Share

Chapter 1: Plan

Kabanata 1: Plan

KUMUYOM ANG KANIYANG kanang kamay nang makita ang babae na pumasok sa kaniyang opisina. Ano na naman ang ginagawa ng babaeng ito sa opisina niya, na ganito kaaga?

His one hundred percent sure, that she is one of his flings. Isa na naman sa mga babaeng kinukulit siya.

Ang ayaw pa naman niya, iyong sinusuway ang pinaka-iisa niyang rule kapag tapos na ang kailangan niya rito.

"Do you remember my rule, bitch? My only one rule is so simple. 'I don't want an exemption. One night, and you'll leave. I don't give a serious shit relationship to a woman like you'," matigas niyang sabi rito nang makalapit na ito sa kaniyang pwesto.

Isang gabi lang naman ang kailangan niya sa babae at parang basura niya lang itapon ito. He's not Raxcer Vorex anymore. Raxcer Vorex, the good man before is totally gone.

He is not, Raxcer, but Ace Vorex, the bad man.

Parang iiyak na ang babae dahil sa sinabi niya. "Manloloko ka! Manggagamit ka lang pala!" sigaw nito sa kaniya, sabay sampal nito sa kaniyang pisngi.

Sinalo niya iyon, hindi na iyon iba sa kaniya. Ganoon naman palagi ang eksena na nangyayari sa kaniya. Kung kaya't, hindi na siya nagulat pa.

Ngumisi siya rito nang nakaka-asar. "I told you already last night. We just, fucked. No love, no money, no honey. Kaya, wala kang karapatan na mambintang sa akin na manloloko ako at manggagamit dahil aminin mo man o sa hindi, alam mo na sa simula palang na hindi ako seryoso sa mga relasyon na gusto mo. Now, you're free to leave my office!" inis niyang sabi rito habang tinitingnan niya ito ng masama.

"Magbabayad ka, Ace! Magbabayad ka! Pagsisisihan mo ang ginawa mong ito sa akin!" galit na galit nitong sigaw sa kaniya sabay labas sa opisina niya.

Umiling-iling siya at tinungga ang alak na nasa kaniyang mesa. A woman is always a woman, ang tanging hangad lang ay laman, pera, at sa isang tulad niya.

Napatingin siya sa pinto nang biglang pumasok doon ang lalaking mas matangkad sa kaniya at may kapareho niyang pares ng mga mata. Ang kuya Ramson Vorex niya. Ang pinakamatanda sa kanilang limang magkakapatid.

Sumunod sa likod nito ang bunso nila, si Zandro Vorex. Ngumiti ito sa kaniya nang nakakaasar.

Hinintay niya pang muling bumukas ang pinto ng opisina niya. Inaasahan niya ang pagsunod pa ng dalawa niyang kuya pero wala nang dumating.

Tumayo siya saka pinaupo ang mga ito na sa sofa ng opisina niya.

"You may have a sit, bro."

Umupo naman ang mga ito, ang kuya Ramson niya ang unang nagsalita.

"May pina-iyak ka na namang isang babae, Ace. Kailan ka ba magbabago?" nakakaasar itong ngumiti sa kaniya.

Bigla siyang nainis dahil sa sinabi nito. "Hindi na ako mag-babago," tiim-bagang niyang sabi rito.

Umiling-iling ito, mukhang nawalan ng pag-asa dahil sa sinabi niya. "Never mind, pumunta nga pala kami dito ni Zandro para iabot ito sa'yo. Ano bang kailangan mo sa babaeng iyan at pinaimbestigahan mo pa sa akin?" tanong nito sabay abot sa kaniya ng isang folder na puti.

Bigla siyang ngumisi, sa wakas natapos rin ang kaniyang mahabang panahon na paghihintay.

"Thanks for this, Kuya Ram. I will owe you for this and also you, Zaro."

Ngumiti sa kaniya si Zaro at sumalute pa sa kaniya. "No problem, Kuya Ace!"

"Hindi mo pa ako sinasagot, Ace. Ano na naman ang balak mo sa babaeng iyan? Sa ex girlfriend mo?" matigas nitong tanong sa kaniya. May diin sa ex girlfriend nitong salita.

Tumitig siya sa dalawa nang seryoso, "Before, I want her to love me. I want her heart, I want her attention, I want to claim her to be mine as my property. But she broke my heart. So, I need to get her heart again and break it like what she did."

Natagpuan na lamang niya na umiling-iling ang dalawa niyang kapatid dahil sa kaniyang sinabi.

Yes, he need to break the whole heart of Aurora Samontes. He'll break her heart like what she did to him before. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status