Share

CHAPTER THREE

AS the days goes on!

"L-lasing ka?"

Dulot ng pagkagulat ay nautal si Adel nang napagbuksan ang kumatok. Wala namang ibang dumadalaw sa kaniya maliban sa kasintahang si Reynold Wayne. Ito rin ang madalas tumambay sa bahay niya lalo na tuwing weekend. Ngunit kailanman ay hindi ito nakainom sa tuwing nandoon sa kaniya. Kaya't hindi niya inaasahang amoy na amoy ang alak mula rito.

"I-im sorry, my little one. Nagkasagutan kasi kami ni Mommy sa unang pagkakataon. Kaya't napainom ako sa bar," tugon nito habang naglalakad sila patungo sa upuan.

"Ha? Bakit? Ibig kong sabihin ay bakit mo sinagot-sagot ang Mommy mo?" tanong niyang muli.

Ngunit wala siyang natanggap na sagot mula rito. Kaya't inalalayan niya ito upang makahiga ng maayos. Akala nga niya ay nakaidlip na ito kaya't tumayo siyang muli saka nagtungo sa pintuan saka ini-lock. Simula naman kasi nang dumating ang kasintahan mula sa Thailand ay halos ito na ang bantay niya. Kahit si Shadow ay bumalik na sa dati nitong amo.

"Mahal, maari bang dito muna ako magpalipas ng gabi? Alam kong nagtataka ka lalo at weekdays pa. Ngunit gusto ko sanang dumito muna," dinig niyang saad nito.

Kaya naman imbes na dumiretso siya sa kusina upang ikuha sana ito ng maligamgam na tubig upang punasan ay bumalik siya sa tabi nito at naupo. Hindi lang iyon, ipinaunan niya ito sa kaniyang hita.

"May problema ba ang mahal ko? Dati-rati ka namang natutulog dito kahit hindi ka nagpapaalam ah. Maari ko bang malaman kung ano ang dahilan kung bakit nagsagutan kayo ni Ma'am Janelle?" tanong niya habang sinusuklay niya ang daliri sa makapal at itim nitong buhok.

Kaso wala siyang nahintay na sagot mula rito. Kaya't akma siyang magtatanong muli. Kaso hindi niya napagtagumpayan dahil naupo ito saka hinawakan ang magkabila niyang palad.

"Huwag mong isipin iyon, mahal ko---"

"Mahal, hindi puwede iyang sinasabi mong huwag ko itong pansinin. Dahil sa unang pagkakataon ay nakipagsagutan ka sa Mommy mo. Kung ano man ang dahilan ay igagalang ko kahit ano pa iyon."

Mahinahong pamumutol ni Adel. Dahil hindi siya sanay sa ganoong usapin. Totoong hindi na kagaya ng dating labas-masok siya sa tahanan ng mga ito kahit nagtutungo pa rin siya roon. Lalo na sa tuwing mayroong okasyon.

SAMANTALANG sa tanong na iyon ng kasintahan niya ay hindi agad nakasagot si Reynold Wayne. Ganoon pa man ay mas minabuti niyang ipagtapat dito ang tunay na dahilan.

(Italics)

"You must be crazy, Reynold Wayne!"

"Kung kabaliwan ang tawag sa pagnanais kong pakasalan ang taong mahal ko bago man siya magtapos ay ganoon na nga, Mommy!"

"Aba'y sumagot ka na rin sa ngayon! Maari bang mag-isip ka naman! Natiis mo ang mahigit dalawang taon noong nagtungo ka ng Thailand bakit hindi mo kayang gawin ngayon?!"

SA tinurang iyon ng kaniyang ina ay natahimik si Reynold Wayne. Tama naman ito ngunit ang hindi niya maunawaan ay kung bakit ayaw nitong pumayag na kasalin sila ni Adel. Samantalang noon pa man ay botong-boto na sila rito.

"See? Hindi ka makasagot dahil sarili mo lang ang iyong iniisip! Kaya't huwag na huwag mong babanggitin muli sa akin ang bagay na iyan. Now, if you still my son that I raised with my own hands, get out of my sight before I can hit you!"

