Share

Chapter 07

Chapter 07

I got busy for the next three days. A lot of work and schedule came and I don't have any time to chill. Since christmas season is coming, maraming nagpapa reserve ng bulaklak for their own events. A lot of them are so picky that's why we need more time to associate and organize their dream event. 

“Gusto ni Mrs. Reyes na palitan ang mga flowers for her event, ate,” problemadong saad ni Lia. Alam kong pati siya ay pagod na sa dami naming inaasikaso. “She will visit our shop tomorrow daw.”

Tumango ako. “Ikaw na ang bahala mag-asikaso sa kaniya.”

“Opo, ate,” sagot niya. “Ate, huwag mo pong kalimutan ang meeting niyo ni Mrs. Garcia mamayang 3PM sa Finely Restaurant.”

Tumango lang ulit ako. Abala ako sa pag-mo-monitor at pag-che-check ng mga listahan ng mga ipadedeliver mamayang lunch.

May mga sinabi pa si Lia na hindi ko na masyadong maintindihan dahil sa nakapokus ako sa ginagawa. She said all that she needed to say before going back to her desk and doing her work. 

Mabilis na lumipas ang oras. I found myself going to Finely Restaurant to meet Mrs. Garcia. Hindi na sumama si Lia para gawin ang dapat niyang gawin. Nag-taxi na lang din ako para hindi maabala si Mang Ador para tulungan si Lia sa shop. 

Half of an hour before I reached my destination. I paid the taxi driver before entering the restaurant. I asked the waiter in front of the desk to help me find Mrs. Garcia.

“This way, Miss HM.” He led me the way. Agad naman akong sumunod sa kaniya. 

I roamed my eyes around when someone caught my attention. He's wearing a black cap, black jacket and orange jersey short with number 13 on it. Tumigil ako sa paglalakad at tinitigan ang lalaki. Prenteng nakaupo siya na parang walang pake sa mga tao na nasa paligid niya. 

“What is he doing here?” tanong ko sa sarili habang tinitignan pa rin ang lalaki. “I thought he's not allowed to go out?”

He's busy with his phone and probably didn't see me. Normal lang siyang nakaupo at kumakain ng inorder niya. I can't help but feel confused. Anong ginagawa niya rito? Akala ko ba bawal siyang lumabas? Bakit siya nandito?

“Miss HM, may problema po ba?” tanong ng waiter.

“A-Ah, wala. Let's go.” Muli kong sinulyapan ang lalaki bago sumunod sa waiter. 

Buong pag-uusap namin ni Mrs. Garcia ay wala ibang nasa isip ko kung hindi si Jian. Yes, si Jian iyong lalaking nakita ko kanina. How come he's here? Paano siya nakapunta rito? Did Janice know he's here?

Bigla kong naalala ang pagtatalo nila ni Janice noong unang araw kong makapunta sa bahay nila. Tumakas ba siya? Kaya siya nandito dahil tumakas na naman siya?

After two hours talking with Mrs. Garica, we finally ended our conversation.

“Thank you so much for your time, Miss Hm. I am happy to see you.” She hugged me. “Thank you so much.”

“Thank you as well, Mrs. Garcia.”

She thanked me endlessly before leaving. Nagtungo naman ako ng bathroom at nag-ayos ng sarili. Busy ako sa paglalagay ng powder sa mukha nang maalala ko si Jian.

“Right!”

Mabilis kong inayos ang gamit at lumabas ng bathroom. Humakbang ang mga paa ko papunta sa kung saan ko siya nakita kanina. But he is already gone. Umikot ang mga mata ko sa mga taong nakain ngunit hindi ko na talaga siya nakita. 

Lumabas ako ng restaurant habang tinatawagan si Lia.

“Hello, Lia. Pasabi naman kay Mang Ador na sunduin ako rito.”

[Sige po, ma'am.]

“Thanks.”

Tumayo ako sa amy waiting shed sa tapat ng restaurant at hinintay si Mang Ador. I used my phone to entertain me while waiting. 

“Looking for me?”

Muntik na akong sumigaw nang may lalaking sumulpot sa gilid ko. Bago pa ako makapag reklamo at sigawan siya, natigilan ako nang nakita kung sino ito.

“You!” Nanlalaki ang mga matang saad ko. “What are you doing here?”

He shrugged his shoulders and put both his hands inside his jacket's pocket. A smirk appeared on his face as he stared at me.

“Why? I'm not allowed here?” he casually asked. “Is there any sign that I am not allowed here?”

Napanganga ako. Is he even serious?!

“Alam ba ni Janice na nandito ka? Does she know?  Or baka tumakas ka lang? Tumakas ka ba?”

