Share

CHAPTER 4- FRIENDS

"Anong gagawin mo ngayon?" usisa sa akin ni Ynna sabay siniringan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Pupunta sa fan meeting ng YB," direktang sabi ko naman. Mukhang hindi naman nito alam kung ang kaibahan ng katotohanan at isang biro lang.

Napaawang pa ang bibig nito at nanghuhusga ang tingin na ibinigay sa akin.

"What? Where? I mean, alam nating pareho na sa ating dalawa ay ako ang avid fan ng YB, hindi ba?"

"Tsaka mo na tawaging avid fan ka nila kung present ka sa lahat ng show at fan meet nila," pambabara ko naman at inayos ang pagkakalugay ng damit ko.

"Kilala mo na ba lahat ng members ng YB?" nanghahamong tanong pa nito sa akin.

"Kilala ko si XJ at Lovimer."

"Hindi lang sila ang members."

"I don't care, Ynna. Hindi naman required na kilalanin silang lahat, eh."

Napangisi pa ako at tinaasan ito ng kilay. Bago pa ako makapagsalita uli ay narinig namin pareho ang doorbell.

"May bisita ka ba?" usisa nito.

"Yes," tipid kong sabi.

"Sino?"

"Ex-crush mo," nanunudyo ko pang sabi. Inirapan pa ako ng bruha.

"Si Froizel?"

"May iba ka pa bang naging crush na nakakapasok sa lungga natin?" pambabara ko na naman. Imbes na sagutin ako ay pinagbuksan na lang nito ang isa ko pang pinsan.

"Hi, Froizel," nakangiti kong bati sa isa.

"Trice," balik ding bati nito. Sanay na kami sa kung papano kami nito batiin.

Bukod sa kanilang dalawa ni Ynna ay wala na akong pinagkakatiwalaan pa. Sa lahat ay silang dalawa lang ang nakakaintindi sa pinanggagalingan ko.

"Maupo ka," sabi ko pa at naupo na rin sa couch. "Anong balita? Pumayag ba silang pumasok ako sa clan ninyo?" kaagad na tanong ko.

Tumabi naman sa akin si Ynna. "Clan? Pumasok? Anong ibig sabihin mo, Beatrice Solomon..."

Hindi ko na pinatapos pa ang lintanya nito sa pamamagitan ng pagtakip ng unan sa mukha nito. Nang tanggalin ko iyon sa kanyang mukha ay masamang tingin ang aking natanggap.

"Makinig ka na lang," sabi ko sa babaita. Nakangiti akong bumaling ng tingin kay Froizel. "Ano na?"

"I'm trying to convince Ashmer. Sana ay pumayag..."

"Malamang ay hindi papayag si Ashmer Guieco dahil isa kang mapanganib na tigre para kay Marciella. Nandoon si Marciella Perrer, remember?" sabat na naman ni Ynna.

Hindi naman halatang ayaw ako nitong pasalihin sa Guieco Clan. Psss!

Bahagya akong natawa. Naalala ko lang bigla na si Marciella ay isa lang sa naging target ko noon sa pangbu-bully. College days pa naman iyon. Yes, I was damn bully. A bitch to everyone's point of view.

Doon ko lang naman nahahanap ang totoong kasiyahan pero hindi naman umaabot sa nakakasakit ako physically. Emotionally ay pwede pa.

Expertise ko na rin ang magpaselos ng mga kababaihang pakipot sa mga lalaking nagugustuhan nila. Pero... hanggang harot lang naman ako sa mga lalaki.

I love dogs more than men yet because of my mask, they all think that I am a bitch. It's fine with me tho. What matters to me the most is that I am still a virgin. That's my biggest flex in life. I am still pure and clean.

Hindi tulad ng iba diyan na masyadong santa pero... I just don't want to give my comment about that matter. It's their life and choices, anyway.

We just have to know who we really are and don't be bother by what others tell about us. We gotta just live in this world temporarily so why waste our time with nonsense things, people, and opinions?

"Marciella Perrer. Ang pinakamaganda at matino kong naging biktima noon? Don't worry, I can handle her. Mabait naman iyon, hindi uubra sa kamandag ko ang Del Pilar na iyon."

"Del Pilar?"

"Yeah, Marciella Del Pilar, nasa history 'yan, Ynna, ha? Hindi ka inform? Nag-aral ka ba talaga?"

Dinutdot naman nito ang malapad kong noo. "Marcelo 'yon, Trice."

"Ay? So, iniba na pala?" biro ko pa.

Tumaas lang ang sulok ng labi ni Froizel at pagkuwa'y nagkibit-balikat.