Mariing boses ng ina ang nagpabalik sa kaniyang isipang nagsimulang lumipad.

"Isipin mo po ang nais mong sabihin, Mommy. Ngunit para sa akin ay walang problema---"

Subalit hindi na iyon pinatapos ng Ginang. Sa unang pagkakataon ay pinadapo niya ang palad sa pisngi ng panganay na anak. Hindi pa siya nakuntento dahil hinablot niya ang kuwelyo ng damit nito.

"Hindi ka lang nababaliw, Reynold Wayne! Nawalan ka na rin ng kakayahang mag-isip ng maayos! Okay, fine! Do whatever you want but never think of coming to me when you are in trouble!"

Kung hinablot niya ito sa kuwelyo ay ganoon din nang binitiwan ang kuwelyo nito. Mabuti na lamang at sa sofa ito bumagsak.

"WHAT'S happening here, Honey, Reynold Wayne?" agad na tanong ni Ginoong Pierce Wesley. Bukod sa dinig na dinig ang boses ng asawa ay mukhang tabingi pa ang mukha ng panganay na anak.

"Itanong mo sira-ulo mong anak! Huwag na huwag mong matanong-tanong sa akin dahil masama ang timplada ko ngayon!" Pabagsak na naupo ang Ginang sa sofa.

Kaya naman lumapit si Ginoong Pierce Wesley sa anak kagaya nang tinuran asawa at ito nga ang tinanong.

"Anak, ano ba ang nangyayari sa inyo ng Mommy mo? Abot hanggang gate ang boses niya," aniya rito.

Kaso wala siyang nakuhang sagot mula rito. Tuloy ay nakaramdam siya ng inis lalo at mukhang wala itong balak sumagot. Ganoon pa man ay hindi siya nagpadala sa galit. Mas minabuti niyang idinaan sa magandang usapan.

"Anak, aba'y baka naman maaring sumagot ka? Tinatanong ko kung ano ang problema at ang lakas ng boses ng Mommy mo."

Subalit kagaya ng una ay wala siyang nahintay na sagot. Maaaring magsasalita siguro ito ngunit eksakto namang muling nagsalita ang asawa niya. Ang hindi lang niya napaghandaan ay sumunod nitong hakbang. Tumayo ito at itinulak ang binatang mukhang walang magsalita.

"Okay, fine! Kung ayaw mong sabihin ay ako ang magsasabi, you bastard!" Dinuro-duro pa ng Ginang ang anak bago humarap sa asawa.

"Ako na ang magsabi kung ano ang dahilan kaya't kamo ay dinig na dinig hanggang sa gate ang boses ko! Ang nasiraan ng bait mong anak ay hindi na yata makontrol ang sarili kaya't gustong pakasalan si Adel ng mas maaga kaysa ang pagtatapos nito sa pag-aaral. Nakaya nga niyang tiniis ang mahigit dalawang taong pagkalayo nang nagtungo siya sa Thailand, ngayon pa kaya? Kaya't pagsabihan mo ang baliw na iyan kung nasa tamang pag-iisip pa ba siya!" pahayag ng Ginang. Ngunit mataas pa rin ang boses na wari'y nais nang lamuning buhay ang anak.

NAUUNAWAAN naman ito ng Ginoo ngunit hindi magandang tingnan kung salubongin niya ang galit nito.

"Anak, iwanan mo na kami ng Mommy mo. Mamayang gabi na tayo nag-usap. Ako na ang bahala rito." Binalingan niya ang anak kaya't kitang-kita niya ang ekspresyon ng mukha nito. Maaring ayaw pa siguro nitong umalis ngunit tumango-tango siya.

