Share

Kabanata XLIV

Third Person's POV

Sa bahay ng mga Adalwolf kung saan ang lahat ay nagbalik sa dating ayos. Ang mga sirang kagamitan ay napalitan agad ng bago at nawala na rin ag mga mantsang nasa pader at sahig. Lahat ay nagbalik sa mga ginagawang paglilinis ng buong bahay habang si Fergus naman ay naka upo nang tahimik sa sala kasama si Lisencio, naghihintay sa pagdating ng mga ranggo.

"Malapit na sila." Saad ni Lisencio na siya namang pag tayo ni Fergus mula sa pagkaka upo sa sofa. Lahat naman ng katulong ay luminya upang batiin ang pagdating ng mga rango. Hindi pa man lumilipad ang isang minuto ay bumukas ang pinto nang malakas at isang malakas na hampas ng hangin ang bumulaga sa kanila.

Pumasok nang sunod-sunod ang mga ranggong may hindi kagandahang ekspresyon sa mukha. Kunot ang uno at umiigting ang mga panga, ang iba naman ay hindi maipinta ang mukha sa galit. Umalulong ang malakas na boses ni Norte sa loob ng bahay na siya namang nagpanginig sa mga katulong.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status