Share

CHAPTER 5: HIM

Nagising ako na halos Hindi Makagalaw Buti hindi ako dinugo sa lakas ng sipa nila sakin. Buti malakas Ang kapit ng anak ko.

Nandito na naman ako sa loob ng hospital mag isa lamang ako, nagtataka ako kung bakit Wala man lang nagbantay sakin.

" Gising kana pala" bigla Naman akong napatingin sa nagsalita sa gilid ko.

" Hayes?" Sambit ko

" Nga pala Agatha nabalitaan kung Isa kang Dawson" sambit nito habang malamig akong tinitigan.

" Pekeng Dawson dahil peke Naman Ang kasal namin" wika ko habang nakangisi.

" Mag ingat ka at wag kang mag papatalo sa emosyon mo Yan Ang pinaka matinding kalaban mo Agatha, aalis na ako....sana magkikita parin Tayo sa labas" wika nito sakin Bago tumalikod.

" Salamat Hayes" wika ko at tuluyan na siyang umalis.

Nakahinga Naman ako ng maluwag dahil kahit papano may nakakausap akong tao, Hindi ko inaasahang tutulungan ako ng mga Nasa selda trese dahil isa sila sa mga kinatatakutan tao sa loob ng preso na ito.

" Agatha"

agad namang umangat Ang ulo ko nakita ko Naman si Nanay Gloria, cosme, mang ador at Mesha.

" Siguro nabalitaan niyo Ang maling impormasyon" wika ko habang nakangiti.

" Bakit di mo Sinabi? Bakit itinago mo sakin" sambit ni Mang Ador.

" Psh, kung sasabihin ko ba sa inyo maniniwala kayo Ngayon nga lang e iba na Ang tingin niyo sakin" sambit ko sakanila.

" Ate mag paliwang ka" wika ni mesha.

Bumuntong hininga muna ako bago ako nagsalita at nag paliwanag.

" Isa akong Dawson pero pekeng Dawson" sambit ko habang nakangiti sakanila.

" Anong ibig mong sabihin?" Sambit ni Mang ador.

" Pinilit lamang akong ipinakasal Kay troy Yung nag iisang anak ni Senior Dawson aaminin kung minahal ko ng tunay si Troy kahit Isa lamang akong pambayad utang ng pamilyang umampon sakin. Hays, Ang kapalit ng pagmamahal na iyon ay empyernong buhay " wika ko habang nakangiti sakanila ng pilit.

Agad namang lumapit sakin si Nanay Gloria at mesha at niyakap ako ng mahigpit.

" Pasensya kana Agatha Ang Dami mo palang pinagdaanan at Hindi Naman alam na ganiyan pala kahirap Ang buhay mo ipinakulong ka pa nila napaka hay*p talaga nila!" Sambit Naman ni Nanag Gloria

Nakangiti lamang ako ng pilit at Hindi na ulit nag salita nakatingin lang ako sa malayo.

" May kamag anak ka ba?" Tanong ni Cosme sakin.

" Meron akong nag iisang kapatid na lalaki ngunit bata pa lamang kami ay nag kahiwalay na kami dahil umalis ito sa Bahay ng mga Colen" wika ko sakanila.

" Isa kang Colen?" Sambit ni Mesha.

" Ampon nila at inamoon lang Naman nila ako dahil ginawa nila akong pambayad ng utang Hindi nga nila ako tinuring na anak. Katulong ako sa pamamahay nila" wika ko habang nakayuko.

" Paano mo nakayanan ang lahat ng yan Agatha" wika naman ni Nanay Gloria.

" Kinaya dahil gusto kung mahanap Ang kapatid ko ayukong mamatay ng Hindi Siya nakikita" sambit ko.

Tumango na lamang Sila.

" Oh bumalik na muna kayo sa mga selda niyo!" Sambit ng Isang pulis habang nakakunot ang noo.

Napilitan Naman silang sumunod dahil kapag nabartolina Sila mas mahihirapan silang makaalis dito sa loob ng kulungan na ito.

