Kabanata 33.1DIYOS KO.Mula sa sandaling iyon na narinig niya sa bibig ni Helios ang apelyidong dela Peña ay hindi na siya nagsalita pa. Kaya siya natahimik kanina nang banggitin nito ang pangalang Liza sa golf course ay biglang bumalik ang alaala niya sa panloloko ni Liza.What a very small world indeed! Ang kanyang kaibigan ngayon na si Helios ay nakakabit sa mga dela Peña through that woman, Avva.Para tuloy siyang hinihila na umiwas kay Helios ngayon, pero bakit naman? Ang unfair naman niya kung ganun ang kanyang gagawin. Wala namang kinalaman si Helios sa nangyari sa kanya. Nagkataon lang na naging magka-relasyon ito at ang babae na kapatid ni Avva.Hindi niya nakilala ang babae nang makita niya iyon sa interview. Sabagay, nababago ng pera ang mukha at katawan ng tao ngayon.Napalunok na lang siya ng laway sa pagkalito. Kaya pala napakasama ng ugali ng Avva na iyon dahil mana sa amang huwes na may baluktot na timbangan. Timbangan ng kasamaan sa halip na katarungan. Namamayagpag
Kabanata 34WEARING her full uniform, Odette is ready to go to Mindanao. Pumasok siya sa loob ng Royal Cervantes. Doon muna sila pinapupunta para malinaw na instructions. Baka alas otso ng gabi ay nakauwi na siya.Hila niya ang kanyang bag. Nasa taas na raw sina Ronnie, naghihintay. Sa first floor lang naman sila. Naroon si Lex na makakasama rin nila, at si Dixon of course.Diretso siya sa paglalakad pero tila may naramdaman siyang pares ng mga matang nakatitig sa kanya. Agad siyang lumingon dahil may tumikhim.She saw Helios, and the initial reaction of her heart was known.“Ganda,” anito kaya nahihiya siyang ngumiti.Nasa may poste lang ito at nakatayo, habang nakapamulsa. Lumapit ito sa kanya at kinuha ang dala niya. Humalimuyak ang amoy nito nang makalapit.“Are you ready now?” Tanong nito na pinagmamasdan siya.Tumango siya. Buong Maghapon ng Linggo silang magka-chat. Nagta-trabaho raw ito sa bahay pero kausap siya parati. Nade-delayed ito ng reply pero nagre-reply pa rin sa kany
Kabanata 35ODETTE felt so tired, though she enjoyed in Mindanao. Hindi magaan ang loob niya na kasama niya si Dixon sa loob ng barko, nakamata.Kanina sa banyo ay nakaabang iyon sa kanya, sa loob ng Royal Cervantes pero mabilis siyang umalis para hindi sila makapag-usap. Namatay ang lahat ng paghanga niya kay Dixon nang sandali na sabihin nun na parang isa siyang nilalang na mukhang pera kaya mas gusto niya si Helios.Helios is a persistent suitor, iyon ang kanyang napansin. Kahit na itaboy niya at iwasan niya, pilit nun na ipararamdam sa kanya ang gusto nun.“Kanina ka pa tahimik, a,” ani Yolo sa kanya nang sila ay makababa ng barko, “Parang ang tamlay mo. May problema ba, Det?”Sinabayan siya ng matatalik na kaibigan habang naglalakad sila. Hindi niya alam kung magsasabi siya sa mga ito.“Sabay ka ba sa amin?” Pag-iiba ni Yolo, na mukhang nakahalata na hindi siya makasagot.Kapag nakita na naman siya ni Dixon na kasabay si Helios, iba na naman ang sasabihin nun. Kapag naman umayaw
Kabanata 36.SA WAKAS ay nakatanggap si Helios ng tawag ka Nathaniel. Sinagot lang niya ang kapatid sa bluetooth earpiece habang nagmamaneho pauwi.“I was in the meeting with the surrogate. What do you need, Troy?”“Uncle Sigmund came over. He was congratulating me for this wedding whatsoever with Avva. Didn't you know that we already broke up? Bakit naman pati ako kasali sa deal mo kay Tito Fred? Di ba, Dad turned it down when you asked for his blessing? Bakit mo itinutuloy ngayon?”“At nagsalita ang matino,” sagot nito sa kanya kaya mainit ang ulo na bumuntong hininga siya, “At least ang minahan may kikitain. Ang frat mo ba, may kinikita?”“I don't care about your mine or your deal so stop mentioning my organization. I just don't want my name to be involved in your business transactions with Avva's father. That's the reason why you kept on telling me to be more patient with her,” he angrily said.“Damn it! At naniwala ka naman kay Uncle!”“And why not? Clear it to Frederick! I will
