Share

Chapter 77

"Sino ba nagsabi sa iyo mangialam ka?" nagcross arm pa ako para malaman niya talagang hindi ako natutuwa sa ginagawa niya.

"Pinopormahan ka niya tapos gusto mo manahimik lang ako?" kita sa mukha niyang hindi siya masaya.

"Eh! Ano naman kung pinopormahan niya ako? Ano naman sa iyo?" sabi ko at nginuro ko pa ang mukha ko sa kaniya.

"Ngayon? Sabihin mo sa akin kung ano ako sa buhay mo?" wika niyang may ngiti sa labi niya pagkatapos niya akong halikan.

"Aira?" Liningon ko ang nagsalita. Pakiramdam ko sobrang pula na ng mukha ko dahil sa kahihiyan.

"Ah-eh! K-kanina ka pa ba?" natataranda kong tanong kay Nate.

Nakita niya kaya na hinalikan ako ni Miguel at hindi ko man lang ito sinampal. Ngumiti si Nate at nagsalita.

"Mauuna na ako, tuloy na lang natin ang date natin some other time. Mukhang may kailangan ka pang tapusin eh!" sabi niyang nakangiti sa akin. Lumingon naman siya kay Miguel nang tiningnan ko si Miguel mukhang siyang-siya ito.

Ngumiti lang ako kay Nate saka siya tuluyan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status