Tila yata at may namumuo ng masamang panahon! Este namumuong luha sa mga mata ng dalaga ng mga oras na iyon pero pinilit niyang kumalma.
“Tangayin sana ng malakas na ipo-ipo ang sakit na nararamdaman ko ngayon pati na rin yong mga taong naghihiyawan dahil sa korni na proposal sa harapan ko!”
Naidagdag pa ni Maricor sa mga panalangin niya.
Napaisip nalang siya na korni ang proposal dahil super-duper bitter as in bitter pa sa bitter gourd talaga ang dalaga ng araw na iyo. Nasabi niya na korni kasi bitteret/ampalaya/apdo ng bangus at lahat ng mapait sa mundo ang nafe-feel ng dalaga.
May dala itong isang bouquet ng roses na kulay pink, white at orange. Bumaba ito sa hagdan ng stage at sumunod dito ang mga kasama niya na ngayon ay may bitbit nang placard at may nakasulat. Di gaanong mabasa ni maricor ang mga nakasulat na letra dahal nagkadeperensya na ang mata nito at kailangang icorrect ng salamin na sinusuot niya ngayon.
Mukha itong tutubi sa pinili ng kaibigan niyang design. Inilibre siya ng kunsolta at pagpapagawa ng salamin ng kaibigan niya na nasa maynila na ngayon bilang isang opthalmologist. Pabilog ang design ng eye glasses. Ang sabi nito ay cute at bagay daw sa kanya pero feeling niya mukha siyang jejemon, at heto na nga kaya’t medyo lumapit sila nila menchie ng kaunti sa gilid kung saan ang ibang batches ay nagsilabas sa tent nila at nagpapalakpakan. Sa wakas at nakita na niya ang mga nakasulat sa placard.
“WILL YOU MARRY ME KRISTINE?”
Yon ang nakasulat sa placard. Paulit-ulit niya iyong binasa. At paulit-ulit din na sumisigaw sa utak niya ang katotohanan na isa siyang talunan at sampal sa kanya ng kapalaran ang nangyayari ngayon sa kanyang harapan.
Mukha yata at nagkampihan ang lahat at winawarak ang sugatan niyang puso. parang nais na niyang maglaho.
Si Kristine naman ay hinatak ng mga kabatch nila at dinala sa gitna ng hall. Napaiyak pa ito.
“Duh! Ang arte!” ang paismid na sabi ni Menchie kasabay ng paghalukipkip ng mga kamay.
“Pssst ang bibig mo!” ang sita ni Jhojie sa kaibigan at sinulyapan si Maricor na hindi maitimpla ang facial expression pero halatang kino-compose ang sarili para magfing kalmado lang.
Ang papa naman ni Ariel na ngayon ay isa na sa mga may ari ng St. Claire ay kasama na ring pumapalakpak. Napaka-ingay ng mga tao sa loob ng hall. Si Kristine na dati niyang kaklase noong elementary at kabatch noong High School at College, na isa na ring ganap na Dean ng ICT department ang pakakasalan ng taong mahal na mahal ni Maricor.
“Shemay my heart! Parang aatekehin yata ako sa puso..Oh tadhana kung isa itong panaginip utang na loob gisingin mo ako!”
Ang sabi ng dalaga sa sarili. Tila siya naging tuod at nanlalamig. Hinawakan ni Lindsay ang kamay ng kaibigan at inakbayan naman siya ni Divine.
It was strange. Hindi niya alam ang nararamdaman ng mga oras na iyon. Dapat sana siya yon eh. Pero hindi. Gusto na niyang tumakbo at magwala. Wasakin yong mga placard. Pasabugin yong buong hall at rat-ratin ang mga naghihiyawan para sa dalawa. Pero hinawakan siya sa kamay ng napaka higpit ni Lindsay. Si Kristina at Jhojie ay lumapit na rin sa kanila.
“I deserve someone. Someone better… Someone like you Kristine. Please Marry me.”
Ang madamdaming sambit ng sambit ni Ariel.
“You deserve someone. Someone better at si Kristine yon. Kristine, ikaw ang para kay Ariel.”
Paulit-ulit itong sumisigaw sa utak ng dalaga. Tila mangingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata.
“Yes! Oo naman papakasalan kita. Mahal na mahal kita love.”
