Share

Chapter 3 First Encounter with another Devil

Claire’s Pov

Nandito ako ngayon sa club S Triple X para simulan na naman ang gabi ng pakikibaka. Hindi ako sanay sa nakakasulasok na amoy ng alak sa loob ng club pero wala akong magagawa dahil isa ito sa pinagkukunan ko ng malaking halaga para makaipon ng mabilis. Ayoko ko sa ganitong uri ng trabaho but I don’t have any option at tinitiis ko lamang dahil sa malaking sahod na natatanggap ko kumpara sa iba ko pang mga raket. Malaki magpasahod ang S-triple-X at madali lang kausap si madam. Siguro ay sobrang galanti ng may-ari ng club na ito. Salamat din sa panginoon dahil pinagkalooban niya ako ng talento sa pagsasayaw dahil nakakatulong ito ng malaki sa akin.

Habang umiindayog ako sa sayaw ay hindi ko maiwasang tingnan ang aking paligid at napansin ko halos lahat ng mga lalaki ay halos tumulo na ang laway sa pagtitig sa akin. Those lusty and pervert stares at my body ay nakakapangilabot subalit kailangan ko ng masanay sa ganitong sitwasyon kung gusto ko pang magtagal sa ganitong trabaho. Subalit nahagip ng paningin ko ang isang matipuno at matangkad na lalaki in short he’s quite cute but he also looks like a mafia boss. Napansin kong iba ang uri ng tingin na ibinabato niya sa akin compare sa ibang mga kliyente na nandito.

Nagpatuloy lang ako sa pagsasayaw sa pole at hindi pinansin ang estrangherong lalaki. Actually may hitsura siya,tall dark and handsome at malalaki ang mga braso at hita. Kung tutuusin ay papasa siyang bouncer dito sa club. Habang tumatagal ay napapansin kong ang sama na ng tingin niya sa katawan ko. Nagsimula na akong kabahan sa hindi ko malaman na dahilan. Simula kanina ay hindi talaga niya inaalis ang tingin sa akin o kahit ang pumikit man lang. I feel goosebumps.

Kumindat siya at saka ngumiti. Para bang kanina pa niya hinihintay na tingnan ko siya at nang mangyari nga ay kuminang ang mata nito. Umiwas agad ako ng tingin at narinig ko pa ang pagmumura niya na parang disappointed dahil umiwas ako ng titig. Ano ba akala niya makipag titigan ako sa hindi ko kilala? Panatag naman ang loob kong hindi niya ako makikilala dahil nakatakip ang mukha ko ng belo.

Pagkatapos ng 4 hours shift ko ay bumalik ako kwarto upang makapag bihis at makauwi na kaagad sa bahay. I’m so tired at gusto kong matulog ng maaga dahil sa buong linggong hindi nakapag pahinga ng maayos. Palaging ubos ang lakas ko pagsapit ng sabado dahil I give my best kapag last day ko na. Sabi nga ni Madam kapag last day ay bigyan ko din ng lust day ang mga customer para bumalik-balik dito sa club and she guess it right dahil tuwing magpe-perform ako ay palaging napupuno at hindi nababakante ang club. Sabi nga ng mga kasamahan ko ay star of the night daw ako.

Subalit bago ko pa marating ang kwarto ko ay may humablot sa akin na malalaking braso na ikinagulat ko. Napapikit ako ng makaramdam ng kirot dahil mabilis niya akong isandal ng malakas sa pinto at tumama ang likod ko sa doorknob. Ngunit mabilis ko ding naimulat ang mga mata at nagulat ako ng tumambad sa akin ang mukha ng estrangherong lalaki na katitigan ko kanina. His face is so close to me at nakikita ko ng malapitan ang feature at anggulo ng mukha niya at tama nga ang hinala ko, gwapo at siya at habulin din ng mga babae.

Ngunit hindi ko gusto ang uri ng tingin niya sa akin na para bang pinag-aaralan niya ang mukha ko at gustong makita kung ano ang itsura sa likod ng telang nakabalot dito. Nilapit niya ang kamay upang tanggalin ang itim na belo na binalot ko sa aking mukha. Mabilis kong hinawi ang ulo upang maiwas sa kanyang kamay.

“Excuse me, Sir. Nagkamali po ata kayo ng babaeng nilapitan” sabi ko subalit hindi man lang ito natinag at parang walang narinig. Napansin ko ang paglunok niya at sinimulang hagurin ang pisngi ko gamit ang likurang bahagi ng kanya palad. Halos kapusin ako ng hininga ng maramdaman kong tinatanggal niya ang pagkakabuhol ng belo na sa leeg ko. Mabilis kong hinawakan ang braso niya upang pigilan siya.

“Sir, pakawalan niyo po ako, hindi po ako ang babaeng hinahanap niyo,” ulit ko. But he replied me with a smirked at tiningnan ako sa mga mata saka mabilis na kinuha ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa braso niya. Dinala niya iyon sa kanyang labi at dahan dahan na hinalikan. Dito na nagsimulang dumagundong ang dibdib ko dahil sa ikinilos niya.

