Share

Tainted Hearts 41

Binalik ko sa simula at pinanood ng mabuti dahil baka nagkamali lang ako. Nanginginig na ang mga kamay ko nang inabot ko iyon.

Sa simula ng video ay sumasayaw ako sa club. Tumalon iyon sa unit ni Lennox. Nasa kama ako habang nasa ibabaw ko siya. Mahaba ang video at sigurado na mula sa simula hanggang sa natapos kami ay nandoon sa video lahat.

May takip ang mukha ni Lennox at tanging ingay ko lang ang maririnig. Sa tuwing tinatawag ko ang pangalan niya ay nawawala ang boses ko. Para bang sinadya na alisin iyon para hindi makilala kung sino ang kaniig ko.

"Totoo ba iyan, Xena? O kamukha mo lang? O kaya baka pinalitan ng mukha mo 'yung totoong babae na nasa video?"

Pamumuo ng luha sa mga mata ang naisagot ko. Napasinghap siya. Napatakip siya ng kamay sa bibig. May napagtanto siya nang hindi ko iyon itanggi at sa halip ay umiyak lang ako.

"Ikaw iyan? Nasa katinuan ka ba niyan? Iisa lang ang lalaki sa tatlong video na nasa site, Xena!"

Malabo ang paningin ko pero nagawa ko pa siyang tingnan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lucita Cherry Lawas Tagalog
naku siniraan si lennox sakanya ,kaya pala nagkahiwalay sila
goodnovel comment avatar
Ma Teress Osias Delpilar
next episode pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status