Mahina kong binuksan ang mga mata ko. Nahihirapan akong gumalaw. Naka higa pala ako dito sa baba ng hagdan. Teka anong ginagawa ko rito?Ang natatandaan ko nasa sala kami kanina nung inumpisahan namin, pero bakit ngayon andito nako? Sumanib nga talaga saakin ang masamang kaluluwa nayun nung pumasok ako sa salamin. Napakurap-kurap ako ng mata, may nakita akong dugo. Sinundan ko iyon ng tingin at nakita si Mama na wala ng buhay. Nanlaki ang mata ko at napa takip ng bibig. Si mama..."M-ma?" agad akong lumapit at nanginginig na nikayap siya. Hindi ako makahinga ng maayos sa nakikita ko."Ma!? No! Wag mukong iiwan... naka balik nako..... please.." Umiyak nako ng umiyak. Bakit si mama pa? Sana ako nalang ang namatay! Hindi ko kaya. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Ma.... wag mukong iiwan... paano nako pag wala ka? Ma! Ma! Please ma gumising ka! Wag mukong iwan! Ma! Ma.... please... gising... wag... m-mukong iiwan.... please." Niyuyugyog ko ito. Baka panaghinip lang ito. Napaka samang panag
Ali POVIt's been 10 years mula nang mangyari ang araw na yun. Halos hindi ko na nga matandaan. Pinipilit kong kalimutan pero mahirap.Nag kikita parin kami ni Vibian kapag hindi kami busy sa kanya-kanya naming buhay at pamilya. Nag ka tuluyan sila ni Edward ang classmate din niya noong college at ako naman ang katrabaho kong si Luis. May dalawa akong anak at kapag sineswerte ka kanga naman naging kambal pa. Dalawang babae ang anak ko, si Ara at Mia. 6 years old na sila at masaya silang nag lalaro kasama ng asawa ko. Ngayon lang ulit sila nag bonding.Pumunta muna ako ng kusina at nag timpla ng gatas para sa kambal.Hindi nanamin nakita si Alvin matapos ang araw na iyon. Nabalitaan nalang namin na pumunta na ito ng ibang bansa. Hindi ko maipag kakaila na na trauma ako sa nangyari saamin. Halos ilang buwan din akong tulala at palaging takot pag katapos ng nangyari.Ngayon lang namin ulit dadalawin si Aurora. Ang huling balita ko sa kanya nag kasakit ito at patuloy paring pinapagaling n
"Doc, ano po ang sakit ng anak namin?" nag aalalang tanong ng ginang. Nag-aalala ito sa kanyang tatlong taong gulang na anak. Kasama niya ang kanyang asawa at nasa tabi niya lamang ito at tahimik na nakikinig."Wala naman pong problema sa kanya Mr and Mrs.Vazquez, pero meron po akong diagnosis sa kanya. Ito ang tinatawag na Mirror Image Agnosia " agad na sabi ng doctor."Mirror Image Agnosia? Ano po iyon doc? Malala po ba ang sakit n-na iyon?" Nanginginig na boses ng ginang, hindi na nito napigilang humikbi."Ito po ay Gnosis, isang modality-specific na kakayahang ma-access ang semantic na kaalaman ng isang bagay o stimulus sa pagkakaroon ng normal na perception. Ang pagkabigo nito ay agnosia o disorder ng pagkilala. Maaari itong maging lubos na pumipili sa loob ng isang mode, ang mga larawan sa sarili ay naiiba sa iba dahil walang nakakita ng sariling larawan maliban sa pagmuni-muni. Ang hindi pagkilala sa larawang ito ay maaaring mamarkahan bilang mirror image agnosia o Prosopagnosi
Walang gana akong bumangon sa kama at pumasok sa banyo. Papasok na ako sa school pero parang ayoko, ano naman ang gagawin ko dun? Mag papaka loner? Bumuntong hininga na lamang ako. Bagong araw nanaman para pagtawanan ako ng mga klaklase ko at gawin ang mga gusto nilang gawin saakin, pati mga ibang studyante sa school ganun din. Mula pa ng grade school ako palagi na akong binubully. Hindi ko alam kung bakit, nanahimik lang naman ako. Siguro dahil wala akong lakas ng loob para harapin sila. Nag suot nako ng uniform at inayos ang buhok ko. Bumaba na ako at nakita ko si mama na nagluluto, tulala ito. Ganun siya lagi, palagi nalang siyang tulala. Ang papa ko namatay na noong 10 years old pa lamang ako, namatay siya dahil sa heart attack. Mula noon naging mailap na si mama sa mga tao, naghirap din kami nang mawala si papa. Lahat ng ari-arian namin benenta na namin. Luma na din ang bahay na tinitirahan namin ni mama, binili namin ito noong namatay si papa dahil ang dati naming bahay ay kinu
Pumasok na ako sa bahay at naabutan si mama na nagdadasal sa sala, naka pikit ang mga mata nito at parang may binubulong. Umakyat nako sa kwarto ko at hinayaan na lamang si mama mag dasal. Nag bihis nako at bumaba para tulungan si mama sa kusina mag luto ng hapunan.Pag dating ko sa sala ay wala na si mama, nagtaka naman ako. Teka nasaan si mama? Kani-kanina lang andito siya saan kaya siya nagpunta? Naglakad ako papunta sa kusina at wala din siya doon, nilibot ko na ang buong bahay pero wala talaga si mama.Napa upo ako sa sira-sirang couch, siguro lumabas siya baka may bibilhin. Biglang may narinig akong kalabog sa sahig. Nagulat pako dahil malakas ang pagkakakalabog nun. Ano ba yun daga? Mukang galing sa basement, napalunok ako at lumapit sa pinto ng basement, gawa sa metal ang pintong iyon, bakas dito ang pag ka luma dahil sa kalawang at mga dumi na naka balot dito. Mahina kong pinihit ang door knob, hindi ko pa nabubuksan ng maayos ng may naramdaman akong tao sa likod ko."Anak?"
