Share

Tainted Hearts 20

I can't help but smile while thinking about what happened last night. I had no regrets. Siguro'y nasa edad na rin kasi ako o talagang nararamdaman ko kasi na siya na. If a red string in pinky finger is real, he's the one I want to be my fated one.

Mas naramdaman ko ang sakit ng katawan pagkagising kinaumagahan. Hindi ko inasahan na mayroong hangover ang ginawa namin. Hindi na ako naglinis ng katawan at dumiretso na sa ibaba dahil nakapaglinis naman ako bago matulog kaya't hindi ako nakakaramdam ng panlalagkit sa katawan.

Inasahan ko nang maaabutan ko ang mga kapatid ko sa sala. Ang hindi ko inasahan ay ang makita si Lennox. Pagkagising ko'y wala na siya sa kama. Akala ko umalis na siya dahil kagabi ang sabi niya'y aalis rin siya nang maaga.

Nasa kusina siya at kausap ni Mama. Mayroong pagkain sa harapan at tingin ko'y hindi pa siya tapos mag-almusal. Nakatitig ako sa kanya habang papalapit. Sariwa pa sa isipan ko ang nangyari sa amin sa loob ng sasakyan. Iyon pa rin ang suot niya at malamang ay hindi pa siya umuwi.

"Ang aga ng bata na itong dumating. Mabuti at gising ka na. Aakyatin na sana kita kanina kung hindi niya lang sinabi na pagod ka sa group project na pinagpuyatan ninyo kagabi."

Naitikom ko ang bibig dahil sa narinig na idinahilan ni Lennox para hindi ako akyatin ni mama. Group project, huh? What a enjoyable group project. Napagod naman talaga ako at napuyat. Masakit pa nga ang katawan. Hindi nga lang dahil sa group project na iniisip ni mama.

Tinabihan ko si Lennox nang umalis si mama sa kusina para asikasuhin ang maliliit kong kapatid na nasa sala. Narinig ko ring pinagalitan niya si Along dahil nakapatong ang paa sa lamesita habang naglalaro ng games.

"Mabuti at hindi mo itinapon," banggit ko sa mga bulaklak, chocolate, at stuffed toy.

Nasa sala kasi iyon. Hindi ko lang siguro napansin kagabi pagka-akyat namin sa kwarto.

"Tinapon ko. Ako ang bumili niyan…"

Sinulyapan ko siya bago binalikan ng tingin ang mga nasa sala. Mas malaki ang tsokolate pati na rin ang stuffed toy na naroon. Ang bulaklak, hindi kagaya kahapon na kulay pula lang. Ngayon ay kombinasyon iyon ng red at pink. Mas maganda rin ang pagkaka-ayos. Nasa gitna ng lamesa iyon at hindi ginagalaw ng mga kapatid ko.

"Sayo ang bulaklak..."

Pinanliitan ko siya ng mga mata sabay nagpangalumbaba.

"Saan mo itinapon? Sayang naman iyon!"

"Tss, I can buy anything you want. You don't have to accept cheap things from your lame suitors."

Natawa ako. Hindi pa rin pala siya tapos sa litanya niya. Sinulyapan niya ako pero hindi matagalan ang tingin ko. Nagsisimula na naman kasi siyang sumimangot at mamula sa galit.

"Nagseselos ka kaagad. Eh, hindi naman iyon nanliligaw—"

"Binigyan ka ng bulaklak at kung anu-ano. Pagkatapos, sasabihin mo na hindi nanliligaw?"

May diin ang boses niya't pinipigilang sumigaw dahil baka marinig nila kami sa sala. Napalabi ako at gusto na lang na matawa.

"May okasyon kasi—"

"Pareho lang 'yon! Nanliligaw o hindi, bago ka pa ligawan, bastedin mo na!"

Napahagikgik ako at lalong humarap sa kanya.

"Ano naman ang idadahilan ko kapag binasted ko siya?"

Binaba niya ang hawak na tinidor at kunot noo na tinusok ako ng tingin.

"Tell him the truth that you already have a boyfriend!"