"Nandoon din si Ashmer," panlilinaw pa nito na akala mo ay hindi ko alam ang tungkol doon.

"Paniguradong nandoon nga, big boss niyo iyon, eh," agarang sagot ko.

"Gusto mo pa rin ba ang pinsan ko?"

Narinig ko naman ang pagak na tawa ni Ynna. Napakagat-labi na lang ako.

"Nagustuhan ko ba si Ashmer? I don't remember but maybe yes, maybe no? I don't know. Malalaman natin kapag nakita ko na siya uli," pilyo kong sabi at palihim na ngumiti nang mapait.

Napabuntonghininga pa sila pareho.

Tinapik-tapik pa ni Ynna ang aking balikat.

"Be careful with Marciella. Huwag mo ng asarin nang asarin at baka ibaon ka na talaga ng buhay ng isang iyon," dagdag paalala pa nito sa akin.

"Eh, how about that jerk? Mahal mo pa rin ba ang haduf na lalaking iyon?" tiim-bagang tanong ni Froizel.

Sa pagkakatong ito ay ibang lalaki na ang tinutukoy nito. Ang lalaking ipinangako ko noon na una't-huli kong mamahalin.

"That jerk... Ah, I almost forgot about him," pagsisinungaling ko pa at tumawa. "Oh, well. I don't know, and I don't care about him anymore," dagdag ko pa habang pilit na iwinawaglit ang panyayari noon na siyang dahilan kung bakit ako ganito sa ngayon.

"Bakit hindi mo subukang magmahal uli, Trice?"

Mapait naman akong natawa dahil sa sinabing iyon ni Ynna.

Falling in love again is kinda a joke to me. Hindi na ako magmamahal uli. Sapat na sa akin iyon may nasisira akong araw at mood.

"How can I love someone again if this heart of mine doesn't even know the word and feeling itself, Ynna?"

"Trice, you should try..."

"Hindi bale na lang..." Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang tumunog ang cellphone ni Froizel. Kaagad naman nitong binasa ang text.

"A text from Guieco Clan."

"Anong sabi?" excited kong tanong. Maging si Ynna ay hinihintay din ang magiging sagot ni Froizel.

"Pumayag na silang isama ka..."

"Yes!" masiglang usal ko. "See? Hindi nila kayang tanggihan ang kagandahan ko," sabi ko pa kay Ynna.

"Hindi ka rin talaga mayabang 'no? Siguraduhin mo lang na magagamit mo iyan doon. Huwag kang magpapaapi."

"Ako pa ba? Aapihin nila? Tsk. Kilala mo ako, Ynna. I can handle myself. Anyway, kailan tayo pupunta doon, Froi?"

"Bukas."

"Yes! I'm so excited!"

"Kasi paglalaruan mo na naman ang mga tao doon?" sabat na naman ng bruha sabay palatak.

"Ynna naman, ang sama ng iniisip mo, ah?"

"Eh, bakit ka excited?"

"Eh, kasi... Makikita ko na uli si Ashmer!" alibi ko na lang.

Ano kayang ginawa ni Lovimer para mapapayag si Ashmer, ha? Paniguradong may kontribusiyon siya sa desisyon ng boss nila.

"Psss, see? Hindi mo pa gusto si Ashmer sa lagay na 'yan, 'di ba?"

Napairap na lang ako. Dapat pala ay hindi ko na sinabi sa kanya.

"Fine. Sigurado akong maraming love team doon," nakangisi kong sambit.

"Just be careful, Trice. Hindi basta-bastang mga tao ang nandodoon."

"I know, and that is what makes everything more exciting, Ynna "

Napailing na lang ito. Pumasok na ako ng kwarto at nag-ayos ng gamit. Magiging agent na rin ako sa wakas.

Tiyak makakatulong ito para magkaroon ng bagong panlasa ang mga kwentong nakaimbak sa imahinasyon ko.

Napatingin ako sa mga librong nasa cabinet glass. Ang iba ay libro ng mga favorite writer ko at isa na doon si Miss AA na talaga namang hinahangaan ng lahat. Ang iba naman ay gawa ko mismo.

Yes, bukod sa pagiging creator ng Spectrum of Truth show at pagiging bully ay manunulat din ako.

Nagtatago nga lang ako sa katauhan ni MESH. Iyon ang naging pen name ko. It simply mean that two different things fit or work together successfully. Everytime I finish writing a book, it's like my sorrow and positivity in life mesh well.

Just like Miss AA before, nagtatago rin ako kasi ayoko ng public exposure. Kontento na ako na may nagmamahal ng mga gawa ko kahit hindi nila ako nakikita personally. Baka kasi kapag nakita nila ako ay ako ang mahalin nila at hindi ang mga gawa ko.