"Ikaw si Agatha Diba?" Sambit nito.

" OO ako nga bakit?" Nagtataka kung tanong.

" May naghahanap sayo" sambit nito sakin.

Nag alala ako na baka Isa sa mga Dawson o di kaya Isa sa mga Colen sobrang kaba ng dibdib ko, Dahang Dahan na bumukas ang pinto at bumungad naman sakin Ang lalaking nakaitim may sumbrero.

" Sino ka?" Tanong ko sakaniya.

Itinaas nito ang kaniyang ulo at tumingin sa mga mata ko, maganda ang kaniyang tindig gwapo ito at matangkad.

" Agatha" sambit nito.

" Sino ka!" Sambit ko ulit sakaniya nag alala ako na baka killer ito ng mga Dawson.

Ngumiti Naman ito ng matamis sakin, kumunot ang noo ko dahil sa tinuruan Niya.

" Ang tagal na nating di nagkita, shelly" sambit nito.

Halos hindi ako makahinga, parang may bumara sa lalamunan ko dahil sa narinig ko. Agad na nag uunahan Ang mga luha ko at di ko maintindihan kung anong Magiging reaction ko.

"J-jelly?" utak kung sambit habang umiiyak ako.

" Ako nga Shelly" sambit nito.

Agad naman itong lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit, umiyak na din ito.

" Hanggang Ngayon iyakin ka parin Shelly" sambit nito habang umiiyak.

" Ikaw din Namah, sobrang namiss Kita San kaba nang gagaling!!" Sambit ko sakaniya habang nakayakap at umiiyak parin.

Bumitaw na ito sa pagkakayakap at pinunasan ang luha niya tiyaka Niya pinunasan ang luha ko, tiningnan niya naman Ang mukha ko at katawan ng Puno ng pasa. Nakita ko namang kumuyom Ang mga kamay niya.

" Hindi na importante kung saan Ako galing, alam ko ang lahat na ng nangyayari sayo" sambit nito sa malalim na tinig.

" Paano?" Takhang tanong ko.

" Sabihin nalang nating may kinuha akong investigator, Shelly sobra na yang naranasan mo sobrang paghihirap Ang dinanas mo I'm so sorry kung napabayaan Kita  alam ko ngayon sobrang pagsisi Ang naramdaman ko dahil sa ginaw ko na iyon " wika nito.

" Jelly..." Sambit ko habang nakatingin sakaniya.

Niyakap niya ako ulit tiyaka ginulo ang buhok ko.

" Bukas na bukas aalis kana dito, at pagbabayaran ng mga taong nanira ng buhay mo Ang lahat!" Sambit nito habang malamig akong tiningnan.

" Hindi Kita sinaktan, ni Hindi ka nga nakurot noon sa Bahay amponan tapos yang mga taong Yan pa ang mananakit sa iyo...iisa isahin mo Sila agatha at titiyakin kung double Ang sakit na ibabalik natin sakanila" wika nito sakin.

Tumango Naman ako.

" B-buntis ako" wika ko sakaniya.

" At si Troy Ang ama?" Wika nito.

" Paano mo nakilala si Troy?" Tanong ko sakaniya.

" Wag muna isipin Yun, bubuhayjn natin Ang bata na yan at bibigyan  natin ng magandang buhay" wika nito sakin.

Malaki na Ang nag Bago sa kaniya, Hindi ko alam kung anong nangyayari sakaniya, ngunit isa lang ang alam ko Malaki na Ang nag Bago sa buhay Niya at Malaki na Ang nag Bago sa ugali niya.

" Bossing..." Pumasok Naman Ang isang lalaki na may dala dalang bag.

" What!!" Inis nitong sambit.

" Tapos naba kayong nag usap ng girlfriend mo?" Wika nito.

" Can you shut up youd mouth!!" Sigaw nito sa lalaking chinito.

" Sorry Naman bossing, bakit ganiyan Ang Mukha ng girlfriend mo?" Wika nito.

