Danie POVNangyari na nga ang kinakatakutan ko.Hindi ako handa. Walang may handa sa ganitong problema.Lumalala ang kundisyon ng Don. Makailang beses kaming pabalik-balik sa hospital. At ngayon, nandito na naman ako sa labas ng malaking salamin. Sarado. Tanging kulay blue-ng kurtina ang makikita sa loob. ICU. Tatlong letra. Sa tuwing madadako ang mga mata ko sa taas ng pinto, itong mga letrang ito ang nakikita ko. Yumuko ako’t muling nagdaos ng dasal.Pinagsalikop ko ang mga kamay ko sa aking baba. “Iligtas mo po siya. H’wag mo po muna siyang kukunin sa akin. Siya na lang po ang meron ako. Sa kanya na lang ako kumukuha ng lakas ng loob sa araw-araw.” Usal ko. Pumikit ako’t mas lalong kinausap ang D’yos para magmakaawa.“Danie, uminom ka muna.”Tinapik niya ang balikat ko. Inabot sa akin ang isang boteng mineral water. Ayaw ko man, hindi man ako nakakaramdam ng uhaw, kinuha ko na lang ito. Inipit ko sa dalawang kamay ko ang bote. Nakaka-relax kahit papaano ang kaunting lamig nito sa k
Danie POV“Bakit ang baho dito?”Napabaling ang tingin naming lahat sa taong nasa pintuan. Hindi niya maituloy ang pagpasok sa loob ng kusina, hawak ang ilong niyang napapaatras. Naibaba ko ang sandok sa katabing platito malapit sa kalan. Sa masayang pagku-kwentuhan namin, hindi namin napansin ang pagdating niya. Lahat kami may kanya-kanyang ginagawa, pinagtutulungan ang pagluluto at paglilinis dito sa kusina.“Ma’am, good morning po,” alanganing bati ng isang kasambahay malapit sa kanya. Nanliliit ‘tong yumuko.“Ano bang niluluto niyo? Basura?” aniya, pinaypayan ang mukha.“Ah, ma’am, nagluluto po kami ni m’am Danie ng binagoongang karne.” Mahinang saad niya after ng ilang minutong walang sumagot, nagkakatinginan kami. Nag-aalangan akong patayin ang apoy sa kalan, itago o itapon ang niluluto ko para hindi na siya mabahuan.Pero hindi naman mabaho! Ang sarap nga ng amoy. Sa sarap nito, hindi na namin mahintay maluto pa. Sinigurado din ni Manang na maraming kanin para hindi magkulang
Danie POV Paglabas ko ng kwarto ng Don, nakasalubong ko ang Donya paakyat ng hagdan, looking so elegant and young at her age. Mayroon na naman siyang dalang mga paper bags na hindi mabilang sa dami. Nakangiti siya habang naglalakad, sayang-saya, ngunit nang makita ako, para bang nilipad ito ng hangin at napalitan ng kung ano. Bahagya akong yumuko bilang paggalang sa kanya. “Nandito ka pala. I heard nagpatawag si Samuel ng party para sa graduation mo. Wow! Magsasayang pa ang matanda para lang sa palamunin niyang scholar.” Tumawa siya matapos sabihin iyon. Hirap na hirap siyang pinaglipat sa kabilang kamay ang mga paper bag na dala. I wonder kung hindi pa napupuno ang kwarto niya sa dami ng mga pinagbibili simula ng umuwi sila dito. “Oh, by the way! Kamusta pala ang mga investors? Nagpadala ka na ba ng mga bagong contracts?” Excited siyang humarap sa akin. May mga ningning ang mga mata niya na parang sigurado na sa isasagot ko. “Yes, ma’am. But some of them hindi pa nakakapirma. Baka
Danie POV Bawat pagsubo sa aking pasta, ang bigat sa lalamunan. Hindi ko malunok ito dahil sa pares ng mga matang nakatingin sa akin. Pasimple ko siyang sinulyapan at nahuling nakahinang sa akin ang mga mata niya. Binabantayan bawat galaw ko. Iniawang n’ya ang kanyang pagkain sa bibig habang wala man lang hiyang nakatitig sa akin, nakikinig sa mga sinasabi ng ama niya ngunit ang utak niya alam kong nasa akin pa rin. Kapal ng mukha! Tumikhim ako at inabot ang juice sa aking harapan. Nasa garden kami at nagmemeryenda. Nasa harap ko siya at sa kaliwa ko naman ang Don. Sa kanan ang attorney. Pasta, cake and plain toasted bread na request ng Don ang nakahain sa pabilog na lamesa. Tumutugtog ang isang kantang masarap sa tenga na paboritong pinapakinggan ng Don kapag gusto niyang mag-relax. Wala talagang pakiramdam ang taong ‘to. Wala man lang isip tumigil sa paninitig na akala mo ako ang kinakain niya. I cringed. Duh, may mga kasama kaming iba! At kahit wala kaming kasama, hindi siya da
