Ang isang magandang panaginip,
walang karugtong,
walang katapusan.
Kaya dapat,
hindi dinudugtungan,
para habambuhay na lang
na maging isang napakagandang panaginip.
1912
Isang taon na. Isang taon ko na s'yang sinusundan patago sa Unibersidad. At ngayon, naririto ako sa likuran ng malaking puno habang sinusulyapan ang paguusap ni Isagani at ng mga kaibigan n'ya.
"Balita ko ay kalahating taon ka nang ninanakawan ng tingin ni Paulina, hindi ka ba nagkakaroon man lamang ng interes sa kaniya?" tanong ng lalaki kay Isagani. Nakaupo sila sa damuhan at nagpapahangin.
"Tama si Alejandro, maganda s'ya at mabait. Huwag ka nang magpaka-torpe pa dahil tiyak na maraming nagbabalak na mangligaw kay Paulina," tatawa-tawang sabi naman ng isa.
Tumawa si Isagani. "Alam n'yo namang may naitatago akong pagibig sa isang Fernandez."
Nanlaki ang mga mata ng kaniyang kaibigan na si Alejandro. "Fernandez?! Sabagay, ikaw naman ay anak ng may ari ng malalawak na lupain, sila rin ay mayaman sa pagpapalawak ng negosyo. Ngunit sino roon sa tatlong babae? Marahil ay--"
"Manahimik na kayo, papasok na ako sa susunod kong propesor." Tumayo na si Isagani, napatingin s'ya sa gawi ko kung kaya't madali akong nagtago sa puno. Marahil ay kailangan ko nang bumalik sa aming silid.
Marami ang Fernandez sa aming bayan ngunit natitiyak kong ang aming pamilya ang tinutukoy ni Isagani. Ngunit sa tatlo sa amin... Imposibleng si Crustacia dahil s'ya ay sampung taon lamang. Sa amin ni Ate Catalina... Ay may siguradong napupusuan s'ya.
Mabilis, at malalaki ang aking hakbang patungo sa aking silid-aralan. Ngunit habang nasa pasilyo, napatigil ako nang marinig ang pangalan ni Isagani mula sa tinig ng isang Propesor. Napalingon ako sa silid na katabi ko lang. Kitang kita sa bintana ang mga mag-aaral na katulad ko, naroroon rin si Isagani at Ate Clarita.
"Mr. Isagani, you're late. Maybe you can share us the poem I assigned to all of you yesterday," anang ng Amerikanong propesor.
"Y-yes, sir..." Tumayo si Isagani at pumunta sa harapan ng kaniyang mga kaklase.
Her smile is as beautiful as sun,
It never sets when it shines,
She makes me laugh, for she's mine
Will never get tired
Until we're gone.
Para bang natunaw ang aking puso nang marinig ang maiksing linya ng kaniyang tula. Walang humpay sa pagkabog ang aking dibdib at lalo iyong lumalakas sa bawat segundong tinititigan ko s'ya.
Lalo s'yang naging makisig sa aking paningin, lalo na nang ngumiti s'ya dahil sa palakpakan ng mga kamagaral n'ya.
×××
"Maraming salamat, Ti--" pagkalingon ko ay bigla na lamang nawala ulit ng parang bula si Tiya Alondra. Matapos n'ya akong ihatid rito sa aming tahanan ay hindi na s'ya nagsalita pang muli.
Naiwan na lamang akong tulala sa kawalan dahil sa kaniyang isiniwalat. Ang magiging anak ni Sierra at Nathan ang pangalawang buhay ni Isagani... At kapag lumaki na s'ya ay s'ya mismo ang sasagot sa nawawalang hustisya gamit ang kaniyang natitirang alaala!
Ngunit... Hanggang kailan pa? Ilang buwan? Taon?
O hindi ko na s'ya makita pa dahil darating ang panahong babalik ako sa totoo kong tahanan...
