Share

Chapter 7

Thea

Tatlong araw na hindi ko naramdaman ang presensya ni Lucian pagkatapos nung huling beses na sinundo niya ako sa school.

Hindi ko alam pero parang hinahanap ko din naman siya pero sa huli pinagalitan ko pa ang sarili ko dahil hindi ko naman dapat maramdaman iyon.

Dumating ang araw ng linggo kaya naman maaga akong gumising para makapagsimba. 

Nakabihis na ako at paglabas ko ng kwarto ay nagulat ako dahil nasa sala si Lucian at kausap si Arvie.

“Magandang umaga, Thea!” nakangiti niyang bati sa akin kaya sinimangutan ko ito

Tatlong araw na walang paramdam tapos ngayon kung makangiti sa akin? 

‘uy, nagtatampo!’ Sigaw ng utak ko 

“Anong ginagawa mo dito?” 

Napakamot na naman si Lucian sa ulo niya. Isa ito sa mannerism niya na napansin ko.

“Diba may lakad tayo? Sunday ngayon?” pagpapa-alala niya sa akin

Gusto ko sanang sabihin na wag na naming ituloy pero pinigil ko na lang ang sarili ko.

“Magsisimba ako!” sagot ko na lang dito saka ako nagsimulang lumabas ng bahay

“Okay!” naramdaman ko namang sumunod si Lucian pagkatapos niyang magpaalam sa kapatid ko

Sumabay siya sa paglalakad ko pero hindi ko siya pinapansin.

“Hon, galit ka ba sa akin?” tanong niya habang naglalakad kami sa abangan ng jeep

Nilingon ko siya bago ako sumagot.

“Bakit naman ako magagalit?” 

“Ayaw mo kasi akong kausapin.” himig pagtatampo niya.

Huminto ako sa sakayan habang naghihintay ng padaan na jeep ng hawakan ni Lucian ang kamay ko.

“Sorry na, hon! Nagselos lang talaga ako the last time, hindi ko mapigil. Tapos inasikaso ko yung sa trabaho ko kaya hindi ako nakauwi dito.”

Tinignan ko siya na may inis sa mga mata ko.

“Una sa lahat, Lucian, hindi ko kilala kung sino yung nagpadala ng bulaklak at kung mayron man, sa tingin ko hindi ko naman kasalanan yun.” huminto ako saka ko ibinaling ang paningin ko sa kalsada na nasa harap ko

“Pangalawa, hindi mo kailangan magpaalam sa akin kung saan ka pupunta. Wala naman tayong relasyon para gawin mo yun!” dagdag ko pa

“I know hon. Pero promise sa susunod kapag hindi ako makakauwi dito, sasabihan kita. Para hindi mo ako nami-miss!” 

Gusto kong matawa sa sinabi ni Lucian dahil akala naman niya nami-miss ko siya.

‘hindi nga ba? E pag lalabas ka ng bahay o school siya agad ang hinahanap ng mata mo!’

Napailing na lang ako sa sinisigaw ng utak ko. Agad ko namang pinara ang jeep na nagdaan at sumakay na ako habang kasunod ko si Lucian.

Dumukot siya ng pamasahe at inabot iyon sa driver. 

“Sa simbahan lang po, mama! Dalawa po!” 

Makalipas ang bente minutos ay narating namin ang simbahan at sakto lang kami para sa ikalawang misa ng araw na iyon. Sa may gawing gitna kami naupo at hindi ko naman mapigilang mapansin ang mga babaeng panay ang tingin sa kasama ko.

Well, headturner naman talaga si Lucian. Hindi naman maikakaila iyon at naiirita talaga ako sa mga babaeng ito dahil mga papansin.

Binulungan ko si Lucian dahil talagang naiirita na ako. 

“Sa susunod huwag ka ng sumama sa pagsisimba ko! Hindi ako makapag concentrate dahil sa mga babaeng nagpapapansin sayo!” 

Nakita ko naman ang pagngiti ni Lucian kaya tinaasan ko pa ito ng kilay. Bumulong din siya sa akin kaya pakiramdam ko nangilabot ako sa ginagawa niya.

“Don’t worry, hon. Nasayo ang atensyon ko at wala sa iba. Hayaan mo silang magpacute, diko naman papansinin!” 

Napalayo ako kay Lucian dahil pakiramdam ko kinikilabutan ako sa sobrang lapit niya. Idagdag pa ang napakabangong amoy niya that is so addicting.

Tumingin ako sa harap at nakita ko kung paano ako ismiran ng babaeng nasa harap ko. Ito yung babaeng panay ang pa-cute ky Lucian. 

Aba! Nakuha pang mag-simba pero panay naman ismid sa akin? Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko kaya tinaasan ko ito ng kilay. 

Naramdaman ko ang hawak ni Lucian sa kamay ko kaya naman lalong napasimangot ang babae. Alam kong sinadya iyon ni Lucian para matigil na ang babaeng ito at effective naman dahil hindi na uli lumingon ang babae sa amin.

