Share

Kabanata 5

Raven POV

Kagigising ko lang ng makatanggap ako ng tawag mula sa sekretarya ko at sinabi hindi nakaattend si Liam sa isang importanteng meeting na labis kung ikinataka. Kilala ko ang kapatid ko, malabo pa sa sabaw na hindi 'yon sisipot.

Ilang beses kung sinubukan na tawagan si Liam pero hindi 'to sumasagot. Napahilamos na lang ako sa aking mukha dahil sa inis. Agad akong nagpasya na puntahan na lang siya sa kanyang villa.

Pasakay pa lang ako ng kotse ko ng mahagip ng mga mata ko si Russel. Ang aga naman yata ng gagong 'to.

"Bakit ganyan ka makatingin sa akin? Ang aga aga nakastraight na naman 'yang guhit ng kilay mo." saad nito sa akin.

"Kung ikaw ba naman agad makikita ko sa umaga ay talagang nakakasira na agad ng araw." nakangising turan ko.

"Fuck you, Raven! Itong mukhang 'to? Nakakasira ng araw?" itinuro niya pa ang kanyang sarili na animo'y hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Baka makakalimutan mong magpinsan tayo. Ulol!"

"Hindi ko nakakalimutan ang bagay na 'yan. Kaya nga napapaisip ako kung talagang anak ka ba talaga nila Tito at Tita e, baka kasi ampon ka lang pero ayaw lang nila sabihin sayo." anas ko.

He raised his middle finger to me. "Damn you, Samaniego! Get out of my sight, fucker."

Natawa naman ako. "Aalis talaga ako, wala akong balak na makipag usap sayo ng matagal. Pero pag isipan mong mabuti ang sinabi ko, malay mo magkatotoo." pang aalaska ko pa lalo sa kanya.

"Hindi ko na kailangan pang isipin 'yan dahil alam ko naman na ang totoo kaya tantanan mo ako."

Napailing na lang ako at saka tuluyan ng sumakay sa aking kotse. Sanay na naman 'yang pinsan ko.

Pagdating ko sa villa ng magaling kung kapatid ay nakasalubong ko agad si Sienna. "Where is, Liam?" diretsong tanong ko dito.

"Kaaalis niya lang bago ka dumating. May kailangan daw kasi siyang ayusin sa opisina."

"Alam mo ba kung bakit wala siya sa meeting kanina?" tanong ko pa.

Napalunok siya ng ilang beses habang nakatingin sa akin.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "What now? Tititigan mo lang ba ako? Alam kung gwapo ako. So fucking answer my question now!" hindi ko na mapigilan ang hindi mapasigaw.

Dahan dahan naman siyang tumango. "M-may mga tinapos kasi kami kagabi na mga papeles, t-tapos ano. . . bigla kasi sumama ang pakiramdam ko at a----"

"In short nagpaalaga ka, right? Assistant  ka niya at alam mo kung gaano ka importante ang investors na dapat ka meeting niya! Bata ka ba,ha? Kailangan bang bantayan ka pa ni Liam?" nanggagalaiting saad ko.

"R-raven,"  nauutal na sambit niya sa pangalan ko.

Agad ko naman siya hinila papasok sa loob. "L-let me go, nasasaktan ako." pagpupumiglas nito.

Marahas na tinulak ko siya sa sofa. "Stop ruining my brother's business!"

"H-hindi naman sa gano'n, Raven. Sinabi ko naman sa kanya ng ilang beses ang tungkol sa bagay na 'yon. Pero ayaw niyang umalis."

"Stop it, bitch! Kung sana kasi wala ka dito sa villa niya walang ganito na mangyayari. Hindi ka obligasyon ng kapatid ko. Tandaan mo 'yan! Hindi ka niya ka ano ano. Hindi ka naman mamamatay sa sakit na 'yan!" madiin na wika ko.

"I-im so.. sorry," mahinang sambit nito habang nakayuko.

"Sorry? Are you really testing my patience, Sienna? Sinasabi ko sayo hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo kapag napuno ako."

"Bakit ba ako ang sinisisi mo? Hindi ko ginusto na magkasakit at mas lalong hindi ko pinilit si Liam na mag stay at alagaan ako. Ilang beses kung pinaalala sa kanya ang meeting dahil trabaho ko 'yon! Pero hindi ko naman mapipilit kung ano ang desisyon niya dahil boss ko siya!"

"Don't raise your voice on me, woman! Baka hindi kita matantsa." seryosong turan ko.

"At anong gusto mong gawin ko? Hayaan ka na pagsalitaan ako ng kung ano man ang gusto mo? Alam ko, Raven na ayaw mo sa akin, na hindi mo ako magugustuhan at alam na alam ko na mainit ang dugo mo sa akin. Pero huwag mong isisi sa akin ang mga desisyon sa buhay ng kapatid mo dahil hindi naman 'yan tanga si Liam!"

Nagpintig naman ang tainga ko dahil sa narinig kaya malakas kung nahampas ang mesa na nasa tabi ko dahilan para mapasigaw siya, marahil ay nagulat 'to.

"I will never ever like a woman like you, Sienna." tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa bago umismid. "You are not my type. Kung ako sayo ay mas mabuti pang umalis ka na sa pagiging assistant ni Liam. You are not worth it! Problema lang ang dala mo. Lubayan mo ang kapatid ko. You're not belong here, you will never be." bakas pa rin sa boses ko ang galit na pilit kung pinipigilan.

"Hindi mo na kailangan sa akin sabihin ang bagay na 'yan. Alam kung wala naman talaga akong lugar dito. Pero hindi ikaw ang magpapaalis sa akin dito. Liam needs me at kung may tao man ang pwede magpalayas sa akin 'yon ang siya lang." kitang kita ko ang paglandas ng luha sa kanyang mga mata pero hindi niya ako madadala sa ganyan.

Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. "I didn't know that you are also good at acting. Well, what would  expect from a woman like you? Kung sa tingin mo ay madadala mo ako sa pekeng luha mo ay nagkakamali ka. Binggong binggo ka na sa akin, Sienna. Isa pa talagang pagkakamali mo, pasensyahan tayo dahil ako mismo ang kakaladkad sayo palabas ng compound na ito at walang magagawa si Liam." huling sinambit ko bago tuluyang umalis sa villa ng kapatid ko. Malakas at pabalang pa ang pagkasara ko ng pinto.

I kicked the tire of my car out of annoyance. I don't know what to do just to get that woman out of here.

I will never let her destroy what my brother's have. Alam kung hindi siya makakabuti sa kapatid ko kaya mas maganda ng maaga ay magawan ko na ng paraan para lang mawala siya sa landas ni Liam.

I don't want any trouble here at mas lalong ayaw ko ng madadawit ang pangalan ng kapatid ko sa mga walang kwentang bagay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status