Ang sambit naman ni Kristine sa nakaluhod na si Ariel. Dahil doon ay naghiyawan ang mga tao sa hall. Lahat yata ay kinikilig maliban sa limang magkakaibigan na nagpunta na sa tent.
Nang mga oras na iyon ay nais na niyang magpalamon sa lupa.
“Ouch ang sakit… Para akong binuhusan ng asido sa mga narinig na litanya ni Ariel kay Kristine.”
Ito ulit ang naisip at nasabi ng dalaga sa sarili.
"Sana bumagyo at magka tidal wave at tangayin sana kayong dalawa!"
Ang nais niyang isatinig ngunit nag-aya na ang mga kaibigan.
“Sis tara na jombagin at paslangin este tadtarin na natin ang lechon!”
Ang excited paanyaya ni Jhojie sa kanilang magkakaibigan ang nagpabalik sa huwesyo ni Maricor. Pinilit pinasigla ng mga kaibigan nila ang tinig para lang madivert ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
“Ikaw talaga Jhojie, kahit kaylan napakasiba mo talaga sa pagkain. Kanin aka pa eh parang di ka mo manlang nakakalahati ang beer mo at narito ka nanaman at wow the best ka talaga friend! Pumamangas ka na ng balat nong lechon.”
Ang pang-aalaska ni Menchie sa isang kaibigan sabay naghalakhakan silang lima para lang mai-divert ang nararamdaman ng kaibigang si Maricor.
“Tara na nga ng makapangas na rin ako ng balat ng lechon!.”
Ang pag-aaya nito sa mga kaibigan. Hinamig na niya ang sarili at pilit na ring pinasigla ang boses para di na sila mag-alala.
Mabigat man sa loob ng bawat isa ay pilit silang naging casual na magkakaibigan ng gabing iyon. Napakasaya ng gabi at bumabaha ang pagkain at inumin sa bawat tent. Pero si maricore nilasing ang sarili. At nagulat pa ang mga kabatch nila ng tinadtad nga niya ng bonggang-bongga ang lechon.
“Ikaw ba maricor ay may galit sa lechon at bakit parang hindi na namin kaylangan pang nguyain ito.”
Si Jonathan, ang isa sa mga bad boy noon sa klase na ngayon ay isa nang magiting na pulis. Hindi sila makapanila sa nalaman na pulis na ito dahil nga gangster ito noon.
Paano ba naman na hindi magreklamu ang mga kasama eh ilang beer ang nilaklak niya ng gabing iyon habang nagtatadtad ng lechon. Wala na siyang pakialam. Ang mabuhay ang priority niya.
“Masarap mabuhay. At mas masarap pag may kabiyak kang kasama. Ang sigaw ng puso niya. Pero paano naman kung dahil doon. Mamamatay ka?”
Ang ganti naman ng isip ng dalaga.
Isasarado na niya ang puso. Minsan lang naman siyang nagmahal. For the very first time.
Yon nga ang sabi sa isang quotes na nabasa ng dalaga.
"It is better to love and to be loved than to have never loved at all."
“Pero bat ganon?”
“Bakit tila yata masheeeket?”