" Isa pang kulit mo Sebastian at Ikaw Ang mananatili dito sa selda!" Inis na wika nito sa nag ngangalang Sebastian, agad naman itong nanahimik at nakayuko.

" Shelly babalikan Kita dito bukas, mag ingat ka at si baby...s-sana ingatan mo Naman Ang sarili mo dahil Hindi ko alam na susunod na Makikita kitang ganiyan Hindi ko na mapipigilan ang sarili ko" wika nito sakin.

Bigla Naman akong kinabahan sa sinasabi niya. Ngumiti na lamang ako para gumaan Ang kaniyang damdamin.

" OO jelly hinding hindi na ako mag papaapi pa Mahal na mahal Kita at sobra kitang namiss" naiiyak kung sambit sakaniya.

" Tss. Wag ka ng umiyak ano kaba" sambit nito at agad na pinunasan ang luha ko.

Hinalikan niya naman ako sa noo at tinawag ang nurse na nagbabantay sakin naka posas Kasi Ang kabila kung kamay kaya Hindi ko Siya nayakap ng todo todo.

" Alagaan mo Siya ng mabuti kung Hindi...alam ko na ang mangyayari sayo"seryuso nitong sambit agad ko namang nakita Ang takot ng nirse at tumango na lamang ito sakaniya.

" Shelly, gusto kung kumain ka ng kumain magpapadala ako ng makakain mo dito ayukong ginugutom ka at pinpakain ng mga pagkaing preso" wika nito.

Bigla namang pumasok si warden at tiningnan si Jelly tiyaka ito ngumiti.

" Mr. Belmonte, nice to see you here" wika nito, habang nakangiti.

" Walang maganda sa pagkikita natin Lalo at nakikita kung ganito Ang hitsura Niya" Galit nitong sambit Kay Warden.

" H-hindi ko Kasi alam na girlfriend mo siya " wika naman ni warden kumunot naman ang noo ko.

Tumingin Naman si jelly sakin na para bang pinapahiwatig Niya na wag akong magsalita kaya nanahimik Naman ako agad.

"Tss. Lame excuses. Ayukong may iba na mambubogbug diyan naririnig mo ba ako! Hindi ko Yan sinaktan ni Isang kurot Hindi niya natikman Yan sakin, niisang dampi ng kamao ko ay Hindi niya dinanas Yan sakin!"gigil at Sigaw nitong Sabi Kay warden.

Napapikit na lamang ito ng dahil sa takot Niya Kay jelly.

"Pasensya na, pasensya talaga Mr. Belmonte" wika naman ni warden habang nag mamakaawa.

" Agatha, sino ba ang nanakit sa iyo!" Sambit nito.

" Ang mga kasamahan ni Madam Luciana inutusan Sila ng mga Dawson na patayin ako" sambit ko habang blangko Ang tingin.

" Tss. Talagang ginagalit ako ng husto ng mga yan " sambit ni jelly sakin.

"Wag na ako na ang gagawa ng lahat makakalaya lang ako dito ipapakain ko sakanila ang bala " wika ko habang Wala paring emosyon na Makikita sa mga mata ko.

Hindi ko gusto na magagalit ako dahil Hindi ko Kilala ang sarili ko pag ganitong kinakain ako ng Galit ko.

Sumenyas naman si warden na hahanapin muna ang alipores ni Madam Luciana upang ibartolina, at naiwan na Naman kami ni jelly at Nung Sebastian.

Lumapit ito sakin at niyakap ako, talagang miss na miss ko Siya ganun din Naman Siya sakin sobra din niya akong namiss.

" Iloveyou and I will protect you no matter what happen" sambit nito tiyaka ako hinalikan sa noo at ginulo ang buhok.

" Sobra Kitang namiss Kuya Mahal na mahal din Kita...wag muna akong iwan ulit" wika ko sakaniya.

Tumango lamang ito sakin, pinatulog Niya muna ako bago ito umalis.

Malapit na din tayong maghaharap mga Dawson, malapit na malapit na.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status