Sa pagputol ng tawag ni Eleonor ay ang siyang pagngiti ni Wil Schord sa loob ng kaniyang opisina. Siya ang susundo kay Eleonor sa napag-usapan nilang tagpuan kaya naman labis ang nararamdaman niyang saya at pagkasabik. Hindi na siya makapag-hintay na makita't mahawakan si Eleonor.
Samantala, labis naman ang pagpintig ng puso ni Eleonor dahil sa kaba. Hindi niya maintindihan nang lubusan ang kaniyang ginagawa. Hindi na rin niya maunawaan ang kaniyang nararamdaman. Basta para sa kaniya, ang mahalaga na ngayon ay ang makaraos sa sitwasyon nila ngayon.
Agad na s'yang nag-asikaso ng kaniyang isusuot at mga isusuot pa'ng mga damit. Sinabihan na kasi siya ni Wil na kakailanganin niya ang higit pa sa isang damit sa kaniyang pagpunta sa St. Larzralé Bar. At kahit may hindi na magandang kutob ay pinili niyang 'wag sundin ito. Mas pipiliin na niya ngayon ang lunukin ang natitirang hiya.
Sa ganap na alas-kwatro ng hapon
Nagsimula nang humakbang ni Wil patungo sa ika-apat na palapag; ang pinakatuktok ng Larzralé Bar. Lumilikha ng tunog ng prominenteng tao ang makintab niyang sapatos na dinig na dinig sa buong pasilyo. Ang kaniyang plantyadong kasuotan naman ay hindi lamang sumisigaw ng kapangyarihan, kun'di pati na rin ng kakisigan.Walang pag-alinlangan niyang tinatakpan ng matipunong mga braso si Eleonor na ngayon ay hindi mapalagay sa kayuyuko. Impit ang mga salitang hindi maibulalas ng dalaga. Hinayaan na lamang niyang takpan siya ni Wil; bawas kahihiyan na rin.Agad na huminto sa matamlay na paglalakad si Eleonor. "Teka, Wil." Huminto naman ang binata na may pagtataka.Bumwelo sa muling pagsasalita si Eleonor. Naisip niyang baka hindi nito naintindihan ang salitang tagalog. "W-Where are we going?" Dahil sa itinanong ni Eleonor ay nabanaag niya agad ang paglambot ng ekspresiyon sa mukha ni Wil.Hinawakan s
1...2...3...Mahinang tunog ng relo na animo'y binibilang ang bawat segundo.4...5...6...Umalingawngaw ang tunog nito sa bawat sulok ng silid-aklatan. Ang bawat paggalaw at pag-kumpas nito ay tila tibok ng kaniyang puso.Napaka-tahimik, na kahit ang pinaka-mahinang bulong ay maririnig. Madilim ang paligid at nanaisin mong manatili rito upang umiyak nang umiyak dahil wala namang makaririnig sa'yo.Ang sahig ay malinis at makintab. Halata mo'ng pinagpagurang linisin. Napakaganda..Ngunit nababawasan ang ganda nito dahil sa mga papel na nakakalat. Ang mga letra'y mistulang nakasulat sa pulang tinta na hindi na mabasa nang malinaw. Kailangan mo pa'ng titigan nang mabuti bago malaman ang mga ibig sabihin nito.Kapag inilibot mo
Napaka-payapa ng buong probinsiya ng El Cumano. Makikita rito ang mga puno't halaman na sagana sa bunga at mga ibon na bumababa sa sanga mula sa malayang paglipad sa himpapawid. Ang mga huni nito'y mistulang awit sa umaga na nagiging harana sa pagsapit ng gabi. Sa bawat gilid ng daanan ay masisilayan ang maliliit na bahay na gawa sa pawid at kahoy. Ang sahig ay gawa sa kawayan na kung sasapit ang hapon ay nagbibigay ng maligamgam na pakiramdam.Ang mga mamamayan ay nagsisimula nang magsibak ng kahoy na kanilang pang-gatong bilang paghahanda sa kakainin. Samantala, sa bakuran ay makikita ang mga luntian'g halaman kasama ang mga puno ng saging na hitik sa bunga.Sa gitnang parte nito'y mapap
Nang matapos ang tila isang oras na pagkaka-tulala sa loob ng kanilang maliit na banyo'y naisip niyang lumabas upang makapag-pahinga na sa kaniyang silid. Dahan-dahan siyang humakbang sa takot na baka makalikha siya ng anumang ingay na ikagagalit ng kaniyang ama."Sa'n ka pupunta?" Agad siyang kinabahan nang marinig ang tinig nito."M-Magpapahinga po" Napipilitan niyang tugon. Dahil sa mga maling inaakto ng kaniyang ama'y kinasuklaman na niya 'to mula nang siya'y magka-isip."Kumain ka na ba?" Tanong nito habang tutok ang mga mata sa panonood ng telebisyon. Bigla namang tumunog ang kaniyang tiyan na tila nakisama sa kaniyang sagot. Binaling ng kaniyang ama ang tingin nito sa kaniyang direksyon at ilang sandali pa'y kusa itong lumapit sa kaniya.Nakaramdam ang dalaga ng labis na kaba habang pinanonood niya ang bawat paghakbang ng kaniyang ama.Please, wag...Narara