Pero ngayon ay alam ko na ang sagot kung bakit ako ang napili na ipadala rito sa kanilang panahon; upang hanapin ang hustisya. Hustisyang ipinagkait sa akin ng mga taksil na Pilipino sa aking kapanahunan.
May taksil pa rin ba sa panahong ito? Na ipinipilit pagtakpan ang sarili sa kasalanang ginawa? May mga inosente pa rin ba sa panahong ito katulad ni Isagani... Na namatay nang walang paglilitis sa husgado?
Pagpasok ko ng bahay, umupo na lamang ako sa sopa, iniisip kung hihintayin ko ba ang panahon na isilang si Isagani at habulin ang oras papunta sa kasalukuyan... O ako na ang gagawa ng paraan para sa katotohanan?
Kay Sierra naman ang katawan na ito... Wala namang masama, hindi ba?
Birhen pa rin naman ako kahit mapag-desisyunan kong gawin 'yon.
Ilang minuto pa ang lumipas, nakarinig ako ng tunog ng sasakyan sa harap ng bahay. Ang kotse ni Nathan! Bigla akong kinabahan, hinintay kong makapasok s'ya rito.
"N-nathan," tawag ko nang makapasok s'ya.
Napalingon naman s'ya sakin. "Hmm? Okay ka lang? Bakit parang balisa ka at kakauwi mo lang?" Kunot noo nyang tanong. Hinubad n'ya ang amerikana n'yang suot at nilagay 'yon sa sopa.
"A-ayos lang naman ako..." Napaiwas ako nang tingin dahil kitang-kita na naman ang magandang hubog ng kaniyang katawan sa puting polo.
"Did you already eat? Magluluto pa ba ako?" tanong n'ya habang may tinitignan sa kaniyang selpon. "Maybe we can just order online, what do you think?"
Hindi ako makasagot, wala akong maintindihan. Ano bang sinasabi n'yang online?
"M-may sasabihin ako sa iyo, Nathan..."
Naagaw ko naman ang kaniyang pansin. "What's that?"
"Tungkol sa atin..."
"Then?"
Napalunok ako. "Nathan..."
"Spill it, come on."
"N-nais ko nang mag dalang-tao."
Hindi na ako nagulat pa nang malaglag n'ya ang kaniyang selpon, lalo na nang maiwan ko s'yang tulala sa pagkabigla.
×××
Dalawang araw pagkatapos kong sasabihin ang tungkol sa gusto kong mangyari. Pero tanging narinig ko na lang ang nasa isip n'ya.
'What. The. Heck. Is she serious?!'
Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya hanggang ngayong dalawang araw na ang nakakalipas, wala akong kibo sa kaniya. Kinakausap na lang n'ya ako kung magtatanong s'ya sa gusto kong pagkain, at kapag magpapaalam s'ya sa trabaho.
"Uh -- Sierra," tawag sa'kin ni Nathan pagkapasok ko ng kotse. Kakatapos lamang ng pasok ko sa William High School.
Tatlong araw na akong nagt-trabaho at ang masasabi kong magaan lamang ang aking ginagawa. Mauupo, magsasalita at bibigyan sila ng pagsusulit, katulad ng tipikal na ginagawa ng aming propesor noon. Walang masyadong gurong pumapansin sa'kin at iyon ang ipinagtataka ko.
"Bakit?" sagot ko kay Nathan.
Napakamot s'ya sa ulo n'ya. "Uh -- a-ano, kasi--"
"Ano iyon?"
Umiiwas s'ya ng tingin at parang naiilang. "S-sierra, uhm--"
Hindi na ako kumibo pa at tumitig na lang sa kaniya.
"C-can we... Go for a date?"
Ano raw? D-date? Lalabas kami?
"A-anong sabi mo?"
Nakaiwas pa rin sya ng tingin at mukhang nahihiya. "Ang sabi ko, kung pwede tayong lumabas... Para m-mag-date."
