Share

Chapter 78

Maghapon akong nakatanga sa office dahil hindi ako makapagtrabaho ng ayos. Puno ang isip ko ng mga bagay tungkol kay Miguel Ice.

"Ano bang problema mo?" nagaalalang tanong ni Raven sa akin.

"Wala!" simpleng sagot ko.

"Anong wala? Mukha bang wala kang problema? Maghapon ka ngang nakaganyan lang na parang ang daming iniiisip? Ano bang iniisip mo?" paguusisa ni Raven.

"Wala! Hayaan mo na!" kinuha ko ang bag ko at akmang aalis ng may nagbukas ng pintuan. Sabay kaming napatingin. Sana pala hindi ko na tiningnan.

"Ikaw na pala agad iyan! Ang aga mo yata ngayon?" Nagtatakang tanong ni Raven sa bagong dating.

"Ganitong oras naman ako laging nasundo ah. Bakit mukhang naninibago ka?" sagot nito at lumapit sa akin. "Tayo na!" kinuha niya ang bag ko at dire-diretsong umalis. Hindi ko na nagawang magpaalam kay Raven dahil sa pagmamadali.

"Stop!" bulalas ko. Hindi ko kasi siya mahabol dahil sobrang bilis niyang maglakad.

"Bakit?" nilingon niya ako at binalikan. "Anong problema?" nagaalala n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status