Mas masahol pa sa hayop
Ang magkunsinti
Sa maling asal
Na ginawa ng isang tao
1913
Kalansing ng mga kubyertos ang maririnig sa buong hapagkainan.
"U-umalis na nga po pala si Adam noong isang araw... May ensayo po sila sa Amerika," pagpapa-alam ni Ate Clarita sa aming lahat.
"Kung gayon bakit hindi man lang s'ya nagpaalam sa'kin?" sagot ni ama.
Napatigil sa pagkain si ate. Ang katabi ko, si Isagani, ay napatingin sa kan'ya.
"Labis po s'yang nagmamadali dahil huli na raw po s'ya sa daungan, ama," aniya at nagpatuloy sa pagkain.
Ibinaling ni ama ang atensyon kay Isagani. Mukhang wala s'ya sa tamang timpla dahil sa inilahad ni ate.
"Hijo, bakit hindi kita mahagilap noong isang linggo?"
Tama si ama. Ni anino n'ya ay hindi ko nahagilap sa buong linggo kong pamamalagi sa
Ang pagibig ay hindi kailanmanMagiging marahas,Ito ay mapagubayaAt nagpapahalaga.1913.Naalimpungutan ako at napakamot sa mata.Tinanaw ko ang bintana at kumurap ng ilang beses.Nakarinig ako ng bulungan sa labas ng aking kwarto. Marahil iyon ay ang aming mga katulong.Maya-maya ay nakarinig ako ng malakas na sigaw kung kaya't napaupo ako sa kama."Kay Imelda ba ang boses na 'yon?" Tanong ko sa'king sarili.Nagsigawan na rin ang iba pang katulong, dahilan para lumabas ako ng kwarto at puntahan sila."A-anong nangyayari?"Nilapitan ko sila na nasa may pintuan ng aming hacienda."S-s-si binibining Clarita..." Ani Imelda habang nakatingin sa labas ng aming pintuan.Tinignan ko ang nasa harapan namin.
Balikan natin kung saanNagsimula ang lahatUpang sa gayo'yMagawa na nating bumalikSa pinagmulan.1913.Inangat ko ang tingin sa kaniya.Tahimik s'yang pumasok sa kwarto kung saan pwedeng magusap ang bisita at mga nakakulong.Mahigpit kaming binantayan ng mga sundalo at binigyang magusap ng kaunting minuto.Balisang umupo si Isagani sa'king harapan.Huminga muna ako nang malalim bago s'ya kausapin. "Kumusta ka? Maayos ba ang lagay mo rito?"Ilang segundo na ang lumipas ngunit hindi pa rin s'ya sumasagot.Ikinuyom ko ang nanginginig kong mga kamay. "M-magsalita ka naman," pinipigilan kong umiyak habang tinititigan s'ya.Nakatungo lamang s'ya at balisa."Nag-aalala na ako sa'yo... Alam mo bang tumakas ako sa'min kahit labag sa kagustuhan ni ama?"
Ang katapusanAy laging may simulaNgunit may mga simulangHindi na nakikita ang katapusan.1913."Hindi mo pa ba alam ang balita?""Anong balita?""Pumanaw na si Clarita, iyong magaling makipag-argumento sa propesor?""S-sandali! Wala na siya? Paano?""Ang sabi sabi, pinatay s'ya ni Ginoong Isagani ngunit bago iyon, ginahasa n'ya muna si Clarita.""Isagani? Hindi ba't si Catalina ang nobya n'ya? Nakatakda na ang kasal nila sa susunod na buwan 'di ba?"Tumigil ako sa pagkain sa kapiterya ng aming Unibersidad. Palagi na lamang bang ganito? Mababaliw na ako sa mga bulong nila. Animo'y bubuyog na nagpapasakit ng tenga ko!Pilit kong pinakalma ang sarili."Aalis na ako."Sapat na ang aking boses upang patahimikin ang lahat. Hindi sila makapaniwa
Ating balikan ang unang kabanata,Ang simulang walang katapusan.Tunghayan ang huling kabanata.Huling prosa sa kawakasan.1913NILIBOT ko muna ang tingin sa labas ng Unibersidad bago pumasok sa kalesa. Ito na ang naging tahanan ko sa loob ng 16 na taon. Salamat dahil natakasan ko kahit papaano ang problema ko ngayon sa buhay."Binibini, saan po ang inyong paroroonan?" tanong ng kutsero. Naipasok n'ya na pala ang maleta ko at handa ng paandarin ang kalesa."Sa daungan po papuntang Maynila." Inayos ko ang laylayan ng aking Trahe De Mestiza nang makasakay na sa loob.Kinuha ko ang isang kulay-kape na libro mula sa'king maleta. Napulot ko lang ito sa lamesa ng aming silid-aralan at nalimutan ko nang ibalik pa. Sinimulan kong tignan ang unang pahina ngunit blangko iyon, kaya dumiretso na ako sa ikalawa.&
Binigo ba natin si Lapu-Lapu?Si Jose Rizal?Andres Bonifacio?Anong magiging reaksyon nila kung mapupunta sila sa 2020?Nang dumating ang Amerikano noong late 1890's, nagkaroon ng oportunidad mag-aral ang kababaihan.Dumating ang barko, kotse at tren. Ang dating bahay na bato ay naging semento at bloke. At ang dating Baro T Saya ay naging Trahe De Mestiza at Terno.Paano kung ang isang babaeng lumaki sa mga nagliliparang kanyon at baril ay mapunta sa panahon kung saan maunlad na ang teknolohiya?