Kabanata 36.1ITINAAS ni Odette ang noo habang kaharap si Avva. Avva dela Peña, kapatid ni Liza dela Peña na nagdala sa kanya sa isang mundo ng kapahamakan.Napakaliit ng mundo na kahit nilisan na nila ng Lola Ely niya ang probinsiya ay nag-krus pa rin talaga ang mga landas nila dito sa Maynila.Nakatingin ito sa kanya, with a friendly smile now. Guni-guni ba niya ang nakita niyang iritasyon sa mga mata nito kanina nang makita siya?Napatigil kasi ito bigla at parang nagulat sa pagmumukha niya.Sinuri siya ng babae mula ulo hanggang paa. Naka-uniform ito, naka-palda na maikli, may necktie. Wala siyang dapat ikahiya rito.Sumulyap ito sa pinto na kanyang nilabasan. Hindi siya nito kilala na siya ang Odette na pinagsarhan ng ama nito ng pintuan, at ayaw na niyang balikan ang sandali na iyon.“Hi,” anito sa kanya pero hindi siya sumagot, “Nakatuloy ka pala. Masyado talagang maawain si Helios.”“Sobra,” sagot naman niya.“Excuse me,” ngiti nito, “He invited me here. Nandito na ba siya?”H
Kabanata 36.2“BAKIT ka nga pala galit, sabi mo kanina? Y-Yung kaninang umaga,” Odette asked while he was driving her and her friends back to the port.“It was my brother.” he replied with a sigh.“May kapatid ka?”“Elder. The eldest was an adopted son, si Kuya Harris. My real brother is Kuya Nathaniel. We fought last night.”“Bakit?”“He was putting up a quarry.”“Quarry, yung sa ginto?”“Uhuh,” tango ni Helios, “Now that Dad is gone, he's pursuing it. He was trying to deal with Avva's father for connections. Kasama ako sa binibenta niya, pursuing and announcing a marriage with Avva.”“At ikaw?”“Yeah,” tango niya saka ito sinulyapan.Hindi ito umimik pero hindi maitatago ni Odette ang kakaibang ekspresyon ng mukha nito, na para bang nasaktan.“I already ended our relationship. I see no reason why Kuya Niel has to connect me with those dela Peñas.”“Pero magkaibigan pa rin kayo ni Avva,” nito na tila mapait ang mukha.“Hindi na. Nangako na ako sa'yo na hindi na ako lalapit, after ng
Kabanata 36.3DAMN!Heto Na naman ang kalituhan ni Helios nang makalabas siya ng lift pero wala siyang natanaw ni dulo ng anino ni Odette.She said she'd wait for him outside his Dad's office. Nasaan na?Sumilip siya sa papuntang banyo pero wala na siyang matanaw na tao roon. May ilan na lang na empleyado sa Auditing department.“Sir?” Tanong ng emplayada sa kanya.“Hey,” aniya, “Did you happen to see a woman here, an intern?”“Iyon pong magandang bata?”“Yun na nga.”“Umalis na po, sir. Nakita ko po ay nag-hagdan paalis.”“Like how many minutes ago?”“Mga fifteen po siguro.”Shit.Did she intend to make him look like a fool? Maayos ang usapan nila kanina. Bakit naman bigla ay umalis iyon nang walang paalam sa kanya.“Kausap nga po ng Kuya niyo bago umalis.”“Kuya? Galing dito si Kuya?”“Opo. Tapos pagkaalis po ng kuya niyo ay umalis na rin yung bata.”Helios inhaled deeply and pursed his lips, “Thank you,” aniya lang.Naglakad na rin siya papaalis. Anong pesteng buhay naman? Posible
Kabanata 36.4HALOS mabaliw si Odette sa ospital. Dumadausdos siya sa pader habang umiiyak. Hawak niya, o mas tamang sabihin na yakap niya ang plastik na may laman na limang kwek-kwek.Hindi niya iyon magawang bitawan dahil iyon ang huling alaala ni Ammiry bago nabangga ng kotseng tila wala sa direksyon kanina. Nasa daanan sila ng tao kaya paano na umakyat ang sasakyan na iyon at tinumbok ang kanyang anak.Siya man ay natumba rin sa lakas ng impact pero nang marinig niya ang hiyawan ay para siyang natauhan.Mabuti na lang at ang mantika na natapon sa kanya ay hindi na mainit. Tapos, narinig niya ang salitang ‘bata’.“Anak…” Umiiyak na sambit niya saka umiling, “Hindi ko kaya, anak.”Wala siyang pakialam kung nililipasan siya ng mga tao sa pasilyong iyon. She was crying for her only daughter, her only wealth in this world, more than her dream.Sa mga sandaling iyon ay gumuho nang tuluyan ang kanyang pangarap. Parang wala na siyang lakas pa na magmulat ng mga mata kinabukasan. Gusto na