Puting kisame. Puting dingding. Puting sahig. Puting higaan. Isama mo na rin ang puti kong damit na pinarisan ng puting pajama. Puro kulay puti na lang ang araw-araw kong nakikita rito. Siguro pati matinong tao talagang matutuluyan na ngang mabaliw kung ganito lang naman araw-araw ang siyang bubungad sa kan’ya.
Nakahiga lang ako sa kama habang wala sa sariling nakatitig sa kisame. Nakalaylay ang isang paa ko at bahagyang sumasayad sa sahig. Pinipilit kong hindi indahin ang kadena na nakatali sa paa ko. Normal lang na damit ang suot ko ngayon hindi ito tulad sa suot ko minsang straightjacket. Na nakagapos ang kamay ko patalikod. Pinapasuot lang nila ako ng ganoon tuwing may session o kaya kapag may taong kailangan na lumapit sa akin.
Pathetic.
Ganoon ba talaga sila katakot sa akin?
Napalingon ako sa tray na nakalagay lang sa may sahig. Halos magda-dalawang oras na mula ng dalhin it
Lakad lang ako nang lakad. Ni-hindi ko nga alam kung saan ba talaga ako patungo. Basta ang tanging alam ko, sinusundan ko lang kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.Pagod na ako kakalakad dito sa masukal na gubat na ito. Puro sugat na ang paa ko dahil sa wala naman akong suot na sapin. Nababahiran na ng dugo ang suot kong hospital jacket mula sa sugat ko sa ulo. Puro puno lang ang nakikita ko, rinig ko rin sa itaas ang salit-salitang paghuni ng mga ibon.“A-Aray,” siyang daing ko ng hindi ko napansing may nakausli pa lang ugat ng puno sa dinadaanan ko.Una ang mukha na napabagsak ako sa maputik na daan.“Pagod na ako,” siyang tanging nasambit ko.Pagod na pagod na ako. Gusto ko na lang na mahiga rito at maghintay na baka may mabangis na hayop na siyang papatay sa akin. Ngunit, sa kabilang banda, may kung anong nagtutulak sa akin na tumayo at
“Ang sarap mo naman palang magluto, Tasha. Tiyak ko’y mainam kang naturuan ng Mama mo noon pa man. Iba man sa istilo na gamit ko, ngunit hindi maikakailang napakasarap mong magluto!” nakangiting saad ni Lola habang hawak sa kanang kamay ang sandol na naglalaman ng luto ko.Namula naman ang pisnge dahil sa sinabing iyon ni Lola Clara. Kasalukuyan kaming nasa may kusina habang inoobserbahan niya ang pagluluto ko. Nagpresinta akong lutuan sila ng champorado para panghimagas na talaga namang pinaka paborito ko. Tuwing nakakakain ako ng champorado, hindi ko maiwasang maalala si Inay pati na rin ang mga ditse ko.Naalala ko pa noon, iyon ang palaging ibibida ni Inay para lang mautusan akong magdala ng pagkain sa bukid kung saan nagsasaka si Itay.Napangiti na lang ako nang mapait habang pilit pinipigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Ang emosyonal ko pa rin talaga. Sa tuwing naaalala ko ang pamilya ko, nanghihina ako. Namimiss k
Hiniling sa akin ni Lola Clara na manatili na lang ako sa pangangalaga nila ni Lolo Delfin. Tila napalapit na rin ako sa kanila. Sa bawat araw na dumadaan, mas nakikilala ko pa sila lalo. Ang dating takot na nararamdaman ko pagdating sa mga lalaki ay unti-unti na ngang humuhupa at nawala.Kinuwento ko sa kanila ang lahat ng pinagdaanan ko. Kinakabahan noong una na baka itakwil nila ako. Na baka palayasin nila ako. Na baka husgahan nila ang pagkatao ko. Ngunit sa hindi inaasahan, bigla na lang akong niyakap ni Lolo Delfin.Tanda ko pa ang mga sinabi niya sa‘kin.“Bilang isang lalaki nahihiya ako, Tasha. Nahihiya ako kasi pinagsamantalahan nila ang kahinaan mo. Kaya pala noong hinawakan ko ang kamay mo, tila ba sobra ang takot na nakita ko sa mga mata mo. Hindi ko lubos maisip ang mga pinagdaanan mo. Dapat sila ang magp-protekta sa‘yo, ngunit anong ginawa nila?” umiiyak na saad ni Lolo
Kasalukuyan akong nasa isang maliit na kwarto. Nakaupo sa isang bangko habang nakaharap sa isang may kalakihang salamin. Sobrang tahimik. Nakakabinging katahimikan. Wala sa sariling napatitig ako sa malaking salaming kaharap ko. Alam ko, sa likod ng salaming iyon ay tinitignan nila ako. Binabasa at hinuhusgahan ang buong pagkatao ko. Madilim ang silid at ang tanging nagbibigay ilaw ay ang naninilaw ng bombilya na nasa ibabaw. Ang sakit sa mata ng ganitong ilaw nila. Ilang araw na ba akong nakakulong sa lugar na ‘to? Hindi ko na yata maalala pa. Sa tingin ko‘y hindi lang basta araw kundi mga ilang buwan na rin ang nakalipas. Napabuntong hininga na lang ako. Gusto ko ng bumalik sa silid ko at matulog. Marahan akong napalingon nang bumukas ang nag-iisang pinto sa kwartong kinalalagyan ko. Pumasok ang isang babaeng nakasuot ng puting uniporme ha