Tirik na tirik ang araw. Ang mga mamamayan ng El Cumano ay nagkaka-siyahan sa munting salu-salo sa kanilang mga tahanan. Maingay at masigla ang buong probinsiya maliban sa makulimlim na tahanan ni Eleonor. Sa kabila ng mainit na panahon, naroon siya sa sulok ng silid, yakap ang mga tuhod habang nakatalukbong ng kumot ang kalahati ng katawan. Nanginginig ang kaniyang mga balikat at labi dahil sa labis na ginaw. Mainit ang kaniyang paghinga't kusang pumipikit ang mga mata dahil sa masaman'g nararamdaman.Ilang saglit pa'y pumasok ang kaniyang ama sa loob ng silid nang walang pag-alinlangan."Anong oras na, nakahiga ka pa rin!? Aba, kumilos ka!" Hinampas ng mabigat na kamay nito ang hita ng dalaga kaya lalo itong napapikit sa sakit."Ano ba'ng ginagawa mo diyan!?" Marahas nitong tinanggal ang kumot na bumabalot sa kaniya."P-Pa...masama po ang pakiramdam ko." Nanginginig na sambit ng dalaga. Tinitigan lang si
"Walang aalis! Dito ka lang sa pamamahay ko. Naiintindihan mo!?" Sinapo ng palad ni Emilito ang baba ni Eleonor kaya agad na napatingala ang dalaga. Nang matingnan ang ama sa malapitan ay itinaas niya ang kaniyang kilay at nandidiri itong tinitigan."Akala mo ba hindi ko narinig ang mga sinabi mo sa kuya mo? Anong akala mo sa'kin? Katulad mo'ng tanga?" Binitiwan niya ang baba ni Eleonor kaya agad itong napabaling sa gilid. Naramdaman na lang niya ang hapdi na dulot ng mahigpit na pagkaka-hawak sa kaniyang mukha na lalong nagpa-dagdag sa galit na kanina niya pa pinipigilan."Bakit, Papa? Wala na ba 'kong karapatan na mag-tapos? Ikukulong niyo na lang ba 'ko rito sa bahay!?" Sa kauna-unahang pagkakataon ay napag-taasan niya ng boses ang kaniyang ama. Hindi ito inaasahan ni Eleonor kaya agad na nanlaki ang kaniyang mga mata. Ngunit ilang segundo pa'y naisip niya'ng dapat lamang ito sa kaniya. Sa wakas, sa tila napaka-habang panahon ay naging
"Pasensiya ka na ah.." Pag-hingi ng paumanhin ni Eleonor habang hindi maka-tingin nang diretso kay Matilda. Nang makita ang ganitong hitsura ng dalaga'y lumambot ang ekspresyon ni Matilda at napabuntong-hininga."Ayos lang, ano ka ba. 'Wag ka nang mahihiya sa'kin. Basta itago mo 'tong pera sa mga mata ng papa mo. Tara na? Ihahatid na kita sa inyo." Tumango na lang ang dalaga at nag-patangay kay Matilda. Hindi siya umimik sa gitna ng tahimik na paglalakad nila ngunit kahit gano'n ay magaan pa rin ang pakiramdam niya rito.Nang ilang hakbang na lang ang pagitan nila sa kanilang tahanan ay isinigaw ni Matilda ang pangalan ni Emilito habang mahigpit na hinahawakan ang kaniyang braso. Hindi alam ni Eleonor kung bakit, ngunit kumakalma siya sa tuwing malapit lang si Matilda sa kaniya. Sa tingin niya'y ligtas siya sa presensiya nito. At kahit magka-edad sila'y masasabi niya'ng mag-kaibang magka-iba sila ng katangian. Matapang ang babaeng nasa tab
Maiingay na tilaok ng manok ang nagpa-gising sa bawat mamamayan ng El Cumano. Lahat ay nag-umpisa nang kumilos upang simulan ang panibagong araw para sa panibagong pagbabanat ng buto. Pinakain ng mga tao ang kanilang mga alagang manok, nag-ayos ng mga tanim na halaman sa kanilang bakuran at nag-sibak ng kahoy para sa mga lulutuin na kanilang ihahanda.Samantala, sa tahanan na kung saan ay malayo ang mga kapit-bahay, mapapansin ang malaking katawan ni Emilito na nakadapa sa sahig. Ang malakas na hilik nito'y hindi nakatakas sa pandinig ng dalaga.Naisip na lang niya na ituloy ang pagliligpit kaya nagtungo siya sa likod ng kanilang bahay upang kunin ang walis tambo. Inisa-isa niya ang bawat sulok ng kanilang tahanan at mga natirang kalat ng kaniyang ama. At nang maramdama'ng tumatama sa kaniyang mga mata ang ilang hibla ng kaniyang mahaba at itim na buhok ay maayos niya 'tong itinali. Sunod na ginawa niya ay naghugas ng mga pinggan, pinunasa