Kung hindi lang mahal ng binata ang ate nito ay hindi niya ito pagbibigyan. Isang buwan palang ang nakakalipas ng dumating ang binata dito sa Pilipinas ay kinaladkad na siya ng mga pinsan at kapatid dahil nga aattend daw sila sa post-grad-celebration. Pinsan ng boyprend ng Ate niyang si Jane ang may celebration at sa paborito nilang bar ito gaganapin. Ayaw sana nitong sumama dahil mas gusto nitong magbabad sa loob ng bahay at tawagan ang mga kaibigan para mag chill o kaya ay makipagdate siya kay Cooleen, one of those women na nagkakandarapa na maka-date niya. Kanina ay nahuli pa siya ng kasambahay na nakikipaglampungan sa anak ng president ng home owners sa village nila. Tinakot niya naman ang probinsyanang kasambahay na wag magsusumbong dahil papalayasin niya ito.Masaya na siya ngayon na nakikita ang ate niyang parati nalang nakangiti. Nagpapasalamat siya dahil nakamove on na ito sa 5 years relationship niya sa kanyang ex. Ang ex nito na pasikreto niyang ginantihan noon. Sinunog l
“Hello nanang Pilar?” Si Jean iyon ang kapatid ni Ycon. Tumawag ito sa isa sa mga katiwala ng pamilya nila sa mansion sa city of pines. “Ay hello anak bakit ka napatawag?” Ang nag-aalang boses ng mayordoma ang nagpatawa sa dalaga. “Wala naman po. Sasabihin ko lang po sana na pupunta kami next week diyan. Kasama po ang pamilya ng nobyo ko. At halatang kinikilig pa ito.“Ha? Totoo ba? Yong bago ba yan?” Bakas sa tinig ng mayordoma ang kasiyahan sa dati niyang inaalagaang dalaga. “Opo nanang.” Ang excited din niyang sabi.“Oh sige maghahanda kami. Teka nagkakaproblema pala sa karne dito sa Baguio. Maaari ba ineng na ang mga tauhan nalang diyan sa maynila ang mamili? Ang farm sa Benguet ay nagkaproblema din daw sabi ni Pakito dahil tumama nanaman ang virus sa mga alagang baka at mga manok.” Ang paki-usap naman ng mayordoma. “Sure po nanang. Ipapakilala po kita sa kanya pagkadating na pagkadating namin diyan.”“Sis tanungin mo nga si nanang kung kaylan niya hihiwalayan si tatang Pakito
“Nanang Gina, mamayang madaling araw dadaanan po siya ng ate ni Baste. Paki-ayos nalang po ang mga gamit na dadalhin niya.” Ang bilin ni Jean at nagpaalam na sa mayordoma. Magkausap ang ate ni Ycon at ang mayordoma ng mansion nila. Tumawag ang matanda sa babae para ireport ang nangyaring kumosyon kanina sa labas. Wala ang mga magulang ng magkakapatid dahil parating nasa ibang bansa for business trip. Ang tatlong babaeng magkakapatid at ang nag-iisang bunso kung sa totoo lang ay ang matandang mayordoma ang halos nagpalaki at itinuturing na pangalawang ina ng mga Lee. Sa apat na magkakapatid dalawa na ang may kanya-kanyang asawa. As usual it was a fix marriage. At yon ang ikinagagalit ni Ycon sa sarili niyang pamilya. Ang tao sa mansion nila dito sa maynila ay ang ate niya nalang na si Jean na busy din sa pamamahala ng negosyo at ang ilang mga kasambahay, driver at guards. Alas dos y media pasado ng madaling araw ng dumaan ang isang ate ni Baste sa mansyion ng mga Lee. Nalula pa ito
“Gago talaga itong bakulaw na to. Kapal talaga ng mukha. Di daw ako maganda at seksi. Eh ano naman? Tsaka di ako kagaya ng mga babaeng matitigan lang siya ay malalaglag kaagad ang panty. Haist nakakainis. Mukha itong ewan at lakas ng apog. Nakakainis. Nasobrahan sa kagwapohan at yaman pero kinulang naman sa kabaitaan at kabutihan.” ang pasimple pero nanggigigil na bulong ng dalaga sa sarili ng bumaba na siya nang makapag park ang lalaki ng sasakyan.“Hoy manang ano nanaman ang binubulong-bulong mo diyan?” Ang paninita ng binata dito.“Wala. Teka yay listahan ka ba?” ang tanong ng dalaga sa kanya. “Anong listahan?” Ang nakamaang na tanong nito.“Listahan. As in listahan ng mga ipapamili natin ngayon.” Ang naiinis na tinig ng dalaga.“Wala. Card lang meron ako pero listahan wala.” ang pasarkastikong tugon niya.Napasapo nalang ang dalaga ng kanyang ulo. “Saan ka ba naman makakita na card ang gagamitin mong pambayad sa ipapamili mo sa palengke?” Ang naghehisterikal pang tanong ng dala
“Boss ayaw magbigay. Matigas talga ang matandang Lee.” Ang narinig na sabi ng binatilyo sa isang armadong lalaki at kausap ang boss nito. Ang boss na may dahilan kung bakit siya ngayon ay may piring sa mga mata at nakatali pa. Halos di na rin siya makagalaw sa sobrang sakit ng kanyang katawan. Kung susuriin ay may mga gasgas siya sa mga braso at may ilang pasa sa katawan. Pilit kasi siyang nanlaban sa mga tauhan ng lalaking nagpakidnap sa kanila ng kakambal niya. Mas lalo pa siyang nagalit ng paggising niya kanina ay wala na ang kapatid at hindi niya alam kung saan ito dinala. “Ate, ayaw daw magbigay.” Narinig niya pang may kausap ulit ang isang lalaking kumidnap sa kanila. Kung pagbabasehan ay isang babae ang kausap nitodahil tiinawag itong ate at parang pamilyar sa kanya ang boses ng babae pero hindi niya matandaan kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon base sa lakas ng boses nito.“Punyeta naman Donny! Ito nalang ang alas natin. Pero kung wala hala idespatsa na itong isa.”