Haduf din sa kayabangan tayo, Trice 'no?

Iilang sikat na manunulat pa lang ang na meet ko in person, mabibilang lang sa mga daliri at isa nga doon ay ang pinakapaborito kong si Miss AA.

Napasinghap na lang ako. I need a break, tsaka na lang ulit ako magsusulat. Magpopokus na muna ako sa bagong mundo na papasukin ko, ang mundo ng mga agent.

Buong maghapon ay nakatunganga lang ako. Gusto ko lang mairelax ang katawan at isipan ko.

Kinabukasan nga ay pumunta na kami GC camp. Unang bumungad sa aking paningin ay si Lovimer na talagang sinundo pa kami sa gate.

"Hi, Froizel and Aciekel" bati niya pa sa mga pinsan ko na pinsan niya rin naman.

So, mutual cousins namin ang dalawa?

"Hello, Lovimer. It's good to see you again," sabi pa ni Acie. Nagkamayan pa silang dalawa.

"Hello, Lovimer. This is my cousin, Beatrice Solomon. Trice, this is Lovimer Guieco, my cousin as well," pormal na pakilala pa sa akin ni Froi. Hindi ko nabanggit na nagkita kami sa isang coffee shop last week, eh.

"Oh, hi!" sabay pa naming bati sa isa't-isa.

Nauna nang konti si Froizel kaya sinabayan niya ako sa paglalakad.

"Let's pretend that we didn't meet each other last week, huh?" aniya pa, halos pabulong lang naman.

"Why? Have we meet last week? I doubt it," tugon ko naman. Narinig ko pa ang kaniyang tawa.

"Great behavior. Magkakasundo tayo kapag ganyan ka."

Direkta kaming conference room at agad na bumungad sa paningin ko ang mga hayop sa ganda at gwapong agents.

Tila ba naiilang ako sa mga titig nila, na kahit hindi sila magsalita ay alam kong isinusumpa at hinuhusgahan na nila ako.

Okay lang yan, Trice. Hindi ka pa ba nasanay?

"Oh my God Ashmer, I really missed you! It's been years na hindi tayo nagkita. Mas lalo ka pang naging handsome, ha?"

Sinabi ko iyon ng patili at may halong natural na landi sa aking pagsasalita para iwaglit ang pagkailang at tensiyon na nararamdaman ko sa loob ng silid.

Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko na si Marciella na seryoso lang. Mas lalo akong na excite. Bago nagsimula ang meeting ay nagkaroon pa muna kami ng konting bangayan.

I called her bitch first. Mas mabuti na iyong maunahan ko siya 'no? Hindi ko rin alam at bakit iyon ang salitang madalas kong masambit. Language expression ko na rin siguro.

Sa konting oras ay nakabisa ko ang bawat kilos at pananalita nila. Magaling din ako sa pagkakabisa ng mga pangalan kaya lahat ng Prime Agents na tinatawag nila ay kilala ko na agad.

GC boys are quite handsome and hot. From Ashmer, Faller, Jinro, ang dalawa kong pinsan na sina Froizel at Aciekel.

Pero itong Lovimer Guieco ang agaw atensiyon, eh. Masyadong madaldal pala kapag close niya ang kaniyang kaharap at kahit hindi naman nakakatawa ay tinatawanan niya.

I hate his guts!

Siya lang din ang pangit sa lahat ng lalaki sa camp ng ito. Hindi ko makita ang dahilan kung bakit napasama siya sa YB Band. Ayon pa sa research ko ay siya ang most biased sa YB. Baka dahil bagong mukha siya ng banda. Ewan. Bakit ko nga pinagtuonan ng pansin ang haduf na iyon?

Bukod kay Ashmer ay napagtripan ko rin sina Faller at Jinro. Natatawa na lang ako ng palihim dahil sa reaction nina Kenshane at Gabriella. Kahit naman hindi ko alam kung anong meron sa kanila ay ramdam ko na nagseselos talaga sila sa akin. Para silang naglalaro ng patintero, eh.

"Hey, ready na ang Flat mo," untag sa akin ni Lovimer. Kasalukuyan kasi akong nakatambay sa benches ng open field dito.

"Thanks," tipid kong sagot. Naubos na ang energy kong makipaglokohan sa mga tao rito. Nakaka-drain pala talaga sila ng energy. Sobrang tagal na rin na nakikipagkasalamuha ako sa maraming tao.

