Share

Tainted Hearts 40

Puno ng missed call ni Lennox ang phone ko pagkasilip ko. Naka-silent kasi ito tuwing mayroong klase kaya hindi ko naririnig. Kinalikot ko ang phone. Balak ko na siyang tawagan ngunit bago pa iyon, malakas nang bumukas ang pintuan ng classroom sa huling klase ko at mula roon ay iniluwa siya.

Nagkatinginan kami. Hinihingal siya at parang kanina pa ako hinahanap. Nakalabas na ang mga estudyante kaya't ilan-ilan na lalaki na lang ang naiwan dito. Abala ang mga naiwan kaya tanging ako lang ang pumansin sa humagis na pinto.

Lumabas ulit si Lennox nang mamataan ako. Hinintay niya na lumabas ang mga natirang estudyante bago siya pumasok ulit sa loob ng classroom. Mabagal kong sinikop ang mga gamit ko habang patingin-tingin sa kanya.

"Bakit ganiyan ang ayos mo?" Puna ko sa magulo niyang buhok at damit.

"Iniwanan mo ako sa hospital!" Reklamo niya sabay dampot sa bag ko.

"Ako nang magdadala!" Inagaw ko muli ang gamit ko nang kinuha niya iyon.

Kung lalabas kami rito at makita ng mga mag-aaral na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status