Share

Chapter 1:

It was already 4pm in the afternoon at karamihan ng mga estudyante ay nagsiuwian na. Naglalakad na kami pauwi ng matalik kong kaibigan na si Ara, tahimik lang kaming dalawa Hanggang sa may naisipan akong kabaliwan at agad na huminto sa paglalakad at hinarap siya.

Napahinto na din siya sa paglalakad at nagtatakang tiningnan Ako sa mga mata.

"Problema mo?" Tanong ni Ara habang nakatingin sa akin. Agad naman akong napangisi sa kanya. 

"Di ba kakabreak palang ninyo ni Prince kahapon?" Saad ko sa kanya na naging dahilan para ikutan niya ako ng mata. 

"Oh, ano naman ngayon?" Bored na sagot niya at nagpatuloy na sa paglalakad. 

"Gusto mo ng pusta? Simple lang naman eh." Ngingiti akong sumunod sa kanya at sinabayan na siya sa paglalakad.

"Ayoko." Madiing sagot niya na naging dahilan ng pagtawa ko.

"Sige na! Simple lang naman to eh! KJ mo naman Ara!" Hindi siya sumagot kaya naman pinagpatulog ko nalang ang aking pagsasalita.

"Pustahan tayo dapat in 1 week makakahanap ka ng Bagong boyfriend mo pero syempre hindi ako papayag na kung Sino-sinong lalaki lang yan no? Dapat makita ko muna siya ng personal at dapat pasado siya sa mga qualifications ko. Pagapprove na ako tsaka pwde mo na Jojowain! O,dba? Ang simple lang ng pustahan natin?," Nakangiti kong paliwanag sa kanya. Excited na ako dito sa pustahan na ito! Alam kong magiging masaya at thrilling ang mangyayari at sisiguraduhin kong mananalo ako dito. Hihihi.

"Ano naman ang consequences sa matatalo?" Bingo! Pinaghahandaan ko na talaga yang tanong na iyan kanina pa at alam ko din na hindi aatras ang babaeng ito pagdating sa pustahan. Ngingisi akong sumagot sa kanya na naging dahilan ng pagngiti niya.

"Simple lang, ang matatalo ay manlilibre sa loob ng ISANG LINGGO ng pagkain. So, ano? Game?" 

"Game."

ANIM na araw na ang nakalilipas simula nung araw na nakipagpustahan ako kay Ara at nalalanghap ko na ang aking tagumpay! Siguro nahihirapan na yung humanap ng lalaking maihaharap sa akin. Alam niya kasing medyo mataas ang standard ko pagdating sa mga boys. Ngingiti akong umupo sa aking upuan at nilabas ang baon ko. Lunch time na kasi namin ngayon at konti na lang kaming nandito sa room dahil yung iba ay nagpunta na sa canteen. Tiningnan ko naman ang katabi kong si Ara na nagkukuha na din ng baon niya. Agad ko namang pinaharap ang silya ko sa kanya kaya ngayon ay nagkaharap na kami.

"So, among balita Ara? Mukhang matatalo ka sa akin ngayon ah," Nakangisi Kong Saad sa kanya at nagsimula nang kumain.

 Tinitigan niya lamang ako sa mga mata at nagsimula na din siyang kumain. 

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa kaya naman ay nagkibit balikat na lamang ako at nakangiting pinagpatuloy ang aking pagkain. Alam ko na talagang mananalo ako at nalalasap ko na ang aking tagumpay. Makakatipid na din ako sa wakas at iniimagine ko na ang mga pagkain ko sa lunes na ngumingiti sa akin at kumakaway. Aaah! Heaven baby!

"May nahanap na ako," agad akong nabilaukan sa sinabi niya at dali daling ininum ang aking tubig.

"A-ano?," Gulat na tanong ko sa kanya habang nanlalaki ang mga mata. Hindi pwde! Yung mga pagkain ko! Huhuhu!

"Sabi ko, may nahanap na ako." Paguulit niya at pinagpatuloy na ang pagkain.

