Share

CHAPTER 4: HER TRAINING (2)

Maaga kaming nagising dahil utos yan ni cosme samin, mag sisimula na daw Kasi ang totoong training namin.

" Agatha.." tawag ni nanay Gloria sakin.

" Po?" Sagot ko.

" Pakihatid muna itong cellophane sa selda kinse" wika nito.

" Ano pong laman nito?" Tanong ko sakaniya.

" Damit ni sol yan" sambit Naman nito.

Tumango na lamang ako at agad agad na umalis, nilakbay ko Ang daan patungo sa selda kinse marami na palang gising sa ganitong oras Yung iba humihilik pa pero kadalasan ay mulat na Ang kanilang mga mata at nag kwekwentuhan na sila.

" Oyyy... Babaeng iyakin San ka tutungo? Nga pala kinakamusta ka ng mga Dawson" nakangisi na sambit ni Madam Luciana sa selda dose Kasi Siya.

Lumabas Naman sila Mula sa kanilang selda at lumapit sakin, kung noon ay kinakabahan na ako kahit Mukha pa lamang nila ang nakikita ko pero Ngayon wala na akong pakealam sa mga kilos at galaw nila.

" Oh, hawakan niyo na yan warm up lang" nakangiti nitong sambit at nag stretch pa ito ng leeg at kamay.

Ngumisi Naman ako sakaniya, tiningnan ko ito sa mga mata at nakita ko si Farah sa pag mumukha Niya.

Agad ko namang sinipa ang dalawang nakahawak sakin at ng makawala ako ay agad agad ko naman itong sinapak sa Mukha nakatatlong sapak pa lamang ako ngunit duguan na Ang mukha niya.

"Madaaam!" Sigaw Ng mga alipores niya.

May umawat Naman sakin na lalaki.

" Bitiwan mo ako!" Malamig kung tugon.

Agad naman siyang tumingin sakin.

" Sino ka?" Sambit nito, may mga pasa Ang Mukha niya galing ata sa bugbog itong lalaking ito.

" Agatha" wika ko

" Hayes" sambit nito.

Tumango lamang ako at agad na umalis sa harapan niya dahil may mas importante pa akong gagawin kesa makipag kwentuhan sa mga Taga Selda trese.

Nakita ko Naman si El mayor at nginitian ko ito.

Nilagpasan ko na Ang mga selda nila at dumiretso na sa pakay ko, Hindi pa nga ako nag pa practice pero Pina warm up agad ako ni madam Luciana.

" Anong pakay mo?" Tanong ng babaeng nag aabang sa pinto ng selda nila habang nakapaypay kahit maginaw pa Naman.

" Si sol po, may pinapabigay Kasi sakaniya" wika ko Naman.

Agad naman niyang tiningnan ang cellophane na dala dala ko.

" Ito ba Ang damit ko?" Tanong niya.

Tumango na lamang ako at inabot ito sakaniya.

Agad naman niya itong kinuha sakin at agad na kinuha ang damit may nalaglag na isang piraso ng papel pinulot ko Naman ito, may naka drawing na mag ina habang nakangiti na nakatingin sa Araw.

" Akin na yan" wika nito at hinablot agad ito sakin Hindi Naman ako nakapalag at ibinigay na ito sakaniya.

" Salamat" sambit nito at umalis na.

Umalis na din ako baka Kasi malelate pa ako sa training namin, nag mamadali akong nagtungo sa selda namin ng mapagtanto ko na Wala na sila Nanay Gloria at mesha ay agad naman ako nag tungo sa loob ng selda nila cosme.

" Oyy tisay late ka ah" sambit Naman Nung mga Kasama ni Mang ador sakin di ko Naman siya pinansin at nag tungo na sa loob nakita ko Naman si Nanay Gloria na nag sasanay na Kasama si Mesha ng makita niya ako ay agad naman niya akong tinitigan.

" Ano nabigay mo na ba?" Sambit nito.

Tango lamang Ang tanging isinagot ko Hindi ko na pinatagal Ang pag Tayo ko agad agad naman akong kumuha ng Gloves at nag simula ng sumuntok sa punching bag.

" Andito kana pala" sambit ni Cosme.

Tiningnan ko muna ito saglit tiyaka binawi Ang tingin nag simula na akong sumuntok ulit.

" Ang pangalawa nating training ay Arnis, taekwondo, Judo , ninja tiyaka baril" sambit nito.

Tumango lamang ako nakita ko Naman si Mesha at nanay Gloria na nag aalalang nakatingin sakin.

" Hindi ba Yan delikado Kay Agatha lalo't buntis siya?" Sambit nito.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil alam ko sobrang delikado itong gagawin ko dahil nanganganib Ang buhay ng anak ko sa gagawin kung pag sasanay.

" Nakakbahala nga ito Agatha, ano bang desisyon mo sa gagawin nating pagsasanay? Tutuloy ka ba o Hindi?" Sambit nito.

Agad naman akong napatigil sa pag suntok at tiningnan ang sinapupunan ko, bumuntong hininga muna ako at nag isip ng matagal.

Kung pipiliin ko ang pag sasanay nakakasiguro akong nanganganib Ang buhay ng anak ko, umupo naman ako at tiningnan ang gloves ko.

" Siguro Hindi pa ako handa sa ganitong bagay kahit alam kung kailangan na kailangan ko pero alam ko Rin na mahihirapan ako" wika ko sabay tanggal sa gloves ko.

" Wag kang mag alala Agatha, aalagaan ka namin lahat kami nasa likod mo lang kami" sambit ni Nanay Gloria.

Nakakalungkot isipin na Hanggang dito lamang ako ngunit Masaya na ako dahil pipiliin ko ang buhay ng anak ko matagal ko ng pangarap mag ka anak kaya habang andito Siya Hindi ko muna siya sasayangin bubuhayin ko Siya at aalagaan.

