Share

Chapter 2: KISS

ALEXIS POV

Nakalabas ako ng kwarto ni Colt na malakas pa rin ang kaba sa akin dibdib. Parang gusto ko nalang lamunin ako sa kinatatayuan ko kanina sa sobrang pamumula ng mukha ko na nahalata niya pa talaga.

"Ayan kasi Alexis lakas mo kasi mang-asar ng ikaw na ang inasar natalo ka." usal ko sa isip ko.

Nakahiga na ako sa aking kama pero di pa rin ako makatulog.Kahit anong gawing kong paikot ikot sa hinihigaan ko sumasakit na ang ulo ko.Kaya naisipan ko muna bumaba at uminom ng tubig at magpahangin muna sa labas malalim na ang gabi pero di pa rin ako dinalaw ng antok.

Nandito ako sa may pool area mas malamig ang hangin dito sa area na ito kita ang mga bituin.Sana naman makatulog na ako mamaya pagbalik ko sa itaas.Nakakawala ng bigat sa dibdib ang malamig na simoy ng hangin.

"Nay,tay kamusta na po kayo diyan,sana naman po lagi nyo po ako gabayan. Lalo na sa panahon na ganito." usal ko sa sarili ko.

"Can't you sleep?"  nabigla ako sa nagsalita.

"Oh,Rocky ba't gising ka pa"

"Tssshhh,, I asked you first."  sabi niya habang nakangiti .

"Hindi ba pwedeng magtanong na rin ako kahit nagtatanong ka rin?" at sabay kaming tumawa.

"Do you have a problem."

"Problem, syempre noh,kahit may pagkakalog ako may problema din ako.Wala namang tao na  walang problema eh."

"Yah, you"re right."

"Ikaw, bakit di ka pa natutulog?"

"Me?I don't know why I can't sleep."

"Wehhh,baka naman kasi may iniisip ka?"

Hindi na siya nagsalita kaya minabuti ko nalang magpaalam sa kanya na mauuna na akong umakyat.Iniwan ko siya sa may pool area siguro may iniisip lang siya kaya di siya makatulog.Baka marahil pagod sa trabaho di na nga siya nakabisita kay Colt simula nung siya muna ang namahala sa mga iniwan ni Colt na trabaho.Magbestfriend si Rocky at Colt may mga share din si Rocky na nabili sa company ni Colt kaya magkasosyo ang mga ito sa business.Sa katunayan niyan kaya dito muna namamalagi si Rocky dahil na rin sa banta ng buhay nito ayaw naman ni Colt na malagay sa alanganin ang buhay ng bestfriend dahil sa kanya.

Paakyat na ako sa aking kwarto ng makasalubong ko si Colt at di ko alam kung bakit ganun kadilim ang aura niya at nagulat nalang ako ng hawakan niya ang balikat ko at hinila niya ako papunta sa kwarto niya.

"Aaaayyy,,,ano ka ba naman sir nakaka-" natigil ako sa aking pagsasalita.

"Ano ba naman yan sir kung may kailangan kayo di niyo naman kailangang manghila pwede naman po akong utusan nang maayos."

Pumasok kami sa may kwarto niya.Pagkatapos ay sinara niya ang pinto at isinandal ako dun sa likod ng pinto.

"Sir," tanging nasambit ko lang.

Nang bigla ay siilin niya ako ng masuyong halik sa labi.Di ko maintindihan ang nararamdaman ko ng oras na yun.Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig at di makagalaw.

Nanginginig ang katawan ko habang nakatingin sa kanya.Hindi ko alam kong ano erereact ko sa ginawa niyang ito.Parang wala ng lumalabas na salita sa bibig ko ng mga oras na yun.Kaya itinulak ko siya at mabilis na lumabas sa silid niya at nagmamadali akong pumasok sa kwarto ko na halos magkaharap lang sa kwarto.

...................

COLT POV

Hindi ko na napigilan ang sarili ko habang pinapanuod sila Rocky at Alexis sa may pool area nag-uusap at nagtatawanan.Ganun na ba sa close dalawa at nagkikita pa talaga sa may pool.Kaya nung mapansin ko na paalis na ang dalaga at malamang paakyat na dito sa taas kinalakad ko siya papunta sa kwarto ko at di ko mapigilan na halikan siya.Pero kalaunan napagtanto ko ang ginawa ko alam kong natakot siya kaya hinayaan ko nalang ng itulak ako at tumakbo siya palabas ng kwarto ko.

