Share

Chapter 79

Mabilis akong tumakbo patungo sa kinaroroonan ni Felicity. At ano na naman 'tong balita na dumating sa akin? 

"Pagkagaling niya roon, dumiretso nga siya sa restroom. Pagkatapos ay sinabi na lang sa akin ni Farrah na nakainom siya ng  alak na dala nito." Pagpapaliwanag sa akin ni Cindie habang tinutungo namin kung nasaan ang babae. 

"Pahamak talaga." Asik ko. "Nasaan siya?" 

"Naro'n pa rin sa restroom," naisagot sa akin ni Cindie.

 Hindi na ako sumagot sa kaniya, iniwanan ko na siya't naglaho patungo sa kinaroroonan ng dalaga. 

Nakabukas lang ang pribadong restroom na 'yon sa dulong bahagi ng first floor kaya naman dirediretso akong nakapasok. 

Nakahiga na ang babae sa malamig na tiles ng palikuran. Nagkalat ang mahaba niyang damit sa papag na siyang nagsilbing sapin niya. Nakapikit ang mga mata nito na, gano'n naman talaga dahil 'yon ang epekto ng kaniyang nainom.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status