Thank you po sa inyong lahat ❤️❤️❤️
CHE-CHE POVMasakit mawalan ng anak. At sa bawat araw na dumadaan sa buhay ko ay para akong namamatay. Nawawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay. Umiiyak ako palagi ng mag-isa. Dahil sobrang sakit at bigat ng nararamdaman ko. Bakit kailangan na ang anak ko pa ang mawala? Alam ko rin na nasasaktan ang asawa ko pero pilit niyang ginagawa ang lahat para sa akin. Kaya kahit minsan nasasaktan ako ay tinatago ko sa kanya. Dahil ayokong ipakita sa kanya.Hindi ko na kayang ngumiti ng totoo. Dahil kailangan kong magpanggap sa harapan ng asawa ko. Na kailangan ko maging okay kapag nandito siya sa bahay. Kahit na ang totoo ay nawawalan na ako ng gana na kumilos at mahirap na sa akin ang ngumiti. Na mahirap ng maging masaya.Inaamin ko na nakaramdam ako ng galit sa asawa ko nang sabihin niya sa akin na kailangan kong pumunta sa doktor. Malungkot lang ako at hindi naman ako baliw. Kaya bakit kailangan pa niya akong ipa-konsulta sa doktor? Alam ko na hindi kami okay dahil umalis siya na hindi nag
CHE-CHE POV Nakahawak ako ng mabuti sa kamay ng asawa ko dahil talagang kinakabahan ako. May takot akong nararamdaman pero sinasabi niya sa akin na kasama ko siya at wala akong dapat ikatakot. Pumasok kami sa loob dahil dumating na ang doktor. “Nasa labas lang ako, baby.” malambing na sabi sa akin ni Jayson. “Okay,” nakangiti na sagot ko sa kanya. Lumabas siya at naiwan lang kaming dalawa ni doktora. Nagsimula ng magtanong sa akin si Doktora. Hanggang sa hinayaan niya ako na i-kwento ko sa kanya ang nasa loob ko. Ang lungkot at bigat na nararamdaman ko. Matiyaga siyang nakikinig sa akin. Hanggang sa umiyak ako ng umiyak sa harapan niya. Inilabas ko sa kanya ang nasa loob ko at lahat ng nararamdaman ko ngayon. May mga sinabi siya sa akin na nagpa-gaan sa nararamdaman ko. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat sa dibdib ko. At lubos akong nagpapasalamat sa kanya. Nang matapos kami ay kaagad akong nagpaalam sa kanya at nakangiti kong niyakap ang asawa ko. Pagkatapos namin dito ay inal
CHE-CHE POV“What are you doing here?!” Galit na tanong ni Jayson sa Principal ng Academy na ama ni brat.“Mr. Rodriguez, nandito ako dahil gusto kong humingi ng tulong. Nagmamakaawa po ako, patawarin niyo na po ang anak ko. Hindi na niya kaya doon. Nakikiusap ako na hayaan niyo na siya. Hayaan niyo kaming magpiyansa. Kahit ako na lang po ang ipakulong niyo. Mrs. Rodriguez, nakikiusap po ako sa inyo.” Umiiyak ito at lumuhod pa sa harapan namin.“Sana ganun lang kadali ang hinihingi niyo.” Sabi ko sa kanya.“Alam ko po, pero kahit ako na lang po ang magbayad sa kasalanan niya.” saad niya sa akin.“Sana noon kayo naging mabuting ama sa anak niyo. Kasi kung pinalaki niyo siya ng maayos ay hindi magiging ganun ang ugali niya. At sa tingin niyo matuto siya sa pagkakamali niya. Naisip niyo ba ang ginawa niya? Kapag hiniling ko ba sa inyo na ibalik ang buhay nang anak ko. Kaya niyo bang ibalik? Kung nasasaktan kayo dahil nakakulong siya ngayon. Paano naman ako? Nawalan ako ng anak kaya sa tin
CHE-CHE POVSa palawan pala kami pumunta ng asawa ko. At sobrang gaan ng pakiramdam ko. Ang ganda ng buong lugar at talagang nakaka-relax. Gusto kong sulitin ang mga oras na kasama ko ang asawa ko. Isa sa natutunan ko ngayon ay pahalagahan ang oras lalo na sa mga taong mahal ko.“Boba, dinner na tayo.” Nakangiti na yaya niya sa akin.“Okay, Bubu. Kanina pa ako nagugutom sagot ko rin sa kanya.”Sabay kaming bumaba at hawak niya ang kamay ko. Sobrang romantic ng dinner naming dalawa. Masasabi ko na isa ito sa pinaka-sosyal at magandang hapunan na kasama ko ang asawa ko. Pero hindi ko lang maiwasan na mainis sa mga babaeng nagpapansin sa kanya. “Nakakainis ka naman, Bubu.” naiinis na sabi ko sa kanya.“Why, boba?” Tanong niya sa akin.“Lahat kasi ng mga babae ay nakatingin sa ‘yo. Bakit kasi ang gwapo mo?” sagot ko sa kanya.“Hahaha, hayaan mo lang silang tumingin dahil sa ‘yo lang naman ako. Ikaw lang ang makakatikim sa akin.” nakangisi na saad niya sa akin.“Ako lang pala ha, e marami