"T-talaga? S-sino?! Teka-teka! Kailangan ko muna siyang makita sa personal ha kung pasado ba sa akin! Alam mo naman ang standards ko, kailangan matangkad yan, matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata, kahit di gwapo basta may itsura. Okay na sa akin kung moreno ba o maputi. Pag hindi pasado sa akin yan, talagang maghahanap ka na naman ng maihaharap sa akin," Tango lang ang ginawa niya at balewalang pinagpatuloy ang kanyang pagkain.

Na aking isipan naman ay nagiisip na ako ng mga plano kung paano ko mapapanalo Ang larong ito. Kailangan ko itong maipanalo dahil kung hindi mawawala ang mga babies ko at hinding-hindi ako papayag na mangyari yun. Kailangan kong magisip ng strategy. Habang nagiisip ay binilisan ko ng tapusin ang aking pagkain at dali daling ininom ang tubig ko. 

*Burp*

"Oops, sorry! Hehe." Nahihiyang paumanhin ko sabay peace sign. 

Habang nagiisip ng mga plano ay maya-maya pa'y natapos na din kumain si Ara at agad na tumayo sa kanyang kinauupuan.

"Mamayang 6pm ang meetup ko sa kanya sa Parke. May isasama daw siya kaya isasama na din kita para naman makilala at makilatis mo na rin yung lalaking sinasabi ko," Mahinang saad niya at tiningnan ako sa mga mata. Agad naman akong nakaramdam ng kaba dahil first time Kong makikipag meet-up ng lalaki pero agad kong tinago ang kabang nararamdaman ko at ngumiti ng pilit kay Ara.

"Okay,cge."

It's already 5:30pm in the evening. At talagang kinakabahan ako ngayon habang nakatingin sa salamin.

I just wore my red shirt and shorts. Tied my hair up at inayos ang bangs ko. I applied thin lipstick and powder. Nagmemake face pa ako sa harap ng salamin at natatawang tiningnan ulit ang itsura. Okay na to. Uuwi din naman kami agad pagkatapos nito. 

" � Are you ready kids?

(Aye, aye Captain)

I can't hear you

(Aye, aye Captain)

Ooh.

Who lives in pineapple under the sea?

(SpongeBob SquarePants)

Absorbant and yellow and porous is he

(SpongeBob SquarePants)

If nautical nonsense be something you wish

(SpongeBob SquarePants)

Then drop on the deck and flop like a fish!

(SpongeBob SquarePants) ready?

SpongeBob SquarePants

SpongeBob SquarePants

SpongeBob SquarePants

SpongeBob SquarePants �"

Agad ko namang tiningnan kung sino ang nagtext nun. Si Ara pala, naghihintay na sa labas.

Agad naman akong lumabas na ng kwarto at nagpaalam na kina mama at papa. 

"Magingat ka," Nakangiting paalala ni mama sa akin bago ako lumabas ng Bahay.

"Tara na." Nakangiting aya ko sa kanya at nagsimula ng maglakad.

Walking distance lang din naman kasi ang park dito sa amin at btw, magkapitbahay lang kami ni Ara.

Habang naglalakad ay naguusap kami ng mga nakakatawang bagay habang tumatawa sa gitna ng kalsada. May iilan din namang napapatingin sa gawi namin pero di na namin yun pinapansin.

Ilang minuto pa ang nagdaan at narating na din namin ang Parke. Agad naman akong napahawak kay Ara na naging dahilan ng pagtawa niya.

"Oh, Bat ka nagkaganyan? Kung kumapit ka para ka nang tuko na di na matanggal ah," Tatawang saad niya at hinawakan ako sa kamay.

"Lamig mo Angel, para kang pinaliguan ng yelo. " Pangaasar niya sa akin pero di ko siya sinagot pa at bumitiw sa kanya. Ramdam ko na ang pagtulo ng mga pawis ko sa noo kaya naman ay agad-agad ko itong pinawi gamit ang panyo ko. Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti kay Ara.

