TRACE"Anong pakiramdam na napasunod ko si Chloe? Ang babaeng mahal na mahal mo pero sa akin kumampi. Ano ang pakiramdam, ‘Boss’ Trace?" nang-iinsultong tanong ni Nite sa akin na nagpabalik sa atensyon ko sa kaniya. Tangina! Masamang tingin lang ang iginanti ko sa sinabi niya.“You used Christine and I used Chloe. Fair right?! Mas masaya nga lang ngayon dahil hindi ito puro kamanyakan* lang… I used Chloe for my revenge para mapagbayad ka sa ginawa mo kay Christine at sa anak niyo.” Doon ako napaatras. What the fuck* is he saying?! Anong anak namin ni Christine pinagsasabi ng kupal na ito?!“Nakakagulat ba? Nakakagulat ba na ang batang handa ko bigyan ng pangalan ay pinatay mo kasama ng ina niya pagkatapos mo pagsawaan?” Hindi ako makasalita. Buntis noon si Christine? At sa akin? Again… another flashes…“I am getting married and it’s for real. This is the last time I am going to see you, Trace.” Matagal kong tinitigan si Christine. Hindi ko alam pero parang nalungkot ako na nakikip
El Tierra City, Salvacion 2001 TRACE "Responda!" Mama was yelling at Papa. "Estou te perguntando então melhor me responder!" Lagi naman sila nag-aaway at nasanay na ako sa gano'n. But still, I curiously listened. Ano kaya ang kailangan sagutin ni Papa? At ano ba ang tinatanong ni Mama? I peeped at the slight opening of the door of my parent's bedroom na nakalimutan yata nilang isara. I saw Mama's fists keep on punching Papa's face and body. Sunod-sunod na suntok at may sampal din. I know my mother was good with her fists, but I saw a woman just throwing punches out of anger and grief. Walang reaksyon si Papa... Sa mga oras na iyon ay naaawa ako kay Papa. Bakit siya laging sinasaktan ni Mama? Palagi kasing gano'n si Mama kapag nagalit kay Papa, lagi niyang nasasampal si Papa, parang... parang hindi na siya ang mama ko na mabait at laging malambing sa amin. Kahit panonood ko kay Doraemon ay hindi na nga niya ako sinasamahan. She was consumed by her hate to Papa. And the questions
TRACELalo na akong hindi nakaalis sa gilid ng pinto kasi interesado rin akong malaman kung nasaan ang ibang anak ni Papa. Lalaki kaya ang kapatid ko na iyon o babae? At kung babae ay kasing kulit din kaya ni Paige?"Hindi ko alam, Ana.""Don't give me that bullshit answer, Patrick! Alam ko na nakipagkita ka kay Mela! Kailan pa sila bumalik ng Pilipinas?""Oo, nakipagkita ako. Inaamin ko... pero... pero dahil gusto ko lang malaman kung ano ang nangyari sa anak namin. Kung babae ba o lalaki. Kung buhay ba...""Bakit kung lalaki?" masama ang loob na tanong ni Mama. "Plano mo pa talaga na may kahati si Trace sa lahat ng para sa kaniya. Iyon ba?""Ana, naririnig mo ba ang sarili mo? Nasaan na ang dating Ana na masayahin at mabuting tao? What is happening? You were not like that!""And you wanna ask what is happening? Are you trying to make me laugh? Magpasalamat ka at hindi ko sinasabi kay Kuya Michael ang ginawa mong panloloko sa akin. Magpasalamat ka at kahit sino kina Kuya Michael at A
TRACE“Ano?” natatawang tanong ni Louisianna sa akin. “Sabi mo kasi crush mo ko…” I smiled coyly."Hindi ikaw.” Natawa siya. “Ang bata-bata mo pa kung ano-ano nang sinasabi mo.""Eh sabi mo—""Sabi ko na wala akong makita na ibang gwapo rito maliban sa 'yo kaso baby ka pa kaya hindi kita pwedeng gawin boyfriend at baka magwala pa ang mama mo."I smiled shyly. Pwede niya siguro ako ma-crush-an kapag eighteen na ako. Kapag eighteen na ako ay liligawan ko talaga siya.Nasa gano'n akong pangarap nang may malakas na pagbasag na naman akong narinig mula sa taas. Natigilan ako at nagkatinginan kami ni Louisianna."Narinig mo 'yon?" she asked me.I nodded. "Kilala mo ba si Mela?""Sino 'yon?" tanong niya na kunot ang noo."Dating secretary ni Papa.""Hindi naman Mela ang pangalan nang pinalitan ko dati eh, si Josie man 'yon.""Iba si Mela at iba si Josie. Nauna si Mela.""Ahh, okay... Eh bakit mo tinatanong kung kilala ko si Mela ay matagal na palang wala dito 'yon?"I went silent. Iniisip k