Binalot na ng kaba at takot ang buong pagkatao ko. Wala akong sapat na lakas upang labanan siya dahil halos mangalahati lang ang katawan ko sa laki ng katawan niya. Napadasal na lang ako na sana may dumaan dito at makakita sa amin to save me sa kamay ng estranghero ito..

Hinila ko ang kamay ko ngunit mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak dito. Baliw ba siya? Sisigaw na ba ako ng tulong?

“Alam mo bang halos gabi-gabi akong nandito para lang makita ka?” Saad niya.

“Palagi kitang gustong makita. Gusto kong ligtas kang nakakauwi at makakabalik dito kinabukasan." Dagdag niya na ikinamangha ko. Gabi-gabi siyang nandito pero ngayon ko lang nakita ang imahe niya.

“Sir, kung gabi-gabi po kayong nandito, dapat alam niyo na po na bawal po itong ginagawa niyo. Tapos na po ako sa duty ko at uuwi na ako kaya kung pwede lang ay pakawalan niyo na ako.” medyo naiirita na ako.

Subalit imbes na pakawalan ako ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin at tinabig ako padikit sa kanya at binalak ulit na tanggalin ang belong nakatakip sa mukha ko ngunit mabilis pa rin akong nakaiwas.

Kinuha niya ang kamay ko at dinala sa kanyang labi at ginawaran ng mga mumunting halik na ikinagulat ko. Why is he doing this? He doesn't know me and I don’t know him either. This is wrong and I started to breathe heavily dahil sa kaba na nararamdaman ko. Diyos ko help me! Dalangin ko.

Sinubukan kong hilahin ang kamay ko pero hinigpitan lanmang niya ang pagkakahawak. I looked at his face with a tearful pleading eye at napansin niya kaya siya tumigil. Binaba niya ng kusa kusa ang mga kamay ko subalit napahinto siya ng makita ang galos sa bandang braso ko. Nakuha ko iyon dahil kay Steve dahil sa pagpupumilit niyang imiscore sa akin.

Hinaplos-haplos niya iyon at masamang tiningnan para bang nagagalit siya dahil nakita niyang may bahid ng galos ang katawan ko. Nanlaki ang mga mata ko ng dampian din niya ng halik ang galos sa braso ko. He is so weird, crazy and looks very dangerous. I’m scared of him. Mas nakakatakot siya kumpara kay Steve.

Nag-ipon ako ng lakas at kumuha ng pagkakataon para kumawala sa bisig niya. Pero dahil nga sa pagkakahawak niya ng mahigpit sa mga braso ko ay wala ring nagawa ang lakas ko. He just flipped me and pinned me on the back of the door. Nakatalikod ako at nakasandal sa kanyang maskuladong dibdib and naririnig ko ang mabilis niyang paghinga pati ang paglunok niya. He is hugging me from behind.

“Kahit hindi ko pa nakikita ang mukha mo ay alam kong paraiso ang nakatago sa likod ng telang ito,” bulong niya sa tenga ko. “At darating ang araw na masisilayan ko rin yan. Alam kong hindi ka pa handa ngunit kaya ko pang maghintay pero ang pasensya ko ay kaunting-kaunti na lang.” dagdag pa niya na ikinakilabot ko.

He then again flipped me facing him, and this time he pressed himself to me. Para akong madudurog sa laki at lapad ng dibdib niya. Dinikit niya ang tungki ng ilong sa tungki ng ilong ko. I close my lips as tight as I can and close my eyes so that he cannot steal my first kiss. I don’t like to give my first kiss to a stranger, never. I am struggling on how to get away with his chest because it's caging me. Yung kaninang lakas na naipon ko ay nalusaw na rin at wala na akong lakas na lumaban sakaling may gawin siyang hindi maganda sa akin.

“Shhh, wag kang matakot, babe. Ayaw kong nakikitang nasasaktan ang mga bagay na gusto ko.” Bulong niya sa Tenga ko. “You smell so good and I want to smell you all day. Honestly, I really wanted to get inside of you just fucking right now too bad, but I don’t force anyone to do it. Gusto kong ikaw mismo ang mag-submit ng sarili mo sa akin, not now but soon when you’re ready,” dagdag pa niya.

Ikinabigla ko lahat ng mga salitang binanggit niya. Hindi ba siya na-inform ni madam na hindi kasama sa trabaho ko ang maki-table or sumama sa kahit kaninong lalaki? At sa mga naririnig ko ngayon it disgust me. I’m aware na hindi maiiwasan ang alukin ng ganito sa uri ng trabaho ko pero simula pa lang ay may kasunduan na kami ng manager na walang kahit sinong lalaki ang pwedeng lumapit sa akin. Hindi ko alam paano siya nakapasok dito.

Hindi ko na nagawang sumagot sa sinabi dahil sa shocked. Napansin ko na lang ang pagluwag ng hawak niya sa akin and the next thing happened ay naglalakad na siya papalayo sa akin. Mabilis kong binuksan ang pinto saka pumasok at ini-lock iyon dahil sa takot na bumalik ang estrangherong iyon?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status