Umukit ang matamis na ngiti sa akin. Pareho sila ni Isagani, masyadong mahiyain. Hindi na ako magtataka kung bakit sa kaniya manggagaling ang ikalawang buhay ng minamahal ko.
×××
"Bakit ganiyan ang suot mo?" tanong ni Nathan.
Pagkauwi namin, nagpalit agad kami ng damit. At ang sinuot ko ay ang mga damit na madalas kong makita sa kababaihan ngayon, isang hapit na pulang blusa at paldang hanggang hita. Unang beses ko ang lumabas ng ganitong suot, hindi ko rin maiwasang mahiya.
"B-bakit? Hindi ba nababagay sa akin?" tanong ko.
'Sierra... What the heck. It's been a while when I saw her dress like this, but now... She's so damn hot, and sexy'
Napaiwas ako ng tingin nang marinig ang iniisip n'ya. B-bakit ganoon n'ya na lamang ako ilarawan?
"No... I mean, it suits you very well. Pero, p-paltan mo."
"A-anong ipapalit ko? Puro ganito lamang ang damit na naroroon..."
Bumuntong hininga si Nathan. "Hindi mo naman kailangang sumabay sa uso... You can wear some of those long dresses, I'll buy you many of that in mall too."
"Ganoon ba, salamat..." Tapos ay bumalik na ako sa aming silid at nagpalit ng mahabang damit.
Pagkatapos magbihis, sinundan ko na s'ya papasok ng kotse. Tahimik lang kami hanggang sa maka limang minuto ay nagsimula na s'yang magtanong.
"Kumusta naman pasok mo kanina? Napagod ka ba sa mga estudyante?" tanong ni Nathan habang diretso lang ang tingin sa pagmamaneho.
"A-ayos naman. Tahimik lang ang mga bata at masunurin. May isa nga lang roon na parang..." Natigilan ako. Ilang beses ko nang napapansin ang babaeng laging may nginunguya at hindi maganda ang pagupo.
"Mukhang natuturuan mo na sila ng Good Values, ah," pagbibiro ni Nathan.
"Tinuturuan ko sila katulad ng tamang asal ng kababaihan at respeto ng kalalakihan. Pinapangaralan ko rin sila ng tamang edad sa pakikipag-relasyon," sagot ko habang nakadungaw sa bintana.
Natawa si Nathan. "Really? You had boyfriends before 18 and then there you are teaching them not to?"
Anong sabi n'ya?
Napatigil s'ya sa pagtawa. "I'm sorry, I didn't mean it."
Mukha naman s'yang tapat sa paghingi ng tawad kung kaya't tumango na lamang ako. Hindi naman ako galit, sadyang hindi ko lang maintindihan ang sinasabi n'ya.
Pagdating sa sinasabi nilang 'mall', nagulat ako sa rami ng tao. Maraming paninda, at mas nagbabago ang sinasabi nilang teknolohiya. May mga bagay na hindi ko alam ang tawag.
Napatingin ako sa kamay namin ni Nathan na ngayon ay magkahawak na. Nagsimulang tumibok ang puso ko lalo na dahil hinawakan n'ya iyon ng mahigpit.
"Saan mo gustong pumunta?" Baling sa'kin ni Nathan at pinisil ang aking kamay. Napatingin lamang ako sa kaniya, hindi ko naman alam ang tungkol sa lugar na ito. "A-are you still mad?"
Ngumiti ako. "Hindi naman ako nagalit sa'yo, ikaw na lamang ang bahala kung saan mo gusto." Magaling talaga akong magpalusot!
Magkahawak pa rin ang mga kamay namin papunta sa isang tindahan ng mga damit. Agad n'yang tinignan ang mga mahahabang saya at damit na nakahilera. "Alin dito ang gusto mo?"
Binitawan ko ang kamay niya upang masuri ang mga damit na nasa harapan namin. May bulaklahin, simple at may iba-iba ang kulay. "Siguro ay ito," turo ko sa mahabang damit na hanggang tuhod, kulay-lila ito at malambot ang tela.
