Share

28. TWISTED (EXPLICIT CONTENT)

BANGUNGOT. Ito ang nangyari sa kanya. Gusto niyang isipin na bangungot lang lahat ng ito, at magigising siya sa bangungot na iyon.

Pero hindi.

Punong puno ng luha ang mga mata niya habang tinitingnan ang dalawang tao na sobrang mahal niya na unti-unting ibinababa sa ilalim ng lupa.

Bakit nangyayari ito sa kanya? Bakit kailangan na mawala ang dalawang tao na unang nagmahal sa kanya?

Bakit sabay nila akong iniwan?

Hindi tumitigil ang luha niya. Parang hindi na siya makahinga sa sobrang sakit.

Sa isang iglap lang, dalawa ang nawala sa kanya. Hindi man lang niya nasabi na mahal na mahal niya ang mga ito.

Nagsi-alis na ang ibang nakilibing. Naiwan lang ang ilang malalapit sa kanila.

Tumingin siya sa babae na humawak sa balikat niya. Bakas ang lungkot sa mata nito.

Bumuntong hininga lang ito at malungkot na ngumiti bago umalis.

Pamilyar sa kanya ang mukha nito.

Ang mga kaibigan ng mama niya ay hanggang ngayon ay tahimik na umiiyak pa rin.

Katulad niya.

Umiiyak na niyakap siya ng mga kaibigan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status