CHE-CHE POVPagpasok ko sa loob ng bahay namin ay nagtataka ako dahil nandito na ang kotse ng asawa ko. Kaya mabilis akong pumasok sa loob ng bahay para alamin kung talaga bang nakauwi na siya. Pagpasok ko pa lang ay niyakap na ako ng asawa ko.“Hindi mo sinasagot ang tawag ko?” Tanong niya sa akin.“Sorry, Bubu. Naka-silent ang phone ko.” mahinang sabi ko sa kanya.“It’s okay, Boba. Next time ‘wag mo ng i-silent mode ang phone mo.” Sabi niya sa akin.“Opo, sorry po talaga.” Sabi ko sa kanya.“Saan ka pumunta? Ang sabi mo kay inay sa convenience store ka lang pupunta.” Tanong niya sa akin.“Wala kasi akong nagustuhan doon kaya pumunta ako sa palengke.” Sagot ko sa kanya.“Next time kapag may gusto ka sabihan mo ako. Kasi ako na mismo ang bibili para sa ‘yo.” Sabi niya sa akin.“Sorry po talaga, Bubu.” Bigla akong nakonsensya at parang gusto kong kutusan ang sarili ko dahil nakikita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya sa akin. Alam ko na masyado ko ng pinapasakit ang ulo niya. Minsa
JAYSON'S POVMaraming nagbago sa asawa ko simula noong pinagalitan siya ni inay. Okay lang sa akin na pinakain niya ako. Pero si inay ang nagalit sa kanya. At ayoko naman na makipagtalo kay inay. Napapansin ko n ang tamlay ng asawa ko palagi. Na parang lagi itong nalulungkot. Hindi ko na rin siya nakikita na kumakain ng kung anu-ano o humihingi sa akin. At hindi ko kaya na makita ang mga mata niya na ganun.Kaya gumawa ako ng paraan. Naglagay ako ng hidden camera sa veranda at sa side table namin kung saan siya palaging tumatambay. Araw-araw ko itong sinisilip at nalalaman ko na marami pala siyang gustong kainin. Na marami pala siyang gustong gawin na hindi niya kayang isatinig.Minsan ay pinipili ko na iwan siya dito sa silid namin para makakain siya ng maayos. Alam ko kasi na naiilang siya kapag nasa tabi niya ako.At ngayong araw ay sumapit na ang ultrasound at para malaman namin ang gender ng baby shark namin. Tuwing naiisip ko na baby shark ang tawag niya sa baby namin ay napapan
CHE-CHE POVSa bawat araw na dumadaan sa buhay namin ng asawa ko ay puno ng saya at pagmamahalan. Lahat kami ay excited na sa paglabas ni baby shark ko. Laking pasasalamat ko dahil tumigil na ang paglilihi ko noong anim na buwan ang tiyan ko. Kaya hindi na nahirapan ang asawa ko sa akin. Nandito ako ngayon sa may veranda namin. Nakikinig kami ni baby shark ng music. Habang kumakain ng prutas.“Baby shark, kailan ka ba lalabas? Alam mo ba na excited na si mommy na makita ka?” Tanong ko sa kanya at hinimas-himas ko ang tiyan ko.“Ayyy! Ang lakas naman ng sipa mo, baby shark.” Natatawa na sabi ko dahil bigla na lang siyang sumipa.Kabuwanan ko na kasi at anytime ay puwede na siyang lumabas. Maraming tao ang nagsasabi na nakakatakot raw ang manganak. Dahil nasa h*kay raw ang isa mong paa. Pero alam ko na kahit gaano pa kahirap ay kakayanin ko. Alam ko na ginagabayan kami ni Lord at ni baby shark number one namin.Nasa trabaho ngayon ang asawa ko. Gusto sana niyang magfile ng leave sa tra
JAYSON’S POVKahit kinakabahan at natatakot ako ay pinilit kong lakasan ang loob ko. At nakahinga naman akong maluwag dahil naging maayos ang panganganak ng asawa ko. Ang pagiging makulit niya ay wala talagang pinipili na lugar. Kaya sobrang natutuwa sa kanya si Doktora dahil nagagawa pa niyang magdaldal kahit na nasa kalagitnaan siya ng panganganak. Hindi ko napigilan ang mga luha ko nang masilayan ko ang anak ko. Ang liit niya at para bang nakakatakot akong buhatin siya. Inilabas muna siya para malinisan. Ako naman ay sinamahan ko ang asawa ko. Nakatulog ito dahil sa sobrang pagod.Hanggang sa humahangos na pumasok ang isang nurse.“S–Sir, ang b–baby niyo po..” nauutal at namumutla na sabi niya sa akin.“Anong nangyari sa baby ko? Nasaan na ang anak ko?!” sigaw ko sa kanya.“Nawawala po ang baby niyo, Sir.” Sagot niya sa akin na ikinatigil ng mundo ko. Nawawala ang anak ko? Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ko ang braso niya.“Paanong nawawala ang anak ko?” May diin na ta