‘o edi natahimik ka!’

After ng misa ay doon ko lang napansin na hindi naman tuluyang binitawan ni Lucian ang kamay ko.  

Bibitawan niya saglit pero agad din niyang hahawakan at hindi ko maitanggi ang malakas na kabog ng dibdib ko.

“Nag-breakfast ka ba kanina?” tanong ni Lucian ng tuluyan kaming makalabas ng simbahan

“Hindi talaga ako nag-aalmusal. Kape lang ako pag umaga.” 

Nakita ko na pumara ng taxi si Lucian at agad akong inalalayang makasakay nang huminto ito.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko kay Lucian nang makasakay na ako.

“Pwede naman tayong mag jeep!” 

“Huwag na hon! Baka mamaya may tumingin na naman sa akin doon e masira na naman ang araw mo!”

Qqq

Inikutan ko ng mata si Lucian dahil sa sinabi nito at siya naman ay tumawa lang nang malakas. Ewan ko ba, pakiramdam ko ang sarap sa pandinig ang tawa nito.

May sinabi siyang lugar at nang makarating kami doon ay inalalayan niya pa ako para makababa. Gentleman din ang peg niya.

Isang eatery ang pinuntahan namin dahil sabi niya kumain daw muna kami ng almusal bago kami mamasyal. 

Malaki ito kumpara sa karaniwang  turo-turo at naka-aircon din ang buong lugar. Malinis at halatang maraming kumakain dito lalo kapag linggo dahil marami na din kaming inabutang customer sa loob.

“Ano ang gusto mong kainin?” tanong niya sa akin ng iabot niya sa akin ang menu. Tinignan ko naman ito saka ako namili ng kakainin ng lumapit sa amin ang waiter.

“Tapsilog na lang ang sa akin saka tubig.” sagot ko dito

“Yun lang?” tanong niya kaya tumango na lang ako

“I’ll have the same. Extra fried rice and black coffee, no sugar.” baling ni Lucian sa waiter

Tumango lang ang waiter at saka umalis para kuhain ang mga order namin.

“Saan tayo mamamasyal?” tanong ko kay Lucian habang iniintay ang pagkain namin.

“Hintayin ko lang yung kaibigan ko, hon. Ihahatid niya yung sasakyan na hiniram ko.” nakangiting sagot niya sa akin

“Sasakyan? Bakit saan ba tayo pupunta?” malayo ba ang pupuntahan namin at kailangan namin ng sasakyan?

“Ipapasyal kita sa Tagaytay!” 

Nakaramdam naman ako ng excitement sa sinabi ni Lucian. Isang beses palang kasi ako nakapunta ng Tagaytay at medyo matagal na din yun.

Napangiti ako sa kanya pero agad naagaw ang atensyon ko nang dumating ang pagkain namin.

Amoy palang mukhang masarap na!

“Let’s eat, hon!” aya niya sa akin matapos niyang iayos sa mesa ang mga pagkain

Ewan ko ba pero nasasanay na ata siyang tawagin akong hon, pero hindi ko naman masaway.

Masarap ang pagkain kaya naman hindi kataka-taka na marami talagang dumadayo sa kainan na ito.

“Hello, bro!” sagot ni Lucian when his phone rang at napataas ang kilay ko dahil mamahalin ang cellphone niya

Mahilig ba talaga siya sa mamahaling gamit? Well, pinaghirapan naman niya ang pera niya, ayon sa kanya so siguro, may karapatan naman siyang bilhin ang gusto niya. 

Pero kung sa akin lang, sayang kasi ang pera. Hindi ako materyosong tao talaga kahit noon pa. Di baleng mumurahin ang isang bagay, basta magagamit ko ng maayos.

“Okay bro, salamat!” sagot niya sa kung anomang sinabi ng kaibigan niya

He called the waiter at agad na nagbayad matapos niyang makita ang bill namin habang ako naman ay nagpunta sandali sa restroom.

Nag-retouch lang ako ng powder at lipstick saka ako naghugas ng kamay. Lucian stood up when he saw me at saka ako inalalayan palabas ng kainan.

 

“Ito ba ang gagamitin natin?” tanong ko sa kanya ng marating namin ang sasakyang hiniram daw niya sa kaibigan niya.

Magara ang sasakyan at hindi ko alam kung ano ang tawag sa ganitong modelo.

Mukhang mas magara pa ito sa kotse ni Troy.

“Yes, hon! Marami kasing kotse yung kaibigan ko kaya pinahiram niya muna sa akin ito 

Pinatunog niya ang kotse saka ako inalalayang makapasok. Napigil ko pa ang hininga kong ayusin nito ang setbelt ko dahil ang lapit talaga ng mukha niya sa akin.

Tumakbo na siya sa kabilang side matapos niyang isara ang pintuan sa gawi ko then he expertly drove the car palayo sa lugar na ito.

“