H'wag n'yong hayaanNa pagdating ng panahon,Sisihin kayo ng susunod na henerasyon,Dahil wala kayong ginawa.1913NGAYON NA ang huling araw na masisilayan ko ang Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños.Ngunit hindi ko tiyak kung ako ba'y lubos na masaya... dahil sa paguwi ko, isang problema ang sasalubong sa akin."Hanggang sa muli, Esmeralda. Magpakabait ka lagi, naiintindihan mo?" sabi ko sa kaibigan kong pusa. Pinangalanan ko s'yang Esmeralda, na ayon sa aking Propesor ay nangangahulugang 'Emerald', dahil kulay berde ang kanyang mata.Nilibot ko muna ang tingin sa labas ng Unibersidad bago pumasok sa kalesa. Ito na ang naging tahanan ko sa loob ng 16 na taon. Salamat dahil natakasan ko kahit papaano ang problema ko ngayon sa buhay."Binibini, saan po ang inyong paroroonan?" tanong ng kutsero. Naipasok n'ya na pala ang maleta ko at handa n
HistoryDoes not repeat itselfIt is men who never learnedFrom the pastWho repeat history2020, Disyembre 21"Alam mo ba kung ano ang pinakanakakatakot na mangyayari sa'yo?"Tandang-tanda ko pa noong magkasama kami ni Ina na tanawin ang bayan sa munting burol. Tandang-tanda ko rin ang kaniyang sagot."Ang mawala."Hindi ako nalagutan ng hininga, hindi rin ako nagkasakit at namatay... Nawawala ako.ZNawawala na ako sa panahong kinagisnan ko.Mabilis akong napalingon nang biglang lumitaw si Tiya Alondra sa hangin. Gulat man, pilit kong nikalasan ang loob upang magsalita. "B-bakit ako naandito?!" Inilibot ko ang aking paningin; simple ngunit eleganteng bahay, isang lalaking mahimbing na natutulog at iba na ang kaniyang katauhan.Hindi na ba ako si Catalina?"Hindi ka maniniwala kung sasabihin ko sayong idina
Ikaw?Gaano mo kamahalAng ating bansa?Kaya mo bang mamatayPara rito?O isa ka rin sa mga duwagKagaya ko?1898"Gaano mo ba kamahal ang ating bansa, Conrado, at nagagawa mong hindi ako sundin?" Nanglilisik ang mga mata ng aking ama habang hawak-hawak n'ya sa kwelyo ang aming Kuya, ang panganay at nagiisang lalaki sa magkakapatid.Tila ba nanlamig ang mga kamay ko habang nagtatago sa gilid ng pinto, sa kwarto ni Ama. Hating-gabi na at aksidente kong narinig ang pinaguusapan nilang dalawa."Mahal ko ang ating bansa... Kung kaya't nag-aral ako ng abogasya para ipaglaban ang mga naaapi, a-ama..."Lalong hinigpitan ni ama ang kuwelyo ni kuya. "Anong magagawa ng pagtatanggol mo kung mamamatay rin naman tayong lahat?!" Nanggagalaiting sigaw ni Ama. Lalo akong nagtago ng maigi upang hindi maputol ang kanilang pinaguusapan.Ano ba ang tinutuk