"Sh*t  ano ba kasing nangyayari sa akin sa daming babaeng naghahabol sa akin dito lang ako nabaliw,dahil ba nachachallenge ako sa babaeng toh?"usal ng isip ko.

Simula ng magising ako lage nalang akong di pinapatulog ng babaeng ito sa lagi nalang suyang pumapasok sa isip ko.

ALEXIS POV

Inis man ay napilitan pa tin akong bumango kahit sobrang sakit ng ulo ko dahil umaga na akong nakatulog.Magkikita nanaman kami ng mokong na yun ang isa pang problema ko medyo magtatagal pa ako sa kwarto niya ngayon dahil magpapalit pa ako ng benda sa sugat niya kahit na mag iisang linggo na yung sugat niya kailangan pa rin kasing palitan lagi ng benda medyo okay naman to pero sabi ng doctor kelangan pa ring gamutin at linisan para masigurong di mainffection.

"Sakit talaga ng ulo ko,bakit ba kasi iniisip ko pa yung halik na yun? ay nako naiinis lang ako first kiss ko kaya yun at nabigla pa ako,dapat naman kasi nagpaalam nalang siya na gusto niya pala akong halikan di yung nangbibigla siya,,,tssskkk feeling mo lang yun girl pero nainis lang yun sayo kaya ka n*******n" usal ng isip ko.

Maliligo na muna ako bago bumaba at maghahanda pa ako ng almusal niya.Kaya naman na niyang bumaba sa hapag pero ewan ko sa mokong na yun bakit ayaw pa talaga bumaba.

Pagkatapos ko maligo ay nagpunta na ako ng kusina nakapagluto na kasi si Manang Rosing ng agahan kaya ihahanda ko lang pagkain ni Colt at ang mga gamot niya ay andun pa yun sa kwarto ng binata.

Nasa harap na ako ng pintuan niya kumatok lang ako ng at pumasok na ng walang sumagot dahan dahan nalang akong pumasok baka kasi nasa banyo nanaman siya at baka gulatin nanaman ako sa mga pandesal sa katawan nito.

Nang makita ko na nasa kama pa to ay dahan dahan nalang akong naglakad papunta sa may coffee table niya at nilapag ang pagkain niya at nung dadaanan ko na siya para sana kukuhanin yung mga gamot niya at panlinis ng sugat ay nabigla akong biglang hinawakan niya ang kamay ko at pinigilan ako sa paglalakad ko.At sinulyapan ko siya at unti unti naman niyang minulat ang mata niya at deretso ang tingin sa akin at napangiti.

"May nakakatawa po ba sir? bakit nanaman kayo nanghahawak ng kamay diyan ang hilig niyong manggulat baka mamaya di na magtatagal buhay ko sayo."

"Ano ba yan ang aga mong nagtatalak,can you please stop shouting mabibingi na rin ako sa kakasigaw mo."

"Wow sir ha nahiya naman po ako sino naman po kasing di magtatalak sa ginawa niyo?"

Kunwaring mahinang sabi ko sa kanya at ibinaba ko pa konti ang mukha ko para kunwari marinig niya.At pinagsisihan ko rin sa huli dahil kinabig nanaman niya ako palapit sa kanya at nawalan ako ng balanse na napadapa ako sa dibdib niya nakatukod ang dalawang kamay ko sa dibdib niya para san tumayo pero hinawakan niya ang batok ko at hinalikan niya ako.

Ang halik na ito ang kakaiba,marahas nung una kasi nanlalaban ako pero kalaunan ay sumuko na rin ako mas malakas pa rin siya kesa sa akin hinawakan niya ako sa batok at ang isang kamay niya nakapulupot sa beywang ko sige nga paano ako makakawala.

Kalaunan ay masuyong halik na ang ginawa niya nakakalunod ang halik na yun.Kahit first kiss ko to nadadala pa rin ako sa mga ginagawa niya parang biglang nabingi ako sa tahimik ng paligid at nawawala ako sa aking katinuan yung halik niya na hahanap hanapin mo sobrang nakakaadik.Nabalik ako sa aking huwisyo ng may sinabi siya sa gitna ng paghahalikan namin.

"I'm your first kiss?"  at ngumiti ng nakakaloko.

Kaya naitulak ko siya at tumayo ako bigla. Nahihiya man ako sa ginawang pagpapaubaya ko sa halik niya ay pinandigan ko pa rin ang kaabnormalan ko.

