Share

The Bad Man
The Bad Man
Author: stoutnovelist

Simula

Simula

NANLULUMO SA isang tabi ang lalaki habang pinagmamasdan niya ang babaeng malaki ang tawa at ang ngiti. Hindi niya alam kung bakit nabihag ng magandang dilag ang puso niya. Basta isang araw sa kanyang paggising, mahal na niya ito.

Napangiti rin siya habang ang babae ay tawa nang tawa. Papalapit siya sa pwesto nito. Anniversary nila ngayon at susurpresahin niya ito para mapasaya niya ito.

Hindi niya alam kung paano niya nakuha ang matamis na 'oo' ng babae, ang importante ay sila na.

Hindi rin biro ang makipagbakbakan sa panliligaw sa babaeng mahal niya, makuha lang ang matamis na 'oo' nito. Pagod, pawis, at hirap ang dinanas niya para maging sila lang.

Iilang hakbang na sana ang hahakbangin niya para makalapit sa kaniyang babaeng minamahal nang may marinig siyang dumurog sa kaniyang puso.

Ang kaninang malaking ngiti sa kaniyang labi'y biglang naglaho. Ang kaninang inaasam niyang kaligayaha'y biglang nawala.

Ang kaninang masayang-masaya at galak na galak niyang puso'y namatay. Bakit ang bilis yata? Hindi ba siya karapat-dapat mahalin? Hindi ba siya karapat-dapat tanggapin? Bakit siya pinaglalaruan?

"Ang boyfriend ko? Hindi ko siya mahal, ginagamit ko lang ang talino niya para may taga-gawa ako ng assignments at mga projects. Ginagamit ko lang siya, hindi ko naman talaga siya mahal. Sa dinami-dami ba naman, ng lalaki na nanliligaw sa akin? Siya ang mamahalin ko? Si Geon, ang mahal ko 'no. Sawang-sawa na ako sa pag-mumukha 'nun, gwapo sana siya kung mag-aayos pero geek talaga. Saka hindi ko type ang isang tulad niya," narinig niyang wika ng babaeng minamahal niya sa mga ka-barkada nito.

Naibagsak niya ang hawak-hawak niyang bouquet of roses. Sapat na ang mga narinig niya, sapat na ang lahat para magising siya sa katotohanan.

Napalingon sa kaniya ang babae at ang mga kabarkada nito. Mulagat ang lahat ng mga mata nito habang nakatitig sa kaniya.

Bakit ganoon? Gusto niya lang maging masaya, ang gusto niya lang ay mahalin siya. Ang gusto niya lang maging sa kaniya ang babae. Ang gusto niya lang mahalin rin siya nito at bigyan ng atensyon. Pero, bakit? Bakit siya sinaktan nito? Bakit winasak nito ang puso niya? Hindi ba siya karapat-dapat na mahalin?

Bigla itong lumapit sa kaniya at nagpanggap na parang wala itong sinabi tungkol sa kaniya. Sorry, na lamang. Dahil, simula ngayon hindi na siya magpapakatanga.

"Thanks for everything. Now, I know. Salamat sa panloloko. Salamat sa panggagamit mo, salamat sa lahat ng kasinungalingan mo. Salamat dahil sinabi mo ang totoo, huwag kang mag-alala. Hindi na kita kukulitin. You will be free now, hinding-hindi mo na makikita ang pagmumukha ko na pangit. Tandaan mo sana na mahal na mahal kita," madamdamin niyang sabi rito.

Ngunit halata sa boses ang pagka-inis at galit para sa babaeng kaniyang minamahal.

"A-ano.."

Hindi na niya ito pinakinggan at tinalikuran na niya ito.

Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamay habang naglalakad papunta sa kaniyang kotse. Hindi mawala-wala ang pagmumukha ng babae sa kaniyang isip. Inis siyang pumasok sa kaniyang kotse.

"I'll promise, I will be back. I will be back to make your heart break into pieces. Ikaw rin ang papaibigin ko, at iiwan sa huli. Wait for my comeback. Because from now on, I will no longer be 'Raxcer Vorex'. From now on, I am 'Ace Vorex', a bad man," sabi niya saka pinaharurot ang kotse niya ng mabilis paalis ng university nila.

Sisiguraduhin niyang ipapanganak ang bagong Raxcer Vorex na good man. He is now Ace Vorex, the bad man.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Daphne Jeffries
Exactly? My a first and only language is English as I have never needed another language living in my Homeland Australia ...
goodnovel comment avatar
Irene
Why do you have an English title yet the body is in Tagalog.?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status