"Nasan na daw sila?," Tanong ko sa kanya. Agad naman siyang napatingin sa cellphone na hawak niya. 

"Nandito na daw sila."

KANINA pa kami paikot-ikot dito sa Parke at patingin-tingin sa paligid. Nayayamot na ako dito kakahintay ganun na din si Ara. Nakasimangot akong bumaling sa kanya at agad niya din akong tiningnan.

"Kanina pa tayo dito naghihintay pero di pa sila nagpapakita! Na Ghosting yata tayo Ara," Naiinis na Sabi ko sa kanya. Napakamot naman siya kanyang ulo at napangiwi. 

"5 minutes pa tayong naghihintay Angel, wag kang atat. " Bumuntong hininga na lamang ako at tiningnan ang mga taong napapadaan sa harapan namin habang si Ara naman ay kinakalikot ang phone. 

Siguro pangit yun kaya ayaw ng magpakita sa amin. Ha! Dapat lang mahiya siya samin. Diyosa ba naman makakaharap niya? Bulag na yata ang magsasabing pangit kami. Halos nga lahat ng estudyante sa Campus crush ako eh! Kahit nga si Ara habulin din ng mga lalaki. 

Habang naghihintay ay napansin kong napatayo ng tuwid si Ara kaya naman nagtatakang tiningnan ko siya. Hindi pa man ako nagsasalita ay may ininguso na siya sa harapan namin na parang sumesenyas. Baliw na yata tong babae nato at sigurado akong wala pa 'tong kain. Ahh, naiisip ko palang ang pagkain ay parang tutunog na ng wala sa oras ang tiyan ko. 

"Hi, kayo ba si Ara at Angel?, " Gulat akong napatingin sa taong nasa harapan ko. Ay, mali 'mga' pala ang dapat idescribe. Tatlo kasi silang mga lalaki ang nasa harapan namin ngayon kaso di ko maaninag yung isa. Pangit siguro yun. HAHAHAHAHA.

"Yes, and you are?" Nakataas kilay kong tanong sa kanila at hinead to foot sila. Infairness, mga papable tong mga nasa harapan ko. Sarap kagatin! Rawr! HAHAHAHA

"Oh, my name is Jeff and this are my friends," Pakilala nung taong nasa harapan ko. Ang tangkad naman ng Jeff nato, Hanggang kilikili lang yata kami ni Ara. Mukhang na sa 6'4 ang height. Basketball player siguro ito. Kami kasing dalawa ni Ara pareho lang kami ng height. Matangos din ang ilong ng isang to. Perfect Jawlines, shiny ang buhok (at talagang nahiya buhok ko bes. HAHAHA) Mabango, at napakalinis niyang tingnan sa damit niya. Pang Good boy ang pormahan. Ewan ko lang kung 'Good boy' ba talaga. HAHAHA.

Di din siya kaputian pero pasado na sakin yung kutis. Pak na pak mga besty!

Pagkatapos niyang magpakilala ay isa-isa niya na ding pinakilala ang mga kaibigan niya na nasa likuran niya lang.

"This is Nat, " Turo niya sa isang lalaking nakangiti habang kumakaway sa aming dalawa ni Ara. Medyo hindi katangkaran pero pwde na. Cute din siya at mukhang mabait din naman. But, ofcourse, looks can be deceiving sabi nga nila.

"And this is James." Turo niya naman sa lalaking natatabunan nilang dalawa. Medyo madilim sa may part na pinagtatayuan nung lalaki na yun kaya hindi ko siya makita na maayos. 

Pagkadinig nung lalaki na tinawag na ang pangalan niya ay agad siyang nagpakita sa amin at lumakad papunta sa amin. 

Sh*t! Tama ba 'tong nakikita ko?

Anghel ba 'to?

Ba't ang gwapo?!

Pasampal nga ako saglit baka namamalik-mata lang ako mga bes.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status