Share

41. TWISTED (EXPLICIT CONTENT)

NANG ilapag siya ni Piero sa isang bench ay tumabi ito sa kanya, kaya umusod siya palayo dito.

Hindi niya parin nakakalimutan ang ginawa nito sa kanya. Galit na galit siya rito—sa tatlo pala.

Nawala ang atensyon niya rito ng ilibot niya ang mata sa paligid. Di niya mapigilan ang mamangha.

Para siyang nasa isang paraiso!

Napapaligiran sila ng iba't ibang kulay ng mga bulaklak. Tumayo siya at maang na nilapitan ang mga 'yon. Bago lang sa paningin niya ang ibang bulaklak. Napatingala siya dahil sa mga paruparo na nagliliparan sa paligid.

Nakakatuwa na makakita ng maraming paruparo na sama-sama sa panahon ngayon.

Inilahad niya ang palad ng may paruparo na paikot-ikot na lumilipad sa kanya.

Ngumiti siya ng dumapo sa kamay niya ang isang puting paruparo. Napakaganda nito.

Kumunot ang noo niya ng may dumapo pa na tatlong paruparo sa palad niya. Kulay itim, pula at asul 'yon.

Bigla siyang nangilabot ng lapitan ng tatlong bagong dating ang puting paruparo sa kamay niya.

Naalala niya ang tatlon
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status