MULI nanaman siyang naapektuhan ng sinabing iyon ng binata lalo’t dama niyang totoong panghihinayang ang kalakip ng sinabi nito. Pinilit niyang gawing normal ang tinig at nagtagumpay naman siya.
“Eh wala naman akong party nun, wala kasi kaming pera” hindi niya tinitingnan si Dave pero sa sulok ng kanyang mga mata alam niyang nakatitig ito sa kanya. At iyon ang isa pang dahilan kung bakit m
“YOU know what, hindi ko alam kung maniniwala ka sa sasabihin kong ito pero minsan na tayo nagkasabay dito”nang hindi makatiis ay naisipan niyang sabihin sa dalaga. Pagkagaling sa SJU ay sa sementeryo sila nagtuloy. Gusto raw kasing dalawin ni Audace ang puntod
NANGmasulyapan ay kasama ay walang anuman niyang nakagat ang kanyang lowerlip saka wala sa loob siyang napangiti at tila nangangarap na nagsalita pero umiwas siya ng tingin sa binata. “Siyempre gusto ko gwapo, moreno, matangkad.
BIYERNES nang hapon nang palabasin siya ni Glenda sa dinning dahil sa dami ng kumakain. Ilang sandali narin siyang abala sa ginagawa nang mamataang pumasok sa loob ng kainan si Janna kasama ang dalawa pang kaibigan nito.Napuna niya ang matalim nitong titig sa kanya, pero minabuti niyang huwag nalang itong pansinin at sa halip ay ipinagpatuloy ang ginagawang paglilinis n
TININGALA niya si Dave. Suminghot siya saka natawa ng mahina nang kurutin ng bahagya ng binata ang kanyang ilong. “You’re so pretty when you cry” anang binata kaya tuluyan na siyang napabungisngis. “saka isa pa matalino ka, iyon ang talagang dahilan kung bakit ka pumasa” paalala pa sa kanya ng binata sa tinig na tila nagsasabing wala siyang dapat ipagpasalamat dito.“If I could do anything for you, Dave. Just let me know” sa pagitan ng pagsinghot ay kanya pa
“ANO na nga palang nangyari kay Janna?”nasa sementeryo na sila noon at naglalakad papunta sa puntod nina Danica at Thelma. Pagkatapos ay tutuloy na sila kila Dave para sa practice ng sayaw.“Oo nga pala hindi ko pa nasasabi sayo, nag-dropped na siya
“PINAMADALI ko iyan. Alam ko kasing iyan ang sinasabi mong ipapagawa mo pagka-graduate mo at may trabaho kana?”paliwanag sa kanya ng binata. “pasensya kana, alam kong hindi ka papayag kapag sinabi ko sayo. Pero ipinagpaalam ko iyan sa Tita mo, nung umpisa ayaw niya pero napapayag ko rin siya in the end” paliwanag pa ni Dave sa nag-aalangang tinig.
NAPAPIKIT siya saka makalipas ang ilang sandali ay kusang umangat ang kamay niya saka masuyong humaplos sa mukha ng binata.“S-Subukan? Alam mo ba kung ano ang una kong sinabi sa sarili ko nung makita kita sa parking lot? Kung ikaw ang boyfriend ko, kahit ilang beses siguro akong umiyak okay lang” nakita niyang nangislap ang mga mata ni Dave dahil sa sinabi niyang iyon.
“ANONG resulta?” ang bungad niya kay Dave na kalalabas lang ng Faculty Room ng PE. Nakangiti nitong iwinasiwas ang hawak na index card.Kinuha niya iyon. “wow flat one, lucky charm talaga kita Dave!” aniyang yumakap nobyo na gumanti rin ng mahigpit na yakap sa kanya.