His eyes stay still on mine. “Does it concern you? Do you have any concerns for me now? Huh?”

Natigilan ako. Natulala ako sa mga titig niya. I felt something weird inside my stomach as our eyes stared at each other.

“I… I'm just asking…” utal-utalnat mahina na sabi ko.

He chuckled. He leaned forward and leveled his face on me. His eyes are still staring at my eyes.

“You have no right to ask me.” 

Pinitik niya ang noo ko dahilan para magulat ako. Humawak ako sa noo at masama na tinignan siya. 

“Bakit mo ako pinitik?! Masakit ah!”

Tumawa lang siya ng mahina. Umayos siya ng tayo at luminga-linga sa paligid.

“What are you doing here? Hindi ka ba uuwi?” he asked.

“Does it concern you?” Ginaya ko ang boses niya kanina. “You have concern for me now? Huh?”

Muling tumingin siya sa akin at ngumiti. Napatitig ako sa mga labi niya.

“What if I said I have? What will you do?” hamon niya. 

Mataray na tinignan ko siya. “You have no right. I don't need your concerns or whatsoever.”

Umiwas ako ng tingin. Kinuha ko ang phone nang mag-vibrate ito.

Mang Ador: Ma'am, nasiraan po ako baka late ko na po kayong masundo.

Kung sinuswerte ka nga naman, oh! Bakit ngayon pa nasira ang sasakyan?! Agad akong nagtipa ng message. 

Me: Taxi na lang po ako, kuya. Paayos niyo na lang po muna ang sasakyan.

“Got a problem?”

Pinatay ko ang cellphone at binalik sa pouch bago tinignan si Jian. 

“Hindi ka pa ba uuwi? Bakit nandito ka pa?”

“Maybe later. How about you?”

“Uuwi na. I'll call taxi na lang. I'm off.”

Akmang lalakad na ako paalis nang maramdaman kong humawak ang kamay niya sa braso ko at marahan akong muling pinaharap sa kanya.

 Napatingin ako sa kamay nuyang humawak sa akin. Mainit at magaspang ang kamay niya. 

“What?”

“I'll drop you off at your place.”

My head creased. “You don't have to. I can manage. You should go home baka hinahanap ka na ni Janice.”

“No, I insist. Dala ko ang kawasaki with me.”

He can drive a kawasaki?

Umiling ako. “Hindi na. Magtataxi na lang ako—”

“No need.”

Hinigit niya ako papunta sa parking lot. Todo ako reklamo ngunit tila wala siyang naririnig. Napagod na lang ako kakareklamo nang marating namin ang kawasaki niya. Kinuha niya ang white helmet sa may loob at inabot sa akin. 

“Wear it.”

Tinitigan ko lang ang helmet niya. Hindi ko naman alam paano suotin yan? Paano ko susuotin?

“Ah, let me wear it on you.”

Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siya sa gagawin niya. He leveled his face to mine. Maingat na sinuot niya sa akin ang helmet. He even fixed my hair on my eyes and smiled at me before wearing the black helmet on himself. 

Damang-dama ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa ginawa niya. He's very gentle while putting the helmet on me. Is this how he treats his girlfriends?

Nauna siyang sumampa sa motor niya bago ako tinignan at tinapik ang space sa likod niya. 

“Come on. Hope in.”

I had no choice. Kumapit ako sa balikat niya at ginabayan niya naman ako para makaupo. 

“Okay ka na?” he asked. “We'll go now. Hold on tight.”

“Saan?” tanong ko. “Wala naman hawakan dito.”

Mahinang tumawa siya. “You can hug me if you want—”

Hinampas ko ang likod niya. “I will not do that!”

Tumawa lang ulit siya.

“You can hold on my shoulders or on my jacket so you won't fall. You know safety first.”

Pinatong ko ang dalawang kamay sa balikat niya at mahigpit na humawak. Nakita kong umiling siya bago pinatakbo ang motor niya.

I felt happy somehow. Masarap ang hangin na tumatama sa katawan ko. I can enjoy the beauty of night. Ang saya sa pakiramdam nang ganito. 

Hindi ko na lang namalayan na nakayakap na pala ako kay Jian. Aalisin ko na sana ang kamay ko sa tiyan niya nang pigilan niya iyon.

“Don't,” sabi niya. “Just hold me like this.”

Uminit ang mga pisngi ko at hinayaan na lang ang mga kamay ko. I rested my face on his back and closed my eyes. Hindi ko alam ngunit his presence gives comfort on me. What is he doing to me? Why am I being like this?

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Aiza
nice story sana more unlock pa po
goodnovel comment avatar
Rose Tupaz
next chapter plss
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status