" Ito Cosme, sa susunod nalang" sambit ko habang nakangiti sakaniya ng pilit Hindi maiitagago sa mga mata ko Ang lungkot dahil nangangamba ako na baka Isang Araw manganganib na naman kami ng Magiging anak ko nakakatakot talaga pag nasa selda ka.

Bakit ba Ako Ang durusa sa kasalanang Hindi Naman ako Ang gumawa, napaka saklap Naman ng Mundo sakin dahil Lahat nalang ng naranasan ko ay puro sakit at Hindi ko alam kung paano ko malalampasan Ang lahat ng ito diko alam kung deserve ko ba na maging ganito.

" Agatha wag kang panghihinaan ng loob" biglang sambit ni Mang ador.

Naka Yuko Kasi ako at iniisip Ang possibleng mangyayari sakin dahil nasapak ko si Madam Luciana.

" Nag aalala lang po Kasi ako na baka may mangyayaring masama sakin Lalo na kanina napaaway pa ako Kay Madam Luciana " sambit ko habang nakatingin sa malayo.

" Ginugulo kaba ni Luciana?" Tanong nito sakin.

" Lagi yang ginugulpi ni Luciana Mang ador kaya natatakot Yan e, natatakot Siya na baka Siya na Ang susunod Kay Logreng" wika naman ni Nanay Gloria Kay Mang ador.

" Paniguradong binayaran Siya ng mga Elite Squad at Dawson para pahirapan ka dito sa kulungan Hindi malabong mangyayari yun dahil naranasan ko na din dati yan" sambit nito sakin.

Hindi ba Ako umimik iniisip ko nalang kung anong maarong nangyari sakin, hays nakakalungkot isipin na napaka gulo ng buhay ko marami namang iba diyan pero bakit pa sakin ibinigay Hindi ko alam kung ano pa bang gagawin ko para maging maayus Naman ng konti itong buhay ko na wawalan tuloy ako ng pag asa na maging maayus pa ang buhay ko.

Kasi noon Nung nasa puder pa ako ng Dawson Akala ko maayus Ang buhay ko Yun pala empyerno Ang inabot ko sa loob ng pamamahay nila Hindi pamilya, pag ibig at kaligayahan. Mga sakim Sila sa Pera at kapangyarihan Hindi nila alintana kung may naaapakan o di kaya may nasasagasaan silang iba.

Bumuntong hininga na lamang ako at agad na tumayo.

" Nanay Gloria aalis lang muna ako, mauuna na ako sa loob ng selda natin" sambit ko habang nalulungkot.

" Sige, mag ingat ka at wag kang pupunta ng canteen ha dahil mag isa ka lang Makikita ka ng mga alipores ni Luciana dun" wika ni nanay Gloria.

Tanging tango lamang Ang isinagot ko Hindi ko alam Kasi kung ano pang gagawin ko bukod sa mag mokmuk at tiisin itong buhay na ibinigay ng mga Dawson sakin.

Hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa selda namin dahil da lalim ng iniisip ko Hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako, buntong hininga naman akong umupo sa higaan namin at nakatingin lamang sa pwesto kung san nakahiga si Nanay Logreng.

" Ang swerte ko parin pala na may pamilya ako na tinuturing sa seldang ito" wika ko habang Ang luha ko ay dumadaloy na, pinunasan ko ito at kinuha ang litrato namin ni Angelo.

" Asan kana ba Angelo, sobrang hirap na ng buhay ko Hindi ko na alam kung ilang Araw o Ilang buwan Ang itatagal ko sa loob ng selda na ito. Malayo ako sa piling mo at mas masakit dahil mag isa lang ako na hunaharap sa pinakamasakit na yugto ng buhay ko" sambit ko habang umiiyak.

Nakahiga ako habang umiiyak Hindi alam kung anong gagawin dahil para Naman akong naparalisa, ayaw kung makulong natatakot akong mag isa ngunit ng dahil sa mga taong mga halang Ang bituka at sa walanghiya kung Asawa ay napunta ako sa sitwasyon na pinaka ayaw ko.

" Sana bukas makalawa Magiging Malaya na ako, dahil may anak pa akong bubuhayin" wika ko habang umiiyak para akong baliw na kinakausap ang sarili.

Ano bang silbi ko sa Mundo, ano bang kaya kung gawin bukod sa pagiging mahina, ano paba?!

Yan Ang sinisigaw ng utak ko.

"Hoy!" Biglang sigaw at sipanng alipores ni Luciana.

" Papatayin kana namin Ngayon dahil kailangan na ng Dawson Ang bangkay mo, at OO nga pala nakasiwalat na dito sa loob ng selda na Isa kang dawson" sambit Naman nito habang nakangiti.

Tumayo naman ako at tiningnan sila sa mga mata Isa isa.

" Yan lang ba Ang habol niyo bangkay ko at sa anak ko Sige ibibigay ko sa inyo!!" Sambit ko.

Nginitian nila ako at pinagtutulungan, sapak at sipa, sampal at sabunot Ang natamo ko.

Halos hindi ko na marinig Ang sigaw sa paligid.

" Malandi ka!!!"

" Isa kang mamatay tao!!"

" Mamatay tao ka!!!"

Yan lamang Ang mga salita na narinig ko.

" Awat naaaa!!" Sigaw Ng Isang malakas na boses.

Agad ko namang dinilat Ang aking mata kahit na sobrang labo na ng paningin ko ay ipinikit kung idilat Ang aking mata.

" Hayes"

Yan nalang Ang huli kung nasambit, tuluyan ng kinain ng dilim ang paligid ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status