Danie POVIniiyak ko ang buong gabi.Ang haba ng gabing iyon para sa akin.Hindi ako lumabas ng kwarto buong araw at sinabi na lang na masama ang pakiramdam ko. Na partly true naman. I felt exhausted, drained and guilty.Ilang beses pumasok dito si Mamang para dalhan ako ng makakain. Maging si Liam, kumatok rin. Hindi ko siya pinagbuksan ng pinto.Mabuti na lang na ‘di siya nagpumilit. Tumawag ang Don sa telepono ko nang hapon na iyon para kamustahin ako. Sinagot ko iyon para hindi na siya mag-alala pa. Gusto niyang umakyat dito sa kwarto ko para siguraduhin ayos lang ako. Bawat sinasabi niya, pinapakinggan kong mabuti. Napapapikit. Na gu-guilty ako ng sobra. Hindi ko dapat ginawa iyon.Hindi ko naman balak itago. Hindi ko lang alam kung paano sisimulan.Binuksan ko ang laptop ko para simulan ang mga gagawin. Kahit na mabigat ang katawan, kailangan kong gawin ang mga trabaho ko. Naupo ako sa kama, nilagay sa kandungan ko ang nakabukas na laptop. Nag-type ako ng email sa unang-unang em
Danie POV“Tatay naman!” Lumapit ako sa kanya. Sinubukan na magmakaawa sa ‘di ko mabilang na beses na. “Hindi ko na po alam ang gagawin ko. ‘Tay naman, napapagod na po ako.” Humagulgol ako sa harap niya. Papaupo na sana ako sa kawayang upuan namin nang manlaki ang mga mata ko sa biglaang pagkilos niya. Napaigtad ako sa gulat.“Aba, nagrereklamo ka na?” malakas niyang tanong. Natakot ako sa boses niyang iyon. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko."H-hindi naman po sa ganoon, ‘tay. Ang laki na po kasi. . .”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang padarag siyang tumayo sa lamesang kinauupuan niya. Natumba ang plastic naming upuan na naglikha ng malakas na tunog kasabay ang pagbalibag nito sa kutsarang hawak.Nanlalaki ang mga mata ko sa takot. Sa kung anong susunod niya pang gagawin. Yumuko ako sa mga kamay kong magkasalikop. Nilalaro ang mga daliri ko para maibsan ang takot ko sa katawan.“Sinusumbatan mo na ba ako, ah? Namatay lang ang nanay mong walang kwenta ganyan na ang pinapa
Danie POV“Hoy babae, gumising ka nga d’yan! Hindi ka prinsesa dito. Tayo na!”“Batugan!” sikmat niya muli bago ko marinig ang pagsara ng pintuan.Nagising ako sa isang malakas na sipa sa binti ko. Napaigit ako sa sakit na naramdaman. Napaungol ako nang sipain niyang muli ang isang binti ko, napahawak ako dito’t namaluktot sa sakit na naramdaman. Nabungaran ko siya sa harapan ko na nakangiwi. Kitang-kita ko ang inis niya sa mukha niya. Nakarolyo sa pulang rollers ang mahaba niyang buhok. Wala siyang saplot sa katawan kung hindi tuwalyang puti lamang.Mabilis akong umusog sa malamig na pader. Niyakap ko ang mga paa ko sa labis na takot. Nang maisara na niya ang pinto, bumuhos ang mga walang katapusang mga luha ko. Pagod na ako. Masakit ang buong katawan ko. Mugto ang mga mata ko na walang patid sa pagluha. Nanunuyo na din ang lalamunan ko. Ni wala pa akong ininom kahit tubig man lang pang-alis ng uhaw.Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong posisyon. Umiyak akong muli sa narar
Danie POVMaingay ang buong kwarto. Aligaga ang lahat para sa ngayong gabing performance nila. Rinig na rinig ko ang kanilang mga boses habang nakapikit ako ngunit mas malakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ako dumilat at hinayaan lang sila. Hindi mapakali ang mga daliri ko kakapisil sa isa’t isa sa aking kandungan.“Dilat ka nga, ganda!” anas ng babaeng tinatawag nilang Bebang. Siya ang assistant ng lahat dito. Taga-ayos ng mga damit at mga kalat na iiwanan ng lahat para mamaya.“A-ate, tulungan niyo po ako. . .” mahinang pagmamakaawa ko sa kanya.Hinawakan ko ang kamay niyang nakatapat sa akin. May hawak siyang brush na ginagamit sa mukha ko. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Luminga siya sa paligid at ganoon din ang ginawa ko. Pagbalik sa kanya, malamlam na ang mga mata nitong nakatunghay sa akin. Ibinaba niya ang hawak na compact sa lamesa kaharap ang malaking salaming may mga umiilaw na bumbilya sa gilid. Hinawakan niya ang kamay ko sa aking kandungan.“Ineng, huwag ka nang umasa