"Bakit mo alam?!nako sir di ka na rin lugi kasi alam mo bang mahalaga sa akin yung first na yan?! tapos nakuha mo lang ng ganun ganun nalang. At quits na tayo sir nakuha mo first kiss ko at di naman siguro unfair na ikaw napagbigyan ko nun kasi masarap ka rin namang humalik." sinabayan ko pa ng kindat at ngiti kahit na kinakabhan na ako sa ginawa ko.

"Lukaret ka talaga self  ano ba ginagawa mo?feelingera ka talaga...nagawa mo pa talagang mang-asar?".  usal ko sa isip ko at napakagat labi nalang.

"What?! You're teasing me again woman!"

Sa sinabi niyang yun ako nagmamadaling umalis at may pahabol pa na pang-asar sa amo.

"Ah thank you again sa kiss sir atleast my experience na ako at amo ko pa ang naging first kiss maraming naghahabol na babae pero swerte niya siya ang nakakuha ng first kiss ko.Bye sir,siyanga pala balik nalang ako mamaya pagkatapos niyo pong kumain para gamutin ko na sugat mo diyan sa mga bato bato mo wankata!"

At tuluyan na akong umalis na sobrang kabog ng dibdib.Kinindatan ko pa siya bago tinalikuran,iniwan ko siya nakatulala. Nang tuluyan akong makalabas sa kwarto niya huminga ako ng malalim,bago naglakad pababa ng hagdan.Nakasalubong ko naman si sir Steve.

"Ayy,,good morning po sir Steve." bati ko na nakangiti.

"Good morning naman iha. Kay Colt ka ba galing na kwarto?"

"Ah opo,naghatid ako ng pagkain niya, kagigising niya lang po kasi kaya mamaya ko na siya gagamutin."

"Salamat iha ha?At naaalagaan mo ng maayos si Colt, pagpasensyahan mo nalang din minsan ang pag uugali ng batang iyan.Sa katunayan niyan ikaw pa lang ang nagtagal,himala nga eh at isang linggo mahigit dito pero di ka niya napagtataasan ng boses may kinuha kaming personal maid niya dati wala pang dalawang araw umalis na."

"Pooo?! Bakit naman po? mabait naman po si sir Colt,"

"Yun nga pinagtataka ko iha ,sa iyo lang ganyan si Colt kaya napapanatag na rin ako.Kahit kami walang naririnig na may nababasag na mga pinggan sa taas. Kung di mo natatanong kada may maghahatid ng pagkain niya sa taas basag na mga pinggan na paglabas pati mga personal maid niyan umiiyak na lumabas sa kwarto kasi di nila kaya ugali ni Colt."

Nagulat ako sa aking nalaman mula kay sir Steve.So bakit ngayon di naman siya ganun sa akin,minsan may pagka antipatiko pero never naman siyang naninigaw.Baka na bagok ang ulo nung naging grabe siya.

"Mabuti nga si Miles hindi yan umalis na kinaladkad niya yan palabas mabuti at malakas ang loob ng batang yan.Kaya di na namin inuutusan si Miles."

Sinulyapan ko si Miles na tumutulong kay Manang Rosing sa kusina.Mabait si Miles kahit minsan lang kami nag-uusap niyan kasi nga di naman ako masyadong naglalagi sa kusina kasi naging tagapag-alaga lang ako nina sir Colt nung di pa nagigising hanggang sa gumaling siya at si sir Steve naman talaga ang dapat inaalagaan ko kasi matanda na siya kailangan tutukan siya sa pag-aalaga lalo na't nahihirapan na ito sa paglalakad.

Mga ilang minuto din kaming nag-kwentuhan ni sir Steve bago ko siya hinatid sa kanyang kwarto.Naawa ako kay sir Steve dahil si Colt lang talaga lagi niyang inaalala.Gusto niyang masiguro munang magaling na si Colt kaya na kay Colt ako nakatutuk sa pag-aalga ngayon.Sana naman gumaling na ang mga sugat ni Colt para naman di na masyadong mag-alala si sir Steve.

Pabalik na ako sa kwarto ni Colt para gamutin ko ang sugat niya at palitan na rin ng benda. Kumatok muna ako bago pumasok.Nang tuluyan na akong makapasok nakita ko si Colt nakatayo sa may veranda nitong kwarto niya. Lumingon siya at napabungtong hininga bago pumunta sa pwesto ko.Parang may malalim itong iniisip.

"Hey,,woman why are you smiling?"

"Emmmnn,wala may iniisip lang ako." sabi ko na nakangit at ayun nga inasar ko nanaman siya.Ewan di ko mapigilan sarili ko na asarin siya.

"Sir pwedeng magtanong?" lakas loob kong tanong.At tinignan niya lang ako.

"May girlfriend na po ba kayo?" seryosong tanong ko sa kanya habang hinahanda ko ang mga gagamitin ko sa paglilinis ng sugat niya.Nang sulyapan ko siya nakatitig lang siya ng maigi sa akin nakaupo na siya sa harapang upuan.

"Why did you ask? Do you have plan to be my girlfriend?"

"Ayyyy,,,grabe ka sir ha?feelingero ka rin sir noh?"

Lakas loob kong sabi kahit kinakabhan na.Lakas kong mang asar eh ano ba yan ako eh.Kahit ang talim na ng tingin nito sa akin di ko pa rin tinigilan sa pang aasar ito.

"Naitanong ko lang po kasi wala akong nakikitang may dumalaw sa inyo ditong babae.....emmmmnn so ibig sabihin wala kayong gf?" ngiting tanong ko pa rin sa kanya.

"Stop it woman!" pagalit na turan niya.

"Ehhhh,,baka naman kasi di kayo nagkaka-gf dahil iba gusto niyo?" dere-deretso kong sabi sa kanya habang nagko-contrate ako sa mga ginagawa kong paggamot sa sugat niya .

At bigla akong natawa sa naisip ko at sinulyapan siya habang ang talim pa rin ng titig sa akin.Mapagtripan nga.

"Anong nakakatawa!"

"Natawa lang po ako sa naiisip ko, baka kako ayaw niyo magka-girlfriend kasi mas preffered niyo ang....." sadyang ibinitin ko ang sasabihin ko at natawa nanaman.Inis na inis na siya sa akin pero parang balewala lang sa akin ang inis niya.

"What?!"

"Mas... gusto niyo ng......" binitin ko nanaman.

"Bakit di mo binibitin say it!" galit niyang turan

"BOY,,,,,,,,baka kako nahihiya lang kayong aminin-----aaayyyyy!!!"

Sigaw ko nang bigla nanaman niya akong hilahin palapit sa kanya at siniil ng halik. Tinulak ko siya pero mas malakas siya sa akin.Ang higpit ng pakakahawak niya sa dalawa kong balikat at pinilit niyang makapasok ang dila niya sa bibig ko pero tinikom ko ito kaya kinagat niya ito at ng makapasok na ito ay isang mapagparusang halik ang iginawad niya.Galit na galit pinilit kong magpumiglas sa ginagawa niya at naitulak ko siya

Nang makatayo ako ay tumayo na rin siya sa kinauupuan niya ta di siya pumayag na makaalis ako basta basta, nahawakan niya ang braso ko at ibinalya niya ako sa dingding at hinalikan.Halos mamula at magkasugat sugat na ang labi ko sa ginawa niya at nasasaktan ako sa paraan ng paghawak niya sa mga braso ko.

Natigilan lang siya sa mapangahas niyang paghalik sa akin ng tumulo na ang luha ko at napansin niya iyo.Kaya lumuwag ang pagkakahawak iya sa akin at nanghihinang napaiyak ako.

"I-I'm sorry," malumanay na sabi niya.

At niyakap niya ako habang nag-iiyak ako sa dibdib niya.Parang gumaan ang bigla ang pakiramdam ko ng marinig ko ang katagan "I'm sorry " sa kanya di ko aakalain na hihingi siya ng sorry pagkatapos ng ginawa niya sa akin.Kasalanan ko rin naman kasi napuno na siguro siya sa pang-aasar ko at nainsulto ko pa pagkalalaki niya.

Hinawakan niya ang mukha ko at hinarap sa kanya at binigyan ng masuyong halik.

"I'm sorry,please stop crying."

Parang may humaplos sa puso ko sa sinabi niya.At niyakap niya ulit ako at tinulungan niya akong tumayo.At pinaupo sa inupuan namin kanina.At tinitigan niya ako at kita ko sa mga mata niya ang pagsusumamo habang unti unti siyang yumakap sa akin at hinalikan ang noo ko na parang sinabi na huwag akong matakot.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status