PASURAY-SURAY at halos nakakapit na sa pader ang dalaga habang naglalakad papuntang powder room ng Orange Club Paradise sa isla ng Boracay. Umiikot na ang kanyang paningin at gusto ng bumagsak ng kanyang katawan sa sahig at doon na lang humiga.“Yes! Yes! I’m very much okay.”“Don’t mind me. Thank you!”Ang sunod-sunod na sabi ng dalaga na nag thumbs up pa sa isang bouncer na lumapit para alalayan siya.Umiral nanaman kasi ang defense mechanism ni Maricor at mabilis na hinarang sa pamamagitan ng pagtaas ng dalawang kamay at pag-wave na ipinakita sa papalapit na bouncer.“Sigurado po ba kayo ma’am?” Ang concern na tanong ng bouncer.“Yes, 100 percent kaya ko. Malakas to!” Ang sabi pa ni Maricor habang nakatukod ang isang kamay sa pader at ang sa kabila naman ay nagdemo na nagpapakita ng muscle sa kanyang kamay na tila siya talaga at super strong.Pasado alas diyes na ng gabi at kanina pa nagsimula ang annual Love Boracay sa Isla. Apaka-uingay ng paligid at punong-puno ng tao ang bawa
“Okay lang sabi ako!” Ang naiinis na sabi ng dalaga at may pasigaw pa. Inalalayan pa ang ulo ng dalaga para maihiga sa kulay red na carpeted na sahig ng hallway. It was strange. May naamoy siya. Familiar ang amoy na iyon. Actually, parang may naalala siya sa pabangong iyon. Amoy vanilla na medyo pomelo na medyo kape. Basta kakaiba. Masarap sa ilong. Nakakakilig. Nakakainlove. Yon ang description niya sa scent na iyon. Nang maimulat niya ang mga mata ay blurred na ang kanyang nakikita. Pero, she felt the warm, and she felt that she is safe. Blurred na blurred na ang nakikita niya sa paligid hindi lang dahil sa kalasingan kundi dahil sa dim light na mayroon ang hallway. Kanina ng magpunta ang dalaga sa comfort room bago pa magpakalasing ay hindi pa iyon madilim. Ngayon ay napakadilim na. Nahulog pa ang suot niyang salamin. Di na niya maaninag kung sino ang mga nakakasabay niya o nakakabonggo pero naaninag niya na matangkad ang taong ito, medyo mahaba ang buhok at mabigote ang mu
“Sir Ycon tumawag po ang taga-police station. Magpapaareglo daw sana ang mga nanggulong guest kanina.” Ang sabi ng isa sa mga assistant ng binata. “Hayaan mo sila." At hinigop ang umuusok pang kape sa tasa. "Kung kinakailangan na matulog siya sa loob ng karsel ay matulog siya doon.” Ang mapaklang sambit niya at pumanhik na sa hagdanan at dumiretso na sa kwarto sa itaas para magpahinga. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman ng mga oras na iyon. Galit siya dahil sa nangyari 8 years ago. Pero nang makita niya ito kaninang umiiyak ay nandoon pa rin ang fondness niya dito. Kakarating niya lang from US. Hindi siya dumeretso ng uwi sa kanilang mansion sa manila. Tinatamad siyang makipag-usap o makipag-kumustahan sa kanyang mga magulang at sa mga kapatid. After that insident ng magpakasal ang ate niya na si Jean ay lumayo na ang loob niya sa kanila. Imbes na sana ay okey na ang lahat at nagpakatino na siya ay ganun na lang ang pagkasuklam niya sa mga nalaman. He builds a strong and th
“Hindi pa maanghang.”Ang sabi ng binata sa chef nila nang tikman niya ang buffalo wings na niluto nito para sa order ni Hannah.“Sir, napakaanghang na nito.”Katwiran ng Chef sabay tikim at napaubo pa ito sa nalasahan.Napansin niyang kumukunot na ang noo ng chef pero sinunod pa rin ang sabi niya na dagdagan ng extra hot sauce ang buffalo wings.“Bro, anong ginagawa mo dito? Let me guess, wag mong sabihin na may balak kang maging chef o di kaya gusto mong magpa impress sa mga chicks?”Ang gulat na tanong ni Pocholo sa kaibigan.“The best way to a woman's heart is through her stomach daw kasi.”Ang pabirong sagot naman ni Ycon sa kaibigan.“Lintik na! Naloko na! Sino ang malas na babae?”Ang excited na tanong ng kaibigan nito.“Mamaya bro makikita mo.”Ang tipid na sabi nito at ngumisi ni Ycon sa kaibigan.Nang mapansin kasi ni Pocholo, ang isa niyang kabarkada at co-owner din ng kanilang hotel/resto-bar na nandoon pala ito sa loob ng kitchen ay agad itong nagulat dahil mag-dadalawang
