Share

Tamed by my Assistant
Tamed by my Assistant
Author: SophiaSkye

How they met

"Bwisit!" Sigaw ni Madel habang bitbit ang tray ng mga coctail drinks na tumapon sa kanya. Di naman nya kasalanan pero mukang kaltas na naman eto sa sasahurin nya ngayong buwan. Abot abot na nga ang pagiingat nya ay nabalewala parin.

"Anong nangyari Madel?" Tanong ni Nikka.

"Ayon binangga ako ng antipatikong customer. Ako pa ang sinabihang di tumitingin eh sya yung bigla nalang humarang. Hay bwisit talaga"

" Wala na tayo magagawa dyan sis kasi nga customer is always right. Sige palamig ka muna at ako muna ang bahala."

"Salamat sis mag break lang ako saglit, kailangan ko mahanginan baka balikan ko pa yung tukmol na yun." Sabay talikod ni Madel papunta sa exit sa likod.

Isang siyang waitress sa kilalang bar at dito di naman sya nababastos. May class at mayayaman ang mga pumupunta dito. Isang syang working student na kumukuha ng kursong Marketing Management at nasa huling semester na ito. Paglabas ng exit, huminga ng malalim at tumingin sa langit si Madel. "Konting tiis na lang makakatapos na ako, maghahanap ako ng trabaho agad para di ko na kailangan magtrabaho pa dito. Well ok naman kaso napapagod na ako kailangan concentrate sa isang trabaho at makapahinga din."

William was having a blast kasama ang kanyang mga kaibigan. He needs to unwind dahil sa dami ng mga meetings nya ng buong linggo. He is the youngest business tycoon at minsan lang sya makapag bar gaya ngayon. Well exclusive bar din ito para sa tulad nilang mayayaman, mga businessmen and women at minsan may mga social climber na gusto makabingwit ng gaya nyang mayaman.  He was about to go to the rest room ng mabunggo nya ang isang waitress. Medyo natapunan ang kanyang suit at umiiral na naman ang kasupladuhan nya. "Hey, why are not looking to where you're going!! My god you just ruined my suit. Alam mo bang kulang pa ang sahod mo just to pay for this? Umalis ka na nga sa harap ko at baka ipatanggal pa kita dito." Angil nya sa waitress na di magkanda ugaga sa pag aayos ng tray ng cocktail drinks na hawak nito. Sasagot pa sana ang waitress ng iwan na nya ito at dumiretso na sa restroom.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status