Lalong lumawak ang ngiti ko. Ang sarap pakinggan lalo't sa kanya nanggaling. Nilingon ko ang pamilya ko na busy pa rin sa sala. Hinarap ko si Lennox at ipinatong ang kamay ko sa isang hita niya.

Nagulat siya na ikinatapon ng kaunting tubig sa baso na hawak niya. Iinom kasi dapat siya nang hawakan ko siya sa hita. Niyuko niya muna ang kamay kong nasa hita niya bago siya umiling at pinagpatuloy ang nabitin na pag-inom.

"Do you have any plan to tell your mother about us?"

Kinagat ko ang labi ko. Ipinatong niya ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko na nakapatong sa hita niya.

"I think she already knew, but you still need to tell her. O ako na?"

Umiling ako at napangiti. "Ako na…"

Knowing that he wants us to be legal with my mother makes me happy.

"They likes me," mayabang na tumaas ang kilay niya. Natatawa akong napairap sa kanya.

Alam ko. Malinaw pa sa sikat ng araw iyon. Sabik sila sa ama at sa kuya kaya mabilis nilang nakasundo si Lennox. Ang ikinakatakot ko lang ay baka makasanayan nila. Paano kung…

Umiling ako at mabilis pinigilan ang negatibong pumapasok sa isipan. Hindi naman niya kailangan sabihin na mahal niya rin ako. Nararamdaman ko naman kaya hindi ko kailangan mag-alala.

Nagpaalam din siya pagkatapos ng tanghalian. Binitiwan ko ang hawak na manika ng bunsong kapatid at tumayo para puntahan sa kusina si mama.

"Ma, tulungan na kita..." Naninimbang kong alok.

Mabagal akong naghiwa ng mga gulay. Patingin-tingin ako kay mama. Agaran niyang napansin ang aking ginagawa na nagpatigil sa kanya. Siya na ang nanguna sa aking humarap.

"May sasabihin ka?"

Nabitawan ko ang hinihiwa na gulay. Ngumiti ako ng maliit kay mama.

"Boyfriend ko na po si Lennox, Ma."

Hindi ko siya nakitaan ng gulat sa pag-amin ko. Binalikan niya ang ginagawa habang nagsasalita.

"Alam ko. Napansin ko nga."

"Hindi po kayo galit?"

Umiling siya at seryoso ako na sinulyapan.

"Malawak ang pang-unawa mo at alam ko na kaya mong protektahan ang sarili mo. Marami ka nang naisakripisyo para sa amin. Hindi kita pagbabawalan sa mga bagay na nakakapagpasaya sa 'yo."

Mahinahon akong tumango. "Paano po kung magkamali ako ng desisyon?"

"Kasama sa buhay ang pagkakamali, Xena. Kung balang araw mabahiran ng sakit ang puso mo, hayaan mo lang. Kasama sa karanasan iyon kapag nagmahal ka."

All those actions, sweet touches, and smiles, every bit of him, he planted it in my heart. Every day with him it grows even more and I don't want us to fall apart. Gagawin ko ang lahat para maging maayos kami. I'll be a good and faithful girlfriend. Gusto ko na siya na ang una at huli ko.

Lumawak ang ngiti ko at magana muling naghiwa ng mga gulay. Nag-uusap kami ni mama habang nagluluto siya at tumutulong ako. Then, my family comes first before anything else. Pero hindi naman din daw masama kung maranasan kong magmahal.

Maayos ang naging linggo ko sa eskuwela. Sa sabado at linggo na ito ay nagpaalam si Lennox na may aasikasuhin siya sa trabaho. Tumawag naman siya kanina na makakadalaw siya ngayong gabi pagkauwi niya.

Nakaupo ako sa sala at inaayos ang buhok ni Mena nang marinig ko ang paggalaw ng gate. Tumayo ako para silipin iyon sa bintana. Gabi na kaya't madilim. Kung walang ilaw sa labas, aakalain ko na si Lennox ang dumating at hindi ko makikilala na si Amel ang nasa labas ng gate.

Mabilis akong dinapuan ng kaba. Naibagsak ko ng malakas ang bintana pasara. Kasabay no'n, tumunog ang doorbell. Lumapit sa akin si Mama. Nanlalaki ang mata na nakatingin lang ako sa kanya at hindi kaagad nakapagsalita. Paano niya nalaman ang nilipatan namin? Paano niya kami natunton?