"Hmm, sige. Dagdagan mo pa," aniya at ngumiti.
"Uhh --" Bumalik ang tingin ko sa mga damit. "M-may pang simba ba rito? Belo?"
"Ma'am?" Nagtatakang tawag sa'kin noong babaeng tindera. Makapal ang kolorete niya sa labi at nakapuyod ang buhok.
"Sierra, you mean -- pants and blouse? Hindi na ganoon kauso ang belo sa pagsisimba," sagot ni Nathan.
Bigla akong nakaramdam ng hiya. "G-ganoon ba... Sige, p-pwede na ito," turo ko sa isang damit.
"Miss, this one too, and this." Tinuro n'ya ang iba pang mga mahahabang damit na nakahilera.
Pagkatapos namin mamili ng damit, napansin kong maginoo pala si Nathan dahil s'ya ang nagdala ng mga supot ng pinamili namin. Habang naglalakad kami, napansin kong marami ring magkasintahan ang bumibili ng kung ano-anong magustuhan nila. May masayang kumakain, may batang nagtatakbuhan.
Masaya naman pala sa panahong ito.
"Uh -- Sierra."
Lumingon ako kay Nathan. "Ano iyon?"
"M-may gusto ka bang gift?" Tanong n'ya sa gitna ng paglalakad.
Gift? Bakit naman n'ya tinatanong ang gusto kong regalo?
"Sabihin mo lang kung anong gusto mong regalo, malapit na ang birthday mo, 'di ba?" Ngiting tanong ni Nathan.
Kaarawan? Kailan naman ang kaarawan ni Sierra?!
"Sulat... Iyon na lang ang naiisip kong posibleng iregalo mo sa'kin sa aking kaarawan, dahil iyon ang nagpapahiwatig ng purong pagmamahal ng isang lalaki sa kaniyang minamahal."
Napatigil si Nathan sa paglalakad, ganoon rin ako. Tumingin s'ya sa'kin, 'Heck. How can she say that?'
"M-may mali ba sa nasabi ko?"
"Wala," ngumiti s'ya at parang pilit na binura ang iniisip n'ya. "I'll do whatever you want, let's go." Hinawakan n'ya ang kamay ko at nagpatuloy sa paglalakad.
×××
Pagkauwi namin, dumiretso kami sa aming silid dahil alas-nuebe na ng gabi. Kumain kami sa sinasabi nilang 'restaurant' at pumasyal sa 'mall'. Niyaya n'ya pa akong maglaro pero hindi na ako pumayag dahil hindi ko naman alam kung paano gamitin ang teknolohiya.
"Are you already full?" tanong ni Nathan pagpasok namin ng kwarto.
Tumango ako. "Salamat sa kanina, nawala kahit papaano ang pagod ko."
Binuksan n'ya ang lampara malapit sa kama. Ako naman ay naglakad papunta sa banyo ng aming silid upang maligo nang tawagin ako ni Nathan.
"Bakit?"
Lumapit s'ya sa akin. Tinitigan n'ya ako ng malalim, at tanging ilaw na nanggagaling sa buwan ang tanglaw upang makita ko ang maamo n'yang mukha.
"Thank you," mahina n'yang sabi at hinawakan ako sa baewang.
Nagsimulang tumibok ng mabilis ang aking dibdib. "Nathan..."
Hindi maputol ang titig namin sa isa't isa. Hanggang sa mapunta ang mga tingin n'ya sa labi ko. Dahan-dahan... Hanggang sa ilang sentimetro na lamang ang aming pagitan, palapit ito ng palapit, hanggang sa magtagpo ang aming mga labi.
Sa gabing ito, nag-isa ang aming mga puso. Umapoy ang nararamdaman namin para sa isa't isa. Ang bawat halik, at haplos ng aming katawan ang s'yang sinaksihan ng buwan.
