Share

CONTINUATION

CONTINUATION

DACE KAIRON's POV

 LUNCHTIME ay pumunta kami sa headquarters ng DWWG. Ako, si Jayeib at Wexan. Kami ang Deadly Wishful Wing Gang. Kami ang nangunguna sa ganster arena.

Balak ko pa sanang asar-asarin si Gael, Gael ba yun? Ayy basta yung babaeng panget kahapon, kaso mabilis itong nawala sa room. Saan kaya yun pumunta?

Nandito kami ngayon sa HQ para makibalita sa kung anong meron sa GA. At si Jayeib ang magaling dun kaya siya na ang bahala. 

Habang nakaupo ay hindi mawala sa isip ko ang malalamig na tingin na laging ipinupukol sa amin nung nerd.

I wonder how did she enter this school? Hindi ko pa naman siya nakikita, ni anino niya sa gangster arena. Mayroon ba siyang kapit sa school administration? 

Kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa habang kumakain, habang si Jayeib naman ay abalang nakatitig sa kanyang laptop.

"Tol, May naghahamon ng battle mamaya sa GA, papatulan ba natin?" Anas ni Jayeib habang nakatuon ang atensyon sa kanyang laptop. 

Gangster Arena, kung saan naglalaban-laban ang mga gangster para sa ranggo. Sa bawat laban, nakasalalay ang bawat buhay, kung hindi mo kayang lumaban at mahina ka, huwag mo ng balaking pumasok sa mundong yun, sa mundo kung saan kabilang kami.

"Rank?" Agad na tanong ni Wexan na abalang kumakain ng chips.

"Rank 7, tss may gana pa talagang maghamon." Mahangin na sabi ni Jayeib.

"Accept the battle, let's see what they've got." Banggit ko at kumain din ng chips. 

Napailing ako ng muling pumasok sa utak ko ang imahe ni Gael.

"Pero tol, sayang lang lakas natin dun. Eh sigurado naman ako na tayo ang mananalo dun eh." Sabi ni Jayeib habang sinasara ang kanyang laptop. Napaka hangin talaga ng isang toh. Akala mo naman kung sinong malakas, takot nga to dun sa nerd na yun eh.

"Huwag kang magpaka sigurado Jayeib. Madumi kung lumaban ang grupong yan." Pangangaral sa kanya ni Wexan.

"Hindi naman tayo makikipag palitan ng suntok at sipa eh. Una nating gagawin ay umiwas lang, kapag napagod na sila, tsaka na natin patumbahin." Suhestiyon ko. Nakita ko kung paano natigilan ang dalawa at tumango-tango pagkalaan ng ilang segundo.

Nakita ko naman ang pag ngisi ni Jayeib kay Wexan na seryoso lang namang nakatingin sa kanya.

"Ang talino mo pre, ikaw na. Idol na kita." Manghang Sabi ni Jayeib.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan hanggang sa biglang nagsalita si Wexan.

"That nerd is weird but at the same time, cool." He said that makes me look at him, kita sa mukha nito ang paghanga habang nagsasalita.

"Sinabi mo pa tol, the way she looks at us with her emotionless eyes, damn so cool!" Gatong pa ni Jayeib na ikinatahimik ko.

Let's see kung magmumukha ka pang cool sa mga susunod kong gagawin.

Ano nga bang gagawin ko?

"You're so quite Kai, anong pinaplano mo sa nerd na yun?"

"Wala." Balewalang sagot ko ngunit taliwas naman ito sa nais ng utak ko. 

Of course, I want to do something to that girl! She doesn't even say sorry.

"Let me remind you again Kai, once you did something bad to a person, the day will come doble ang balik nun sayo." Babala ni Wexan.

Sa aming magkakaibigan si Wexan talaga ang pinaka advance mag-isip, siya ang pinaka responsable, he acts like our big brother. The way he reminds us of what will happen to us if we do something bad, the way he comforts me and Jayeib. He is a best friend material, he never failed to amaze me with his words. 

But I won't back out now, I want that girl name Gaelie Anne Davonica to learn her lessons by messing with the leader of the deadly wishful wing gang.

Maybe it sound childish pero may isang parte sa utak ko na nagsasabing kailangan kong gawin ang bagay na binabalak ko.

"Wexan is right Kai, malay mo hindi lang siya ordinaryong nerd hindi ba?"

Dahil sa sinabi ni Jayeib ay muli akong napaisip. 

Paano nga kaya kung hindi lang siya isang ordinaryong nerd? Pano kung sa kabila ng mga makakapal na salamin na yun ay-

Napatigil ako sa pag-iisip dahil sa mga senaryong pumapasok sa isip ko.

"Let's not talk about that girl, ang pagtuonan niyo ng pansin ay ang rank 7." Pagtatapos ko sa usapan kaya wala silang ibang nagawa kundi ang bumuntong-hininga. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status