"Bakit mo tinanaggap ang hamon ni Marciella sa 'yo?" usisa pa ng lalaki sabay upo sa tabi ko. Naalala ko ngang may proposal sa akin si Marciella. Kapag natalo ko siya ay magiging official Prime Agent ako pero kapag hindi ay aalis ako rito.

Wala namang mawawala kung susubukan ko at isa pa ay hindi ko naalalang kinumpirma ko ang tungkol doon. Inilihis ko lang ang usapan.

"Nandito ako para hamonin ang lahat ng tao rito," sabi ko pa sabay tawa. "Bakit? Akala mo ba ay hindi ko makakaya si Marciella?"

"She's our Prime Leader."

"And?" usisa ko pa. "Leader doesn't mean you're the most powerful person in terms of strength."

"Yeah but..."

"Puwede mo na ba akong samahan sa Flat ko?" iba ko na lang sa usapan at tumayo na.

"Okay. Follow me. Simula ngayon ay ito na ang magiging tirahan mo rito sa camp."

"Hindi mo na kailangang ipaliwanag pa ang bagay na iyan sa akin."

"Ang attitude mo talaga."

"Born this way," pambabara ka naman.

"Kaya ka inaaway ng lahat dito."

"Pakihanap ng pakialam ko, Lovimer."

Dahil nauuna siya na g konti sa akin ay nasaksihan ko kung paano siya nailing na lang.

Naging mahaba ang araw na iyon para sa akin kaya naman kinagabihan ay ginusto kong makapag-relax. Hindi na rin muna ako nakigulo sa mga agent dahil naubos talaga ang energy ko.

Lumabas ako ng camp para maglakad-lakad muna. Mamaya na lang ako kakain. Napadaan ako sa harap ng GC Mall at marami pa rin talaga ang tao.

Kahit naman maharot at sosyalera ang pagkakakilala ng lahat sa akin ay ayoko talaga sa crowded na lugar. Mabilis akong ma-suffocate. Bawal akong mapagod nang husto dahil agad na kinakapos ako ng hininga. Siguro ay dahil na rin sa asthma ko. Taong bahay lang din talaga ako. Hindi ako party girl tulad ng inaakala ng iba.

Well, lahat ng akala nila sa akin ay alam ko sa sarili ko na hindi totoo ang mga iyon. Kung meron mang mas nakakakilala sa sarili ko ay ako lang din mismo. And I love myself, kahit bali-baliktarin ang mundo ay palagi kong pipiliin ang katauhan ko, ang klase ng buhay ko. Gano'n ko kamahal ang sarili ko. Sa ngayon kasi, sarili ko na lang talaga ang kaya kong mahalin.

Napalingon ako sa bandang likuran ko nang may narinig akong nagtitili. Nakita ako ang grupo ng mga babaeng tumatakbo dahil hinahabol ang lalaking naka-cap. Sa kasamaang palad ay papunta pa sila sa gawi ko. Bahagya pa akong natigilan. Hindi alam kung anong nangyayari at kung anong gagawin ko.

Mas nagulat pa ako nang basta na lang ako kinaladkad ng lalaking hinahabol ng grupo. Wala akong ibang nagawa kundi ang makitakbo na lang din dahil kung hindi ay ako ang madudumog ng mga babaeng kung makatili ay parang nakalunok ng speaker sa sobrang lakas.

Hingal na hingal ako nang sa wakas ay nakakubli kami sa isang parke. Mukhang tuluyan naming nailigaw ang naghahabol sa lalaking kasama ko ngayon. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sobrang bilis ng tibok ng aking puso dahilan para mahirapan akong huminga.

"Hey, hey, ayos ka lang ba? Upo ka muna dito?"

Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo sa aking ulo nang makilala ang boses na iyon. Minabuti ko na munang manahimik at naupo sa bench na nasa likuran lang naman namin.

Mabuti na lang talaga at nakatulong ang mayayabong na halaman para maging mahangin ang lugar. Madaling bumalik sa normal ang hininga ko. Buti at hindi ako tuluyang inatake ng asthma ko.

"Pagkatapos mo akong kaladkarin ay magtatanong ka kung ayos lang ako? Haduf kang Lovimer ka!" asik ko sa kanya.

Napanganga naman siya pagkuwa'y napakurap-kurap.

"Kilala mo ako? Paano?" nang-aasar niya pang tanong. Napapikit na lang ako at kinalma ang aking sarili. Baka matuluyan ako dahil sa pangbubuwisit ng isang ito sa akin.

"Isa ka ba sa mga fangirl ko? Oh my god! Mukhang mali pa yata ang nailigtas ko laban sa mga die hard fan ko rin. Miss, huwag mo akong pagsasamantalahan, ha? Lahat ay ibibigay ko sa 'yo pati mundo ko, yiiee, enebe."

