Share

Chapter 3

My jaw almost dropped with his answer. Hindi ko hahayaang mangyari iyon at hindi rin naman ako mananatili rito ng matagal.

Wala akong tiwala sa kaniya lalo pa't hindi ko alam kung ano ang gagawin niya sa akin. He may be an alpha but he can't make me do what he wants even though he's hot.

Umalis na lang ako sa harapan niya at nagpunta sa library, nakita ko 'to kanina habang naglalakad-lakad ako, hindi ako palabasa ng libro, gusto ko lang talagang maghanap ng rason para maka-iwas sa kaniya.

A book suddenly got my attention, I can't understand the title because it's written in an unknown language but it's content is written in English.

Hindi ko alam kung bakit nakuha ng librong ito ang atensiyon ko gayong wala namang kabuhay-buhay ang kulay nito? Plain black lang naman ang cover pero parang may nagtutulak sa akin na basahin ito.

The most powerful creature, iyon ang mga nakasulat sa unang pahina.

Vaewolfves, a werewolf-vampires hybrid. Pale skin, red lips, and has an ability to change its appearance in either vampire, werewolf, or human. It often doesn't show in an early age, the creature will stay in a human like appearance until twenty- five, where they discover themselves in a blood moon.

They are four times powerful than alphas or vampire royalties. If a vampire can only have one power, vaewolves can have two or more of them.

Posible ba 'yon?  If it is, then it's amazing but also deadly. Nakasulat sa libro na sila ang pinakamalakas na nilalang na nabubuhay sa mundo at hindi ko alam kung bakit kinikilabutan ako sa mga nabasa ko.

I flipped it in the next page but I only saw a blank page, wala nang laman ang ibang pahina na para bang wala talagang nakasulat dito pero nararamdaman ko na meron, ngunit bakit nga ba tinatago ito ng mismong libro?

"What are you doing?" Napatalon ako sa gulat ng marinig ko ang baritonong boses ni Blade.

"Wala," sagot ko na lang at sinarhan na ang libro. His eyes widen just by looking at the cover of it kaya mas lalo akong nagtaka.

"Have you seen something in that book?" 

"First page lang" Sagot ko at kumunot ang noo ko nang mapansin na parang nagulat siya sa sagot ko. 

"First page?" Tanong niya na tila ba nagawa ko ang pinaka-imposibleng bagay sa mundo kaya napakunot ang noo ko.

"Oo, eto oh," Nilipat ko sa unang pahina pero wala na lahat nang nabasa ko. Nakita ko pa lang 'yon kanina! Panong nangyari na bigla na lang nawala? Hindi ko naman napunit dahil sobrang ingat kong hawakan 'yon.

"Saan na napunta? Nabasa ko pa lang 'yon kanina, bakit biglang nawala?" Pilit ko pa itong hinanap pero wala talaga, bigla na lang nawala nang dumating siya.

“What have you read? Tell me!" He grabbed my arms while shouting those words to me. Ano bang nagyayari sa kaniya?

"Get off of me, you jerk!" Gaano ba ka-importante ang laman ng libro para para maging gan'to siya kadesperado?

"Tell me first what you saw!" Curious lang ba talaga siya o may iba pang dahilan?

"Wala akong sasabihin sa'yo!" Sinipa ko siya sa gitna ng mga hita niya at tumakbo palayo sa kaniya ng mabilis. Mabuti na lang at hindi niya ako hinabol dahil kapag ginawa niya 'yon ay siguradong mahuhuli niya ako nang walang kahirap-hirap.

Nilock ko ang pintuan nang makapasok ako pero hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari, I was still puzzled on how he reacted.

How did it happen? I mean, the book, I'm hundred percent sure that the first page ain't blank, nabasa mismo ng dalawang mata ko ang nakasulat doon.

Ibig bang sabihin ako lang ang nakabasa nang mga nakita ko? Argh!!! His house was so mysterious just like him.

Ano nga ulit 'yon? Vaewolfves. I never thought that that creatures exists. A two powerful creatures combined. Then it's so dangerous.

"Open the door, Young lady." Literal na naestatwa ako nang marinig ko ang boses niya sa loob mismo ng utak ko.

Nababaliw na ba ako o talagang may nagsasalita sa loob ng isip ko? Shit! Dahil ba 'to sa libro? Oh hell! I think I'm gonna need to see a doctor or I'll get insane here.

"It's me, Blade. Open the door or I will break it." Bade? Pano niya nagawa iyon? 

Dali-dali akong tumakbo papunta sa pintuan para pagbuksan siya at nakita ko siyang nakatayo sa labas na tila naubusan na ng pasensiya.

"What are you doing? I kept on knocking at the door but you won't open it till I use our connection!" 

"Connection? How did you do that? Are you inside my brain to talk there? Oh, hell this is weird! Everything in here is totally weird." 

"It's a mate thing, okay?" Oh, yeah. Narinig ko na ang tungkol doon pero iba pa rin talaga kapag sa akin na mismo nangyari.

“O-Okay. Anong nga pala ang kailangan mo sa akin?"

"Nothing," sagot niya at iniwan akong nakanganga sa harap ng pintuan. Pagkatapos niyang kumatok dito para pagbuksan ko siya, sasabihin niya na wala siyang kailangan? I'll say this for the nth time but he's really weird.

Natawa na lang ako sa sarili ko sa mga nangyari. Natulog na lang ako dahil wala akong  tulog kagabi, kailangan kong bawiin ang lakas ko ngayon.

Teka... Ngayon ko lang naalala na kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang nangyari kagabi kapag nangyari ulit ngayon dahil parang mamamatay na ko kung hindi pa masasagot ang mga tanong ko.

Wala na naman sigurong mas lalala pa sa mga nangyari na 'diba?

Pinikit ko na lang ang mga mata ko. It's my birthday next month, my twenty-fifth birthday to be exact. Hindi naman talaga ako nagce-celebrate ng birthday. Hindi naman kasi importante na ipinanganak ako, kaya nga ako iniwan ng mga magulang ko, hindi ba?

I stood in the veranda, and the nature made me so in love with it. Maraming mga puno at ibon na lumilipad sa paligid.

Gugustuhin ko sana na tumira dito kung hindi siya kasama. Well, I'm not that bitter in love. Alam ko lang kung ano ang halaga ko at kapag alam kong masasaktan lang ako, mas mabuti pa na mag-isa na lang ako habang-buhay.

Am I selfish for that? Am I selfish for doing what's good for me? Well if yes, then I am.

If destiny lead me to him in the middle of running far from anyone else. Then it can also lead me to a different way where pain is included.

Hindi naman kasi ako nagkaganito dahil gusto ko lang. Tumatakas lang naman ako sa sakit na nakatadhanang maranasan ko dahil ang pagiging miserable na halos ang pagkain ko noon, I've experienced so much pain and it broke me everyday at pagod na ako... Pagod na pagod.

I never had a beautiful childhood because instead of playing just like every other child did, I am in a torture room, desperately crying for my life. Wanting to live and at the same time die to end my pain.

Araw-araw akong pinaparusahan kahit na wala naman akong ginagawang masama. How can a seven years old little girl deserve that? How can a sweet ang caring girl be a slave instead of being a princess?

Can you imagine a little girl tied in the basement where the torture room was, while crying? I just wanted to be happy but happiness is always running away from me....

Yes, I'm broke, inside and out. No one can fix me, and pain was the last thing that I'll welcome in my life. Sirang sira na ako at hindi ko na alam kung paano ko pa mabubuo ang sarili ko.

Now tell me, how am I selfish with that?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status