Share

Chapter 45

NAG-MAMADALI SIYANG lumabas ng kanilang silid. Dalawang araw narin ang nakaka-lipas noong naka-tulog siya sa bahay ni Patrick.

Nag-mamadali siya, hindi dahil may nag-hahabol sa kaniya. Nag-mamadali siya dahil may hahabulin siya. Hinahabol niya ang oras.

Nag-yaya kasi kanina ang ate Rose niya, na sasamahan niya ito na bumili ng materiales sa project nito. Tamang-tama naman, may bibilhin rin siyang mga materiales na gagamitin rin niya sa kanilang book report sa biology.

Lalabas na sana siya ng gate, nang higitin siya bigla ni Maurina. Hingal na hingal ito nang lingunin niya.

"Sama ako, sa inyo, friend. May bibilhin rin ako sa city mall, na materiales sa book report natin sa biology, eh. Pwede ba?" Tanong nito sa kaniya.

Agad naman siyang tumango dito. "Oo naman, halika na. Para, maabutan natin si ate kambal, sa labas. Baka kanina pa iyon nag-hihintay sa atin."

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status