Sta. Monica City, SalvacionTRACETwo weeks after..."What is happening with you and Kuya Patrick, Ana?" Tita Mommy asked Mama na tahimik lang at nakatingin sa mga nadadaanan namin.Mama deeply breathed in and out. Her breathing sounded sad. "Don't ask, Dorcy. Dito na lang muna kami ng mga bata sa inyo. Kapag okay na ako ay babalik din kami sa El Tierra.""No problem for me na dito kayo," agad na sabi ni Tita Mommy, "I am just worried. Actually natutuwa ako na nandito kayo at gusto ko nga na may mga kalaro si Logan kaya okay lang... pero nagtataka ako... May problema ba kayo? Napapadalas na kasi—""Normal na away mag-asawa lang, don't mind us," Mama answered safely.Gusto ko sana sabihin na sinungaling si Mama pero baka maparusahan ako mamaya kaya hindi na lang.They continued talking but it's all about the orphanage that they are sponsoring at wala na ako alam doon. I didn't listen anymore. Ang isip ko ay nasa magandang mukha ni Louisianna at iniisip ko na sana hindi na lang ako isin
El Tierra City, Salvacion 2004 to 2005 TRACE Bye, Trace!” Kumakaway si Analia habang papalayo ang kotse nila. Nakangiti naman akong hinintay muna makalayo ang sasakyan bago ako pumasok sa gate namin. Galing akong school at tumawag sa akin si Yaya Cora at sabi ay hintayin ko ang sundo ko dahil hindi ako masusundo ni Mama. Alam ko na ang dahilan nag-aaway na naman sila ni Papa. Iyon lang naman ang bagay na pwedeng maging dahilan na makalimutan ang existence ko. Priority na ni Mama ang makipag-away ngayon. Hindi na ako nagpasundo. Ang sabi ko na lang kay Yaya Cora ay makikisabay ako sa kaklase kong pauwi na rin. Si Analia. Ang totoo ay gusto ko maka-experience na sumakay sa tricycle kaso delikado si Yaya Cora kay Mama kapag nalaman na sumakay ako sa tricycle. Kaya gano’n na lang, para pumayag si Yaya Cora na hindi na umuutos na sunduin ako ay sinabi ko na lang na kay Analia na ako makikisabay. Kilala nila si Analia kasi ang ama ni Analia ay isa sa mga konsehal sa siyudad namin.
TRACEMonths goes by na naging normal naman. Hindi ko na nakikita si Louisianna na pumupunta dito sa bahay kaya ako na lang ang sumasadya sumama kay Papa kapag wala akong pasok para makita ko siya. Minsan sinasama ako pero kadalasan hindi dahil sabi ni Papa ay busy siya. Hindi na ako nangungulit kay Papa kasi alam ko na marami siyang iniinttindi sa lugar namin.Bihira sila mag-away ni Mama kasi bihira na lang silang magkita. Kakatapos lang din ng 4th grading exam namin kaya pabakasyon na naman kami sa Sta. Monica. Ayaw ko sana sumama pero hindi ko naman matanggihan si Mama at magagalit iyon.Mama wants na kapag bakasyon ay doon kami kina Tita Mommy. Alam ko naman bakit doon gusto ni Mama, kasi kapag sa orphanage siya at nakakakita ng mga ulilang bata ay naiisip niya raw na maswerte pa rin siya… iyon ang narinig ko na sabi niya kay Tita Mommy, na mas gusto niya ubusin ang panahon niya sa pagtulong sa mga madre sa orphanage kaysa ang sumama kay Papa at magpakaplastik.Pero kagabi… ay
Sta. Monica City, Salvacion TRACE “Trace!” malakas na tawag sa akin ni Logan. Logan is already eight and starting to act like me. Hindi na siya iyakin. Nakakatuwa na siya sa tingin ko at paborito ko siya. Sana pwede ko ipalit si Paige sa kaniya, maarte kasi iyon. Pero s’yempre hindi pwede, hindi papayag ang daddy ni Logan at nag-iisang anak lang siya. Ang boring… ang boring ng buhay namin. Si Logan nag-iisang anak. Ako na isa lang ang kapatid na kasama, ang arte-arte pa. Kumusta naman kaya ang kapatid ko kay Mela. May iba pa akong pinsan na lalaki, sa side ni Mama, kapag sa Brazil kami ay nakakalaro ko si Atlas, ang anak ng kakambal ni Mama na si Tito Anton. May kapatid si Atlas, kambal niya rin, si Althea, pero nasa mama nila. Hiwalay magulang nila at masaya naman sila. Mas okay nga siguro ang gano’n kaysa kagaya nina Mama at Papa na lagi nag-aaway. “Trace, tulong!” sigaw na ni Logan at nagtaka ako bakit siya nakikipag-away sa isang bata. Itinulak ng bata na marungis si Loga