"Bakit namumutla ka? Sino ba ang nasa labas?"

Tinulak ko si mama nang balak niyang buksan ang pintuan. Hinila ko siya patungo sa bintana upang ipasilip ang nandoon na lalaking dating kinakasama niya.

"Ano ang ginagawa niya rito?" Takot na tanong ni mama at mabilis na lumapit sa mga kapatid ko.

May kasama siyang isang lalaki na tingin ko ay adik din na kagaya niya.

"Ma, hindi kaya nasundan ka niya noong araw na magpunta ka sa dati natin na tinitirhan?"

Umiling si Mama at naiiyak na niyakap ang mga kapatid ko.

"Hindi ko alam! Nag-ingat ako at hindi ko siya nakita!"

Napahilamos ako ng palad sa aking mukha. Mabilis akong tumakbo sa kuwarto para kunin doon ang telepono ko at makatawag sa mga pulis.

Pagka-abot ko, saktong tumunog iyon. Si Lennox ang tumatawag. Agaran kong nasagot iyon dahil sa takot. Hindi nag-iisa si Amel at natatakot ako sa maaari nilang gawin sa amin.

"I just got home. I'll change my clothes and go there," he said. "Do you crave anything? May ipabibili ka?"

Sumilip ako sa bintana mula sa second floor. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang dalawang lalaki na inaakyat ang gate namin.

"Bilisan mo!" Nanginginig ang boses ko dahil sa pagpapanik nang makita ang pagtalon nila pababa ng gate sa loob ng bahay.

"Ano ang nangyayari?" Halong pagtataka at pag-aalala na tanong niya.

Hindi ko siya nasagot dahil sa pagmamadali kong tumakbo pababa. Baka mabuksan ang pinto. Walang kasama sa ibaba sina mama at ang mga kapatid ko. Hindi ko pa sigurado kung naka-lock ang lahat ng lock ng pinto.

"Mama ang pinto! Isara mo!" Sigaw ko nasa hagdan pa lang ako.

Umiyak ang mga kapatid ko nang marinig ang pagsigaw ko. Si Along ang tumakbo sa pintuan para siguraduhin na naka-lock iyon.

"Xena!"

Nasa kamay ko ang phone at kanina pa siya nagsasalita. Napasigaw si mama na lalong ikinalakas ng iyak ng mga kapatid ko. Hindi na napigilan ang tilian at takot na sigawan nang sabay sabay naming marinig ang putok ng baril sa nanggaling sa pintuan.

"What the fuck is that? Is that a gunshot?!"

Napaupo ako sa hagdan nang mapagtanto na mayroon silang dala na baril. Pareho rin mapula ang mga mata nila at nasisiguro ko na katatapos lang nilang gumamit ng illegal na droga.

Sinisipa nila ang pintuan pero hindi nila nabubuksan dahil may mga lock pa sa ibaba at sa itaas bukod sa door knob na binaril nila.

"Damn it, Xena! Answer me! What's happening?!"

Puno ng galit at pag-aalala ang boses niya nang muli ko iyon idikit sa tainga ko. Nanginginig na ang kamay ko habang nakatingin sa pamilya ko.

"Tatawag ako ng pulis. Mamaya na kita tatawagan."

"I already called!" He shouted along with his curse. "I'm driving! I'm on my way too!"

Narinig ko pa ang sunod sunod na pagmumura niya at tunog ng mga sasakyan bago ko naibaba ang tawag para i-dial ang numero ng mga pulis para kung sakali na hindi makarating kaagad ang tinawagan niya.

Nagpunta ako sa kusina at kumuha ng kutsilyo. Nanginginig ang buong katawan ko. Takot ako pero nilalabanan ko. Pinagpapawisan ako at para akong mahihimatay.

"Kapag nabuksan nila ang pintuan, tumakbo kayo papunta sa sasakyan!"

Tumango si Mama at si Along. Ang dalawang kapatid ko, hindi matigil sa pag-iyak. Isang putok pa ng baril kasabay ng pagsipa sa pinto ay tuluyan na nila 'yung nabuksan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status