HAYES COX FERGUSON "Thank you, Mr. Ferguson. I hope pag isipan mo ang aking proposal." pasasalamat ni Mr. Herrera" Kapag napag isipan ko ako mismo ang tatawag sayo.. " wika ko at nakipag kamay ako sa taong ito Tumango naman ito at umalis na kasama ang lalaking sekretarya nito. Ako naman ay muling umupo at pinaligpit ni Micro ang plato." Pahingi ulit kami ng menu.." paki suyo ko sa waiter."Okay Sir, kukunin ko lang po." sagot nito at umalis na agad. Ako naman ay tumingin lang sa labas ng malaking bintana.Nasa ika apat kami ng palapag ng hotel na ito, mula dito makikita mo ang busy na kalsada ng Maynila. Makikita din mula ito ang paliparan.Nang dumating ang menu agad akong umorder ng filipino food dahil ito ang gusto kong kainin. Nag order lang ako sinigang na hipon at kare-kare. Si Micro naman ay pareho na lang din sa akin ang gusto nito."Papayag kana sa partnership?" basag sa katahimikan ni Micro.Sumandal ako bago sumagot. " Oo, kukumbinsihin ko din siya na umanib sa akin sa
HAYES COX FERGUSONNang maka pasok kami sa bahay, pinag handa ako ng upuan ni Tita Carmella. "Pagpasensyahan mo na ang bahay namin. Malayo ito sa nakasanayan mo.." may hindi ako maintindihan sa tono ng pananalita nito.Parang may galit, o kung ano pang tono. "Walang problema sa akin 'yan, nasanay ako sa kulungan na mahirapan." sagot ko at umupo ako sa plastic na upuan.Buhat ko parin si Louie, nakita kong lumingon sa akin si Tita Carmella bago ito tumayo at hinarap ako. "Bakit ka ba andito?" tanong nito."Gusto ko tulungan ang mga bata, kahit mga bata na lang kung ayaw mo sa akin. Wala naman problema sa'kin, pero sana huwag niyo na ipag damot sa mga bata ang maliit na tulong.." diretso kong sagot kay Tita Carmella."Bahala ka, pero tandaan mo hindi ko yan hiningi sa'yo." sagot nito halatang galit ito.Hindi ko na lang yun pinansin. "Nag aaral ba kayo?" tanong ko sa mga bata. Apat silang magkapatidUmiling si Cathy at nag salita. "Hindi po, tumigil po ako dahil hindi na po kaya ni Momm
CATLEYAH CHLOE TATE"Kailangan malaman kung sino ang talagang pumi-peste sa pamilya natin!" wika ni Dad."Kung yan bang Ferguson na 'yan o may iba pa ba?" wika ni Dad ulit.Wala ako sa focus para makipag usap sa kanila dahil sariwa pa sa ala-ala ko ang nangyari sa batang sinapupunan ko."Sa kwarto lang ako gusto ko mag pahinga." walang gana kong paalam at umakyat na ako. Nasa gitna pa lang ako ng hagdan ng mag salita si Daddy. "Kailangan makasuhan 'yang Ferguson na yan sa pag kitil sa buhay ng apo ko!" "Hindi nga alam kung si Hayes ba ang may kagagawan ng pagkawala ng anak ko o ako mismo!" sigaw ko at padamog na akong umakyat sa kwarto ko.Pabagsak ko sinara ang pinto at hindi ko mapigilan hindi umiyak. Ang anak ko lang ang naging lakas ko kahit hindi ko alam sino ang ama nito at wala din akong paki-alam kung sino pa siya.Napa iling ako at pinunasan ko ang luha ko, nag tungo ako sa kama ko at doon ako humiga. Ang huling naalala ko lang talaga ay sinugod ko si Hayes dahil sa ginawa
HAYES COX FERGUSONNapa tayo ako sa narinig kong sinabi ni Micro. "Anong sabi mo?" tanong ko muli dito."Kumuha ng information ang auntie mo! Ito oh binigay niya sa akin! Kilala niya ang pamilya Tate, dati kasi niyang kaibigan si Leona!" diin nitong wika at binagsak sa harapan ko ang folder na naglalaman ng nakuha nito. Kinuha ko dito ng dali dali at binasa ko ito.. "Lahat ng yan ay hawak ng tita mo, sigurado na marami siyang alam tungkol sa pamilya na 'yun.." wika nito.Napa lunok ako at napa iling. "Micro, pakiramdam ko nasa isang malaki maze tayo, bakit lahat ng tao na nasa paligid natin maraming hawak na ganito anong purpose?" tanong ko"Bakit, noon hindi nila ito nilabas ng kailangan ko?" tanong ko. Nabasa ko lahat ng naka lagay sa papel Ang pag transfer ng mga pera na nakuha nila sa akin. "Pare, tatagan mo sarili mo marami pang lalabas na tulad nito sa mga susunod na araw.." wika ni Micro.Nahirapan akong lunukin ang sarili kong laway dahil sa mga nabasa ko. "Kahit si Tita Car