SAMANTALANG sa tinuran ng kaniyang ama ay nag-alinlangan si Reynold Wayne. Ngunit nang tumango-tango ito ay saka pa lang siya kumilos. Dinampot niya ang inilapag na susi ng sasakyan at muling bumalik sa parking area. Nagmaneho siyang walang matinong direksyon. Hanggang sa napadpad siya sa isang bar at doon uminom nang uminom. Subalit kahit ano'ng gawin niya ay walang epekto sa ang iniinom. Kaya't imbes na tuluyang mainis sa mga malalanding paulit-ulit na ipinapakita ang maselang bahagi ng katawan ay binayaran na lamang niya ang bill at nagmanehong muli. Iyon nga lang ay sa tahanan ng kasintahan niya siya dumiretso.(end of italics)

SA mahaba-habang paliwanag ng kasintahan ay hindi siya agad nakapagsalita. Hinamig niya ang sarili ng ilang sandali bago nagsimulang nagsalita.

"Mahal, sana ay hinayaan mo na lang sana. Kita mo ngayon nag-away kayo ni Tita," aniya kaso umiling-iling ito.

"Hindi maaring hayaan ko na lang, Mahal. Dahil kapag ginawa ko iyon ay nagmistula na ring hindi kita kayang ipaglaban. Alam mo naman kung gaano kita kamahal," turan nito kasabay nang pag-iling.

"Alam ko iyan, Mahal. Kahit kailanman ay hindi ko pinagdudahan ang pagmamahal mo sa akin. Ngunit hindi naman kasi magandang tingnang sinagot-sagot mo ang iyong ina."

'Totoo naman kasi ang sinabi nito.'

Nais nga sana niyang idagdag kaso sinarili na lamang niya iyon. Dahil ayaw niyang silang dalawa ang magpang-abot. Napag-usapan na rin kasi nila ang tungkol sa kasal. Dahil gusto nilang magsama araw-araw kaso mukhang wala sa kanilang panig ang mundo sa pagkakataong iyon.

"Can I sleep here tonight, Mahal? Don't worry I'll stay here and you will sleep in your room," dinig niyang saad nito at pumukaw sa malaliman niyang pag-iisip.

"Oo naman, mahal. Dati-rati namang natutulog ka rito ah." Tumingala siya rito.

"Totoo iyan, Mahal. Ngunit kailanman ay hindi tayo lumampas sa ating limitasyon. Kaya ako nagtanong ngayon dahil hindi ko alam kung---"

'Wala ako sa huwesyo upang pigilan ang damdamin ko. Baka kung ano ang magawa ko kaya't mas mainam nang nagpaalam ako.'

Idugtong pa sana ng binata ngunit hindi na niya nagawa dahil kusang iniangat ng kasintahan ang palad saka idinantay sa kaniyang pisngi. Hinaplos-haplos nito kaya't mas nag-init ang damdamin niyang pilit pinipigilan sa tuwing magkasama silang dalawa.

"ALAM ko ang dahilan kung bakit kayo nagpang-abot ng Mommy mo, mahal. Kagaya nang sinabi mo ay ayaw pa nitong pumayag na magpakasal tayo bago ko matapos ang aking pag-aaral. Maaring hindi ka pa kinausap nina Ate at Kuya Khalid ngunit parehas sila ng rason kung bakit ayaw nilang magsama tayo sa iisang bubong bago ako mag-graduate sa university. Mahal na mahal kita alam mo iyan, mahal ko."

Pahayag nito kasabay nang paghaplos sa pisngi niya. Kaya't napadilat siya at tumitig dito. Akala pa naman niya ay maunawaan siya ng kaniyang pinsan. All of people that he expected to support him is opposing him.

"Kung ganoon lang din namang tutol silang lahat ay mas mabuting sundin natin ang itinitibok ng ating puso, Mahal. Huwag nilang ikumpara ang pagpunta ko noon sa Thailand at sa ngayon. Dahil desisyon nating dalawa iyon."

Hindi tuloy niya maiwasang maghinampo sa mga taong tumututol sa plano nilang mag-civil wedding. Ngunit sa paghihimagsik ng kalooban niya ay muli niyang naramdaman ang mainit na palad ng kasintahan. Hindi lang iyon, unti-unting lumapit at bumaba ang mukha nito sa kaniya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status