsibilidad at handa bago lumandi". # LeaveMeAndStopBotheringMeYes, mahaba hushtag ko. Nag public ako para makita talaga ni Tzaddi ang post ko. Friend ko narin pala si Gio sa lahat ng social media accounts nya, pero sa messenger kami nag tatambay talaga. Usap-usap at kamustahan nung nasa ibang bansa pa ako. Matiyaga nya akong inalalayan, tinulungan at hinintay. And finally, handa na ako. Han
"Pasensya na late ako." Nakakahiya kay Gio. Sya yung bisita pero nauna pa sakin, bwiset kasi si Tzaddi eh. Mabuti nalang talaga mabait si Gio kaya hindi sya nagalit sakin. "Ayos lang ang mahalaga ay kasama kita ngayon," nakangiting sagot nya.Akward kasi first time naming lumabas ngayon bilang nililigawan nga nya ako. Kapag kasi kasama ko sya tingin ko sakanya kaybigan, pero ganun parin naman. Kaybigan parin turing ko sakanya kahit na hindi mag click yung panliligaw nya. Mabait si Gio. Sya yung tumulong samin ng pamilya ko kaya malaki talaga ang utang na loob ko sakanya, pero hindi naman porket mabait sya at maraming naitulong samin lalo na sakin e, ibibigay ko agad ang 'oo' ko kahit na wala naman akong nararamdaman sakanya. Sa ngayon kasi kaybigan palang pero hindi naman madidikta o masasabi ng isang tao kung hanggang kaybigan lang. Pwede kasing magustuhan ko din sya at malimutan na si Tzaddi. Iyon ang gusto kong mangyari kaya binigyan ko ng chance si Gio, at kasabay ng pag bibiga