HAYES COX FERGUSONNag salubong ang kilay ko sa pitong flavor ng ice cream na dala ni Tiger."Ang dami naman ata nito?" tanong ko kay Tiger na kumakain na agad ng ube ice cream flavor.Nag kibit balikat ito at tinuro nito si Micro na kanina pa tawa ng tawa. "Siya ang may kasalanan, tumawag sakin tapos hindi sinabi kung anong flavor. Dahil wala akong idea kinuha ko yung bestseller nila.." paliwanag nito na kina tawa lalo ni Micro."Isang linggong supply 'to mga bata!" wika ni Micro."Wala munang kakain, wala pang laman na kanin tyan niyo." bilin ni Jinal sa mga bata."Oy bayad mo, Micro?" paniningil ni Tiger na kina ngisi ko at kina wala ng ngiti sa labi ni Micro."Bakit ako? Hindi naman ako nag pabili niyan! "sagot nito na kina tawa ko." Oh sino ba tumawag sakin?! " tanong naman ni Tiger dito." Si Red ang singilin mo! " sagot nito at nag damog itong nag lakad patungo sa dining.Umiling na lang ako at kinuha ang wallet ko. " Ako nag pabili niyan, sinabi ko ang flavor kaso magulo ang
HAYES COX FERGUSONHawak ko ang cellphone ko habang nakatingin ako sa tv, lumabas na ang balita tungkol sa ginawa ko kahapon. Ito ang hot topic sa araw na ito, binitawan na ng mga Tate ang lawyer nila."Kaya nila napag desisyonan na putulin ang ugnayan nila sa lawyer na yan. It's all because of you, baka kasi iatras mo ang pag bili ng shares ni Caezar.." wika ni Tiger nasa likod ko ito.Linggo ngayon. Ilang araw na lang pasko na at ilang araw na lang din makikilala na ng mga Tate kung sino ang bumili ng lahat ng shares nila."Hindi ba sila naghihinala sa mga kilos mo?" tanong ko dito. Umupo ito sa pang isahang upuan."Si Catleyah oo at si Leona, pero tingin ko wala silang sapat na power para makapag salita. Mukhang kapag nakapag desisyon na si Caezar final na ito at wala na sila magagawa doon.." sagot nito.Tumango ako hanggang mag salita si Micro. "Guys! May kailangan kayo malaman!" wika ni Micro na kina lingon ko.Nag salubong ang kilay ko at nag salita. "Ano yun?" tanong ko dito."
HAYES COX FERGUSONNANG LUMABAS SI Doc. Montecillo agad akong napatayo. "Kamusta siya Doc?" tanong ko agad at lumapit ako.Ngumiti ito bago mag salita. "He's fine, hindi ganun kalalim ang naging sugat niya." sagot nito."Pero doc, saan niya nakuha ang sugat niya?" tanong ni Micro sa doctor na kaharap namin."Well, sinabi niya na may tinago kasi siyang bakal sa ilalim ng upuan ng passenger seat at ito ang alam niyang tumusok sa kanya.." mababang sagot ni Doc. Montecillo.Tumango ako at nilahad ang kamay ko.. "Maraming salamat doc, tatawag na lang ako kapag kailangan ulit niya ng tulong mo.." pasasalamat ko at nakipag kamay dito."Trabaho ko ito, mauna na ako Mr. Ferguson." paalam nito at tumango ako."Ihatid na kita doc sa labas," aya ni Micro dito. Hinatid ko sila gamit ang tingin ko hanggang maka baba sila ng hagdan.Ako naman ay pumasok sa silid ni Tiger, nakita ko itong tulog na. Kaya naman lumabas na ako ng tahimik at sinara ko ang pinto.Dumeretso na ako sa kwarto ko upang mag pa
To be continued ..-HAYES COX FERGUSONInayos ko ang suot kong tie at nag lakad na ako palabas ng aking silid. Hindi naman malayo ang venue ng event ng mga Tate sa bahay kaya madali lang ako makakarating.Kasama ko si Dalton, Luigi at Micro. Ang dalawa ay mananatili sa tabi ko, habang si Micro naman ay hindi ito pwede mag pakita muna.Dahil importante ang role ni Micro kailangan ay mananatili itong hindi kilala, dahil ito ang source namin sa information at sa hacking.Pag baba ko nakita ko si Miss Sandra na naka, i think red velvet ito na kulay ng gown at mahaba din ang gown na ito. "Wow! You look so hot with that, Sandra.." papuri ko dito.Ngumiti naman ito ng matamis at tiningnan ang sarili niya. "Really? First time ko ito isuot, ang ganda niya ano? Sa France ko pa ito binili." kwento nito.Ngumiti ako at tumango. " Mas maganda ng maisuot mo.. " sagot ko at nilahad ko ang braso ko upang humawak ito.Pumayag na ako na maging ka-date ko siya ngayong gabi, dahil hindi naman niya ako t