Nagtatakang lumapit ako dito, ngayon lang ako nakakita ng salamin, alam kong salamin ito dahil nababasa ko ito sa mga libro at sinasabi sa libro na malalaman mong salamin ito dahil sa reflection, hindi pako naka kita ng salamin mula noong bata pa ako, tiningnan ko ang aking muka sa salamin. Ganito pala ang itsura ko, hinawakan ko ang muka ko, napakaganda nang nakikita ko. Halos maiyak ako, napadako ang mata ko sa noo ko na may band aid at sa damit kong madumi, namumugto rin ang aking mga mata dahil sa kakaiyakTinitigan kong mabuti ang reflection ko sa salamin. "Lumapit ka Aurora..." ayan nanaman ang tinig.Parang ang reflection ko sa salamin ang tumatawag saakin. Naka tingin lang ito saakin, lumapit ako ng husto dito."Lapit pa Aurora...." Napalunok ako at ilang dangkal nalang ang layo ko sa salamin. Parang may iba akong nakikita sa salamin. Bakit iba ang pagtitig saakin ng reflection ko? Naguguluhan ako. "Wag kang matakot Aurora... tutulungan kita." Nagulat ako ng magsalita ang
Gusto ko sanang sabihin kay mama ang nangyari pero parang panaghinip lang lahat nang iyon. Ayoko ring mag alala si mama saakin lalo na't kapag nalaman niyang tumingin ako sa salamin. Totoo ba ang nakita ko sa salamin kahapon? Pagdating ko sa school at nagtaka ako dahil maraming police sa labas ng gate. "Anong nangyayari?" tanong ko sa hangin. Pinark ko na ang kotse at bumaba, nag lakad nako papasok. Halos walang studyante dito sa hallway, nasaan sila?Nakaramdam ako ng kaba dahil sa nangyari kahapon, baka may tatakip nanaman sa bibig ko tapos hahawakan nanaman ako sa mag kabilang braso at dadalhin sa abandonadong building at ikukulong sa Cr. Ayoko ng mangyari ulit yun, natatakot nako."Aurora?"Napalingon ako ng may nag salita sa likod ko."Ali?" Ang nerd na naka sama ko kahapon."Ahh sorry, nagulat ba kita?"Umiling ako bilang sagot. "Maiba tayo, nabalitaan mo naba?"Napakunot naman ang noo ko. "Nabalitaan ang alin?" takang tanong ko. Wala akong idea sa sinasabi niya."Ang nangy
Binuksan ko ng maigi ang pinto at tumambad saakin ang kadiliman. Hinawakan ko ng mabuti ang flashlight at tinutok sa loob ng basement. May hagdan pababa, tumingin muna ako sa paligid baka mamaya dumating si mama at pagalitan ako.Humakbang nako pababa sa hagdan, itinuon ko ang tingin sa dinadaanan ko, baka malaglag ako at mabagok ang ulo sa sahig, narinig ko nanaman ang mga kalabog sa baba. Malapit nako sa pinaka dulo ng hagdan. Nagpatuloy lang ako hanggang sa naka tapak na ang paa ko sa sahig, andaming alikabok at dumi sa sahig. Mukang hindi ito nililinisan ng ilang taon. Inilibot ko ang flashlight na hawak ko, wala naman akong nakikitang kakaiba maliban sa mga antique na nandito. Mukang may mga halaga pa ang mga ito,Napapitlag ako ng may kumalabog sa likod ko. Nanginginig ang kamay ko, hinawakan ko ng mabuti ang flashlight at mabilis na nilingon ang likod ko. Nanggagaling ang kalabog sa isang maliit na box? Nagtaka ako, baka nga sa daga talaga nanggagaling ang mga kalabog. Bumunto