I. Lumaki ako sa isang buo at masayang pamilya. May maalaga at mapagmahal na Ina at may masipag at masigasig na Ama. Tanging pagsasaka lamang ng ikinabubuhay ni Itay. Habang si Inay naman ay inaabala ang sarili sa pagbabantay sa aming limang magkakapatid. Nasa bukid kaming bahagi ng Lapu-lapu sa Siyudad ng Cebu. Sadyang malayo sa Siyudad kung kaya’t sa tuwing may ani si Itay. Doon lang kami nakakatikim ng mga masasarap na pagkain. Doon lang din kami nagkakaroon ng mga bagong laruan. Kadalasan puro kamote, saging at lubi ang lagi naming kinakain. May iilang alaga namang manok si Itay, pero nakahanda ang mga manok na iyon para sa mga darating na okasyon tulad ng birthday namin. Malimit na si Ditse Philautia ang kasa-kasama niya sa pag-angkat ng mga ani sa may bayan. Bukod kasi sa siya ang pinaka panganay sa aming magkakapatid, sadyang abala rin kasi si Inay sa pag-aasikaso samin dito sa bahay. “Tasha!” Agad akong napalingon
II. Dumaan ang gabing iyon na puro tangis at iyakan lamang ang siyang maririnig sa loob ng bahay. Nanatili lang akong nasa loob ng silid naming magkakapatid habang nasa labas naman sila Inay at Itay. Tulog na sina Anastasia at Veronica pero si Ditse Philautia nanatili pa ring gising. Hindi umaalis si Ditse Philautia sa tabi ko. Rinig ko mula rito sa silid namin ang ingay ng ginagawa ni Itay. Kasalukuyan niyang ginagawan ng kabaong si Franco. Dahil nga sa sobrang layo namin sa Siyudad, dagdag gastos na kung sa bayan pa kukuha sina Inay at Itay ng kabaong para kay Franco. Kitang-kita ko kanina ang hitsura ni Franco, bahagyang nayupi ang likod na bahagi ng ulo nito. Marahil dahil sa lakas ng pagkakabagsak niya sa sementadong sahig saka mataas din ang pinaghulugan nito. “Tahan na, Tasha. Kanina ka pang umiiyak diyan e. Sige na, matulog ka na, babatayan ka ni Ditse.” siyang
III. Ilang buwan ang tumagal. Ilang buwang puro pagdurusa. Ilang buwang sinisikmura ang pambababoy sa amin ni Itay. Hanggang may pagkakataon ay ginagalaw niya kami. Salit-salitan kung maaari. Tinakot niya kami na sa oras na makarating iyon sa aming Inay ay papatayin niya kaming lahat. Walang kaalam-alam si Inay sa mga pangyayari. Wala siyang alam na ang tatlo niyang anak na babae ay salit-salitang ginagamit ng Mister nito. Tanda ng pagiging seryoso sa isinaad ni Itay ay sinugatan niya ang bandang tagiliran naming magkakapatid. Gamit ang kutsilyo na pinainit sa nagbabagang apoy ay nilagyan niya ng marka ang mga bewang namin. Binantaan kami na sa oras na may gawin kaming labag sa gusto niya ay papatayin niya kami. Ang akala ni Inay ay tumutulong lang kami sa sakahan kaya minsan lang kaming naglalagi sa bahay, ang hindi niya alam ay salit-salitan kaming ginagamit ni Itay doon. &nbs
Nagpakalayo-layo kami ni Veronica. Pumunta kami sa lugar na walang nakakakilala sa amin. Mula sa Lapulapu City ay hindi namin namalayan na sa araw-araw na paglalakad ay napunta kami sa sentro ng Cebu, ang Colon. Ang Colon ay ang siyang nagsisilbing dagsaan ng mga tao sa Lungsod ng Cebu. Namuhay kami sa gilid ng kalsada, umaasang may tutulong sa amin, pero wala. Walang tumulong sa amin. Namamalimos kami para may makain kami. Kung ano-anong trabaho na ang pinasok namin para lang makaraos sa buhay. Sa murang edad pinilit naming buhayin ang isa’t isa. Makikita kami sa gilid ng kalsada. Doon makikita kaming namamalimos sa mga taong dumadaan sa tinatawag nilang pedestrian lane. Minsan naghihintay sa may labasan ng mga kainan. Umaasang kahit kaonting tira-tira lang ay mabigyan kami. Para lang magkalaman ang kumukulong sikmura. Kailangan makaraos. Kailangan makakain kahit man lang isang beses sa isang araw.