Share

CHAPTER 1: THE BEGINNING

“Aaliyah, matagal ka pa ba dyan? Aba, bumangon ka na. Baka ma late tayo.” Sigaw ng bestfriend kong si Hannah.

Tiningnan ko ang relo sa side table ko, 7:30 palang naman ng umaga. 10:00 pa ang pasok namin for God’s sake.

“Ano ka ba naman Hannah, ang aga aga pa. Wala tayo sa Pilipinas, kaya hindi tayo mata traffic. Ang lapit lang ng school oh.”  Maktol ko naman.

     You’ve heard it right. Wala kami sa Pilipinas. Kasalukuyan kaming naninirahan dito sa Amerika. 3rd year High School kami sa University of New York. Napagpasyahan ko munang lumayo sa Pilipinas para i-enjoy ang buhay ko habang hindi pa dumadating ang panahon na matatali ako sa isang bagay na hindi ko naman ginusto. Particularly, sa isang tao.

     17 years old na ako ngayon at kapag tumungtong na ako sa tamang edad ay ipapapakasal ako sa tagapagmana ng mga Chua. Biktima kami ng kapatid ko ng ARRANGED MARRIAGE, dahil ipinagkasundo kami sa magkapatid ding si Lorraine at Adrian Chua.

“Hoy Aaliyah, tulala ka na naman dyan.” Bumalik ako sa ulirat ko ng biglang sumulpot sa harap ko si Hannah. Gulat akong napatingin sakanya ng makita kong nakabihis na pala siya.

“Bat ang aga mo naman atang aalis?” Nakita kong kumunot ang noo niya sa tanong ko.

“Don’t tell me nakalimutan mo?” This time, ako naman ang kumunot ang noo. Ano bang meron?

“Ang alin?” pakamot kamot sa ulo kong tanong.

What the. . . ano ka ba naman. Ngayon yung photoshoot natin, dba?”

     Napabalikwas ako bigla. OMG, eto ang matagal na naming pangarap ni Hannah ang maging model. Kaya ng malaman naman nung may pagkakataon ay hindi na naman pinalagpas pa. Nagkaroon ng screening sa school at hindi na kami nagdalawang isip sumubok. At ganon nalang ang tuwa namin ng malaman naming pumasa at pasok kami sa top 15.

     Makalipas ang ilang minuto, lumabas na ako ng kwarto at laking gulat ko ng makita ko sina Angelo at Skyler na prenteng prente ang pagkakaupo sa sofa. Si Angelo Hernandez at Skyler Sebastian Del Valle, mga kaibigan namin ni Hannah. Pinoy din yang mga yan at galing din sa mayaman at maimpluwensyang pamilya sa bansa. Nagkataon din na magkakakilala ang mga pamilya namin, at nagkatagpo tagpo pa kami dito sa Amerika. Gwapo, Matalino, Mayaman. Kaya head turner at habulin ng mga babae ang mga yan.

“Aba, ang sarap ng pagkakaupo niyo diyan ah. Bahay niyo?”  Biro ko sakanila.

“Syempre naman Aaliyah, dapat feel at home. Ano tara na?” Sagot saakin ni Angelo na may nakakalokong ngiti.

“Teka nga, at bakit ba kayo andito?” Naguguluhang tanong ko, sa pagkakaalam ko ay may basketball game sila.

“We’re here to fetch you. C’mmon.” Mahinang pahayag ni Skyler.

“And why? Ang lapit lang ng school oh. Walking distance.”

“Hannah told me that you have a photoshoot. Kaya sasama nalang kami at manunuod.” Sagot ni Skyler na may matamis na ngiti sa labi.

Oh okay.”  Sabi ko nalang. May magagawa pa ba ko? 

     At dahil nga sa photo shoot  ay excused kami sa klase ngayon. Pagdating sa school ay dumiretso agad kami sa Pavilion. Pumunta agad kami sa dressing room para magbihis. Makaraan ang ilang oras ay nagsimula na ang shoot. Nanuod lang samin si Angelo at Skyler, palibhasa walang magawa eh. Ramdam ko ang pananakit ng mga paa ko sa suot kong heels at ganon rin si Hannah dahil panay na ang reklamo niya.

“Okay, one more round then we’re done.” Anunsyo ng organizer na labis naming ikinatuwa. Hay nakakangalay magsuot ng heels. Ginusto mo yan Aaliyah, panindigan mo yan. Pose dito, pose doon. Then boom. Tapos na

“Okay Girls, next week we’ll be having an outdoor shoot. Be ready, we’ll just announce the date. Thank you. You may go.” Anunsyo ng isa sa mga photographer. Napansin kong medyo aligaga si Hannah kaya nilapitan ko siya. Mukhang may hindi magandang nangyari. With that in mind, nabalot na din ako ng pangamba.

“Hey Hannah. Anong problema? Okay ka lang ba?” Sunod sunod na tanong ko sakanya. Nagulat ako ng tumingin siya ng diretso sa mga mata ko at punong puno ng pag aala ang reaksyon sa mukha. Bigla tuloy akong kinabahan.

“Aali, tumawag ang Kuya mo. Nandito raw siya sa US ngayon.” Natatarantang sagot niya. Bigla yatang huminto ang mundo ko sa narinig ko. Bakit? Paano? Anong ginagawa dito ni Kuya? Papauwiin niya na ba ko sa Pilipinas?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status