Napakuyom ako habang nakapikit pa rin. Sa tanang buhay ko ay ako lagi ang kinaiinisan pero ngayon ay para bang sobra talaga ang pagkainis na nararamdaman ko sa lalaking ito.

"Pero hindi ko na pala ibibigay ang mundo ko sa 'yo. Ang pangit mo, eh. Ayoko sa mga pangit kaya sorry. Hanggang tingin ka na lang muna, ha?"

Masama ang tingin na siniringan ko siya. Ngumisi lang ito. Unti-unti akong ngumiti sa kanya, iyong ngiting never kong ginagamit sa panlalandi ko, ngiting palaging nakakubli sa malandi kong pagkatao.

Nakita kong napalunok ko pa siya. Pinakatitigan ko siya nang mabuti.

"Ngayon ko lang napansin," saad ko at mas inilapit pa ang mukha ko sa mukha niya. Napapaurong naman siya.

"A-Ang alin?" utal niyang tanong. Gusto kong matawa pero pinigilan ko lang.

Ipinungay ko pa ang mga mata ko. Alam kong mas gumaganda ako kapag lumalabas ang natural na tamis ng ngiti at pungay ng mga mata ko.

Pangit pala, ha. Kaya pala napapatulala ka sa ganda ko.

"Na..."

Nakita ko na naman siyang napalunok.

"Na sa lahat ng Guieco..."

Pinigilan ko na namang matawa dahil konti na lang ay malalaglag na siya sa upuan. Hindi niya man lang maialis ang paningin niya sa akin. Ipinatong ko pa ang aking kamay sa balikat niya at ipinagpantay ang bibig ko sa kaniyang tainga.

"Ikaw lang din ang pangit," bulong ko pa sa kanya.

Napahagalpak ako ng tawa nang tuluyan siyang nalaglag sa upuan. Tumatawang tumayo ako.

"You're weak, Lovimer Guieco," pang-aasar ko pang sabi.

Ngali-ngali namang tumayo siya at maarteng nagpagpag ng damit.

"Anong weak?! Sparring pa tayo ngayon, eh."

"Bakit ka nga pala hinabol ng mga teenager na 'yon?" iba ko sa usapan namin. Hinila ko siya pabalik sa upuan at ipinatong sa kanyang balikat ang aking siko at pinakatitigan siya.

"W-What are you doing?"

"Staring at you, obviously," sagot ko naman. Naging matunog pa ang kaniyang paglunok. "Relax. Hindi naman kita jojowain, uhm, gusto lang kitang maging kaibigan. Let's be friends," sabi ko pa. Mas okay na magkaroon ng kaibigang lalaki kaysa sa babae.

"Kaibigan? Ayaw kong maging kaibigan ka," direktang sabi niya pa. Napataas-kilay naman ako.

"Bakit? Loyal ako sa mga nagiging kaibigan ko, ha? Sila lang ang hindi loyal sa akin."

Namayani ang nakakabinging katahimikan sa pagitan namin. Napasinghap na lang ako at bumuntonghininga.

"Good night pangit ng dekada. Bulag lang ang magiging die hard fan mo. Hindi ako bulag kaya sorry, hindi mo magiging alipin ang diyosang ito," saad ko na lang at tumayo na at naglakad papaalis.

"Good night diyosa ng mga pangit! Sana mapanaginipan mo ako! Magiging maganda ang gising mo bukas kapag nangyari iyon!" aniya sabay tawa na naman.

Hindi ko na lang pinansin pa dahil nang-aasar lang naman siya. Okay na ako doon sa nalaglag siya sa upuan dahil sa ngiti ko.

"And oh I just fall in love again" pasigaw niya pang kanta.

Maganda din talaga ang boses niya. Sabagay, member ng YB, eh.

Natatawa na naiiling na lang ako lalo na kapag naaalala ko ang mukha niyang nakatulala sa akin. Hanggang sa makapasok ako sa camp ay hindi pa rin mabura sa kukuti ko ang eksena namin. Para akong tangang natatawa pa rin.

Tahimik na pumasok ako sa flat at pasalampak na naupo sa sofa. Muli na naman akong natawa. Natigil lang ako nang may mapagtanto ako. Bigla ay kinilabutan ako. Mula nong nadurog ang puso ko at tuluyang naging bato ay ngayon ko lang din ulit iyon nagawa.

Ngumiti at tumawa ako nang natural sa harap ng isang lalaki? Paano nangyari iyon at bakit?

...

Vote. Comment. Follow.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status