Share

The Billionaire's Accident Surrogate
The Billionaire's Accident Surrogate
Author: Purple Hyacinth

Chapter 1

[Hi, this is Ezekiel. I am busy at the moment. Call me back later.]

Sa ika-limang pagkakataon hindi niya sinagot ang tawag ko. Mahigit one week na siguro ng huli kaming mag-usap, at nagkaroon pa kami ng hindi pagkakaintindihan. Now, I know why he's trying to cut me off from his life, but it's not enough to treat me like this.

Malalim akong napabuntong hininga dahil sa nangyayari. Anniversary namin ngayon and I felt like hindi siya aware. But ayoko mag-isip ng kung ano-ano, especially since today isn't just a typical day, I decided to propose and surprise my beloved.

Alam ko. Kabaliwan ang naiisip kong gawin. I also know na hindi ko dapat gawin ang bagay na ito since we're two years in a relationship, so two years is not enough to marry a man you're not sure about. But in my case? I am sure. Kinuha ko ang duplicate key na nasa kaliwang bulsa ko, at binuksan ang pinto.

Inilapag ko ang bag ko sa sofa at inihanda na ang bento cake na ginawa ko kaninang 6 am just for this occasion. Gumising talaga ako ng maaga to make this cake with a note engraved in the cake: "Happy anniversary, my love!"

"It's a good thing alam ko kung paano ko siya mapapasaya, kahit na nakalimutan ni Ezekiel na ngayon ang anniversary namin." Naglakad ako palapit sa kwarto niya at nanatili lamang ang aking tingin sa cake dahil baka mamatay yung kandila.

"Happy anniversary, Kiel. Gising na, babe."

Binuksan ko ang pinto ng may ngiti sa aking labi, ngunit agad itong naglaho matapos tumama ang aking mga mata sa kama ni Kiel. Kung saan mahigpit niyang yakap ang kapatid ko sa ama na si Monique. Nagkalat ang mga damit nila sa sahig, na siyang bakas ng kanilang kataksilan.

Napahawak ako sa pinto nang mawalan ako ng balanse, at parang nandilim ang paningin ko. Walang alinlangan kong sinugod si Monique, at pagkatapos hinila ko siya pababa ng kama gamit ang buhok niya.

"Ahhhhhhhhhh!" malakas niyang tili dahilan para mapabalikwas ng bangon si Ezekiel.

"Monique! Scarlett!" sigaw niya.

Inihagis ko si Monique sa sahig gamit ang buo kong lakas, atsaka hinampas sa mukha niya ang cake na hawak ko. "Malandi ka!"

"Get off of me! Ezekiel, tulungan mo ako!" she shouted.

"Malandi ka! Higad! Pati boyfriend ko aagawin mo?! Malandi ka! Kating-kati ka na ba at pati nobyo ko nagawa mong landiin?!" Sambit ko.

"Scarlett, tumigil ka na! Let her go! Enough of this!" Pilit akong hinihila palayo ni Ezekiel, but I stand my ground and push him away.

"Walang hiya ka! Ang landi mo!" Paulit-ulit ko siyang sinampal dahil sa labis na galit. I don't care if our dad will find this out. She deserves it!

"I said, enough!" Ezekiel pushed me away from my sister violently. He immediately covered her naked body with a blanket before glaring at me like what I did was stupid. "I told you to stop, Scar."

I scoffed, "Seriously, Kiel? After what I saw? I deserve an explanation! Did she seduce you to sleep with her?"

"No!" He answered.

"Then what?!"

"Monique didn't seduce me, Scarlett."

"Paano mo ipapaliwanag sa 'kin ang nakita ko? You were hugging her tightly, Kiel! Yung mga damit niyo nagkalat sa sahig, at magkayakap kayo sa kama. Ano sa tingin mo ang iisipin ko?"

"Enough."

"No! I deserve an explanation, Kiel!"

"Fine!" He raised his voice and added, "Gusto mo ng explanation? Then I will give it to you. We need to break up."

Sarkastiko akong natawa sa sinabi niya dahil I didn't expect him to say that. "Ano? I want an explanation, Kiel. Hindi explanation 'yan."

"I want to break up with you, Scarlett. This is not supposed to happen, and I don't know why I even let us come this far. Monique and I are engaged—ikakasal na kami," sagot ni Ezekiel.

"What? Ginagago mo ba ako, Kiel?"

"Totoo ang sinasabi niya, Scarlett. Ikakasal na kami, and you were stupid enough to believe he loved you. Tumingin ka nga sa salamin. You are nothing compared to me. Anak ka lang sa labas ni daddy, kaya hindi mo deserve ang maging masaya."

"So, you're behind this?" Tanong ko.

Ngumisi si Monique and cross her arms, "Yes, sis. I'm just disappointed because you realize it too late. You didn't even realize that Ezekiel was playing with you, and we're making fun of you because you're so stupid."

"Totoo ba ang sinasabi niya, Kiel?"

"Scarlett."

"Totoo ba?!"

He exhaled deeply and answered, "Yes. Totoo ang mga sinasabi niya. Hindi kita mahal. You and I are different, Scarlett."

"So, two years mo na ako ginagawang tanga. Ganoon ba, Kiel?!"

Tumango siya, "Oo."

"Bakit?" Nagsimula ng pumatak ang mga luha ko at dagdag ko pa, "Bakit mo ako nagawang saktan ng ganito sa kabila ng pagmamahal ko sayo, Kiel? Minahal kita ng buong puso."

"Pero hindi kita mahal, Scarlett. This is just a freaking game. You're good in everything, yes, I admit that. Pero si Monique ang mahal ko at never kitang mamahalin. This deal is for fun and nothing else."

Malakas ko siyang sinampal, "Ngayon alam ko na kung bakit gusto mong itago yung relasyon natin for two years, Kiel. Ako pala yung kabit at wala akong kaalam-alam na pinaglalaruan niyo na ako. Wala kayong puso! Paano niyo nagawa ito sa akin? Ano ba ang nagawa kong mali sa inyo?!"

Monique laughed at me and raised an eyebrow, "Cut the crap, Scarlett. Gather your things and leave his condo unit at once. Kung hindi isusumbong kita kay daddy."

"Wala akong pakialam kahit isumbong mo pa ako sa tatay natin! Magsama kayong dalawa ni Ezekiel! Lunukin mo siya ng buong-buo!" Kinuha ko ang singsing na nasa bulsa ko at binato kay Ezekiel bago mabilis na tinahak ang daan palabas ng kwarto niya. Dinampot ko yung bag ko na nasa sofa at mabilis akong naglakad palabas ng apartment niya.

"Scarlett, wait!"

Marahas akong lumingon at sagot, "Bakit? May nakalimutan ka pa bang sabihin, Kiel?"

Naglakad siya palapit sa akin at may iniabot na maliit na paper bag. "Ano ito?" Tanong ko.

"Happy anniversary, and don't you ever come back here again, Scarlett."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status