Muntik pang halikan kanina ng binata si Maricor. Kulang na nga lang ay kaladkarin niya ito at kidnapin nalang. Pero nasuntok siya nito at sapol sa panga. Medyo masakit. Napaisip siya kung ganun din kaya ang pagkakasuntok niya sa pinsan nito noong nagkalaban sila at nalumpo ang pinsang si Ellah? Pasalamat siya at unti-unti nang nakakalakad ang pinsan ngayon pero nandoon pa din ang hinanakit ng binata sa mga ginawa ni Maricor. Mas nangibabaw pa rin ang galit ng binata at pinabitbit niya papuntang police station kanina.Nahiga na muna ang binata sa kanyang kama at napatitig nalang sa kisame ng kanyang kwarto. Naalala niya ang mga pangyayari kung paano sila unang nagkakilala ng dalaga.Flashback…Kasalukuyan siyang nakikipaglampungan sa babaeng anak daw ng presidente ng home owners sa village nila ng buksan ng kanilang kasambahay ang pinto. Nagulat pa ito sa mga nakita at agad tumalikod.“What the hell!” ang bigkas ng binata dahil sa pangdidisturbo ng kasambahay.“Inay ko po, pasensya na
“Naku Juskooolooooord! Hindi pa ako puwedeng mategy! Paano nalang ang sambayanang pilipinas kung wala akong maiaambag sa bansa!” "Ayaw ko pang mag-disappear sa mundong ito na virgin!" Ang sambit ng dalaga sa isipan at tumakbo ito para di siya mahagip. Pero dahil sa pagtakbo ay nalaglag yong mga cake niya. “Yong mga cake waaaaait!” Parang eksena sa telebisyon ang mga nangyari ng mga oras na iyon. Nakatawid nga ang dalaga sa kabilang daan pero ang mga inorder na cake ay hindi nailigtas. “Nasave ko nga yong self ko pero yong mga cakes para sa mga bata ay hindi…. Paano na? huhuhu.” Ang sabi pa nito sa sarili at para nang maiiyak. Tumakbo naman ang mga enforcer para patigilin yong may ari ng ferrari. Tumigil nga ito. Oh shemay! Lumabas ang napakatangkad na lalaki. Mukha itong artista. Nakashades pa ito ng kulay itim. Mukhang bad boy ang kilos at tindig. Nakasuot din ito ng leather jacket at T-shirt na kulay puti sa loob, naka itim na pantalon at black leather shoes na parang boots
Kung hindi lang mahal ng binata ang ate nito ay hindi niya ito pagbibigyan. Isang buwan palang ang nakakalipas ng dumating ang binata dito sa Pilipinas ay kinaladkad na siya ng mga pinsan at kapatid dahil nga aattend daw sila sa post-grad-celebration. Pinsan ng boyprend ng Ate niyang si Jane ang may celebration at sa paborito nilang bar ito gaganapin. Ayaw sana nitong sumama dahil mas gusto nitong magbabad sa loob ng bahay at tawagan ang mga kaibigan para mag chill o kaya ay makipagdate siya kay Cooleen, one of those women na nagkakandarapa na maka-date niya. Kanina ay nahuli pa siya ng kasambahay na nakikipaglampungan sa anak ng president ng home owners sa village nila. Tinakot niya naman ang probinsyanang kasambahay na wag magsusumbong dahil papalayasin niya ito.Masaya na siya ngayon na nakikita ang ate niyang parati nalang nakangiti. Nagpapasalamat siya dahil nakamove on na ito sa 5 years relationship niya sa kanyang ex. Ang ex nito na pasikreto niyang ginantihan noon. Sinunog l
“Hello nanang Pilar?” Si Jean iyon ang kapatid ni Ycon. Tumawag ito sa isa sa mga katiwala ng pamilya nila sa mansion sa city of pines. “Ay hello anak bakit ka napatawag?” Ang nag-aalang boses ng mayordoma ang nagpatawa sa dalaga. “Wala naman po. Sasabihin ko lang po sana na pupunta kami next week diyan. Kasama po ang pamilya ng nobyo ko. At halatang kinikilig pa ito.“Ha? Totoo ba? Yong bago ba yan?” Bakas sa tinig ng mayordoma ang kasiyahan sa dati niyang inaalagaang dalaga. “Opo nanang.” Ang excited din niyang sabi.“Oh sige maghahanda kami. Teka nagkakaproblema pala sa karne dito sa Baguio. Maaari ba ineng na ang mga tauhan nalang diyan sa maynila ang mamili? Ang farm sa Benguet ay nagkaproblema din daw sabi ni Pakito dahil tumama nanaman ang virus sa mga alagang baka at mga manok.” Ang paki-usap naman ng mayordoma. “Sure po nanang. Ipapakilala po kita sa kanya pagkadating na pagkadating namin diyan.”“Sis tanungin mo nga si nanang kung kaylan niya hihiwalayan si tatang Pakito