“Haleer hindi ako choosey, excuse me! I’m just protecting myself!” Nakataas pa ang isang kilay ng dalaga habang sinasabihan niya ang kausap sa cellphone."Sige na, pansinin mo naman yong tao. patay na patay daw sayo." Ang sabi naman ng nasa kabilang linya at maririnig na humahalakhak pa ito.“Ayaw ko! Kung gusto mo sayo nalang!”"Grabe ka naman pinsan."“Over my dead but delicious body! Ayaw ko!”Giit ng dalaga. "Sige ka, may miyembro nanaman ng kulto ng SMP ngayong disyembre."“Okay lang na maging miyembro pa ako ng SMP o Samahan ng Malalamig ang Pasko basta ayoko! Kung gusto mo ipakilala mo kay Agnes, para masiyahan naman ang bruha!”“Goodbye!”Ang sunod-sunod na sigaw ng dalaga sa kanyang kausap sa kabilang linya.Napatawa pa ang kausap dahil alam nito na namumula na ang dalaga sa sobrang inis. Hinahapo at nangagalaiti ang dalaga at tinanggal ang suot na bluetooth speaker sa taenga para makapag-pukos siya sa pagmamaneho. Kanina pa siya tinatawagan at kinukulit ng isang pinsan ni
Nang mai-announce nga ng emcee na nanalo ang batch nila Maricor kahit pa sabihing natalo sila sa larong harina relay ay dali-dali siyang tinawag sa taas ng stage para ibigay ang premyo. Kaagad namang umakyat ang dalaga sa entablado at nakipabiruan pa siya sa emcee. Isa din sa mga naging kaibigan niya noon at naging co-faculty."Ma'am Zaavedra, ano naman ang naging source of energy mo at bakit mo nabuhat ng bonggang-bongga si Menchie?"Ang naloloka at maarteng tanong ng baklang emcee.Sinagot naman siya ng dalaga ng pahalakhak."Simple lang sir Albert, prayers, 3 bottles of flavored beer and you. Charrooot!"Grabeng halakhakan ang nangyari sa loob ng hall na iyon. Maging ang ibang batches at mga faculties and heads. Naloka ng husto ang baklang kaibigan at sinakyan naman ang joke ng dalaga."Ms. Zaavedra, wala bang magagalit ngayon dito sa hall na ito kung hahalikan kita?''Ang ganting sakay naman ng emcee."Ahm hindi ko alam. Pero feeling ko talaga galit siya. Dati pa."Ang makahulugan
Tila yata at may namumuo ng masamang panahon! Este namumuong luha sa mga mata ng dalaga ng mga oras na iyon pero pinilit niyang kumalma.“Tangayin sana ng malakas na ipo-ipo ang sakit na nararamdaman ko ngayon pati na rin yong mga taong naghihiyawan dahil sa korni na proposal sa harapan ko!”Naidagdag pa ni Maricor sa mga panalangin niya.Napaisip nalang siya na korni ang proposal dahil super-duper bitter as in bitter pa sa bitter gourd talaga ang dalaga ng araw na iyo. Nasabi niya na korni kasi bitteret/ampalaya/apdo ng bangus at lahat ng mapait sa mundo ang nafe-feel ng dalaga.May dala itong isang bouquet ng roses na kulay pink, white at orange. Bumaba ito sa hagdan ng stage at sumunod dito ang mga kasama niya na ngayon ay may bitbit nang placard at may nakasulat. Di gaanong mabasa ni maricor ang mga nakasulat na letra dahal nagkadeperensya na ang mata nito at kailangang icorrect ng salamin na sinusuot niya ngayon.Mukha itong tutubi sa pinili ng kaibigan niyang design. Inilibre si