Sa bawat luha,May ngumingiti.At sa bawat sakit,May nabubuhay.1912"Hwag mo na nga ako sundan! Nasaan na ba ang kahihiyan mo, Ginoo?" Inis na sabi ni Ate Clarita.Naka-tanaw lamang ako kila Isagani sa hindi kalayuan na ngayon ay lumapit sa kaniya upang sabay silang mag merienda sa ilalim ng puno. Ito ang madalas puntahan ng mga estudyante sa Unibersidad."Ngunit bakit? Heto na nga at sinasamahan kita, malungkot ang kumain mag-isa." Ngumiti si Isagani kay Ate Clarita at nagumpisang kumain.Si Ate Clarita naman ay nanatiling mailap sa kaniya sa hindi malamang dahilan. Ganito talaga ang ugali ng aking kapatid, malayo sa kalalakihan at masungit. Ngunit ang nakapagtataka ay parang noon lamang, malapit na s'ya kay Ginoong Isagani, ngayon naman ay parang gusto na n'ya itong isumpa."Pagkatapos ng nangyari kahapon? Ginoo, hindi magandang biro ang iyong ginawa! Alam mo n
Bakit ang mga namamatay lamangAng nagiging bayani,Bakit hindi pati ang mga taongNabubuhay sa pagdurusa,Dahil sa gobyernongMagnanakaw sa bayang sinilangan.1912"I-isagani..."Naistatwa ako sa tapat niya pagkabukas ko ng pintuan. Bakit s'ya naririto? Paano n'ya nalaman ang dormitoryo ko? S-sinundan n'ya ba ako?Napatingin s'ya sa loob ng aming dormitoryo, at napatitig sa isang malaking larawan kung saan naroroon kami ni Ate Clarita, ako at si Crustacia. Nilipat n'ya ang baling sa'kin saka nagsalita."Kung gayon ay ikaw pala ang isa sa kapatid ni Clarita, dapat ay maging mabait ako sa iyo," ngiting sabi ni Isagani.Ako naman ay nanatiling nakatitig sa kaniyang makisig na mukha. Wala man lamang bakas ng sugat ito, mapula rin ang kaniyang labi... Ngayon ko lamang s'ya nakita ng malapitan."B-bakit ka nga pala napunta rito...?" tanong k
Kung naniniwala kayongAng intensyon ng mga AmerikanoAy ang tulungan tayo,Pwes!Para kayong mga birhenNa naniniwala sa pagibigNg isang puta!- Antonio Luna, 1898 1912"Natutuwa akong malaman na ang dahilan ng aking anak sa paglipat ng Los Banos ay upang makita ang kaniyang matagal ng napupusuan. Catalina, hindi ka nagkamali sa pagpili,” nagagalak na sabi ni ama na nasa gitna ng aming hapagkainan.Kasalukuyan kaming naririto sa aming hacienda sa Maynila nang ibatid ni Don Emilio, ang ama ni Isagani, na nahuli kaming magkasama sa hardin ng Unibersidad. Ang aking mga magulang naman na si Dona Perpetua at Heneral Rogelio ay naniwala sa balitang iyon. Agad nila kamin
Ang sikreto ay parang sakit sa kaluluwa,Kinakain nila ang mabuti,At pinananatili ang kasamaan sa likod nito.1912TILA NATAWA ang lahat nang marinig ng mga magulang namin ang sinabi ni Isagani.“Pagpasensyahan niyo na ang anak namin, alam nating wala pa sila sa hustong edad para magpakasal sa isa’t isa. Marahil kailangan natin na iplano ang kasal sa katapusan ng taong ito,” ani Don Emilio at palihim na sinamaan ng tingin si Isagani.Napatango ang aking mga magulang. Samantalang si Isagani ay pinipigil ang nangangalit na mga ngipin, alam kong sa mga panahong ito ay gusto na niya kaming isumpa.“Sakto dahil labing walong taong gulang na si Isagani sa susunod na buwan, talagang itinadhana si Isagani para kay Catalina,” anang Dona Isabel, kita sa kaniyang mukha ang kagalakan.
Kung walang kurap,Walang mahirap.1912"A-ate," tanging naiwika ko. Inalalayan ako ni Isagani makatayo. Lumayo agad siya nang makita si Ate Clarita na may nagdududang tingin. "Paumanhin kung ganito ang naabutan mo, Binibining Clarita. Muntik nang madulas si Catalina kung kaya't agad ko siyang sinalo," ani Isagani. Hindi niya matignan ng diretso sa mata ang aking kapatid. Umarko ang kilay ni Ate Clarita. Nilipat niya ang tingin sa akin, kung kaya napalunok ako. "Hindi ba dapat nasa dormitoryo ka na?"
Ang kalahating kasinungalinganAt kalahating katotohananAy buo pa ring kasalanan.1919"Hayaan mo muna akong maipakita kay Clarita kung gaano ko siya kamahal. P-pakiusap, kahit isang buwan lamang. Pagkatapos niyon ay sasabihin ko na sa kaniya ang lahat," ani Isagani nang makausap ko siya noong isang araw.Isang linggo na ang nakakalipas...Bumuntong-hininga ako at sinara ang libro. Saktong tinawag ako ni ate Clarita na kanina pa naghihintay sa bintana ng kwarto namin."Sigurado kang matagal bago bumalik si ina at ama, Catalina, ha?" hindi mapakaling tanong ni ate."Opo, sigurado ako."Lumaki ang mata ni ate Clarita nang makarinig na may taong paparating sa ibaba. "Naandito na si Isagani!" Natutuwa siyang dumungaw sa aming bintana.Ngayong gabi, haharanahin ni Isagani ang aking kapatid. Planado na namin ito habang wala
Hindi ako natulogSa takot na magising akoUpang hanapin ang lahat ng itoSa isang panaginip1919"Totoo ba ito? Kung gayon ay nahuhulog na si Isagani kay Catalina!" masayang sabi ni ina.Tumawa si Dona Isabel, "Ako'y natutuwa para sa ating mga anak. Hindi na ako makapag-intay na ikasal sila."Nasa hapagkainan kaming lahat. Katabi ko si ate Clarita ngunit hindi ko maipihit ang tingin ko sa kaniya. Hatinggabi na at binalita ni Don Emilio ang nangyaring panghaharana raw ni Isagani sa akin."Ikakasal na pala sila," malamig na singit ni ate. Ibinaba niya ang kutsara at tumingin kay ama.Inangat ni Don Emilio ang tingin kay ate. Nangangambang baka anumang oras ay sabihin niya ang sikretong relasyon nila Isagani."Hindi ba nabanggit sa iyo ni Catalina? Sa tinagal ninyong magkasama sa dormitoryo ay
Hindi tayo hinihintay ng pagtanda,Tayo ang naghihintay sa kanila.1913Isang taon na."Hindi pa po ba nagpapadala ng liham si ate Clarita?" tanong ko kay Ina. Naka upo kami sa may bintana habang nagbuburda. Makulimlim ang kalangitan.Napatigil siya sa pagtatahi. Bumuntong hininga at tumingin sa akin. "Hindi ko mawari kung anong nangyayari. Tatlong buwan na tayong walang balita sa kaniya."Hulyo pa ang kaniyang huling liham. Kaarawan iyon ni ama. Nagbigay siya ng munting regalo pati na kay Crustacia. Labis ang pagtataka ni Ina nang kami lamang ang walang regalo noon."Kailan po kaya makakauwi si ate?"Ngumiti si Ina. "Marahil ikaw ay hindi na mapakali na ikasal kay Isagani," panunukso pa niya.Lumuwa ang aking mata at mabilis na umiling. "H-hindi po iyon ang aking ibi