Share

Chapter 36

Sophia

Agad akong tumakbo papunta sa kotse para masundan si Marcus. Hindi ko na nga nagawang magpaalam kina Tito Hil at Tita Cherry sa kagustuhan kong mahabol si Marcus.

“Sundan niyo ang kotseng yun!” utos ko sa driver ng makasakay na kaming lahat sa kotse.

Mabilis ang takbo ni Marcus kaya hindi ko mapigilang mangamba.

‘ipanalangin mong walang mangyaring masama sa kaibigan ko’

Those words continue to echo in my mind kaya lalong lumakas ang tibok ng puso ko.

Sa sobrang bilis namin ay gumewang ang sasakyan kaya agad naman akong inalalayan ni Mark, ang bodyguard na nasa tabi ko.

“Anong nangyari!” sigaw niya sa driver na pilit kinokontrol ang manibela

“Mukhang sumabog ang gulong natin!” he annouced at saka itinabi ang kotse. Bumaba sila at nanatili naman ako sa loob.

“Ma’am, sumabog po ang gulong!” Mark said kaya napapikit ako

“May reserba ba?” Edgar asked the driver and he said yes kaya agad nilang inayos ang gulong habang nasa labas ako

If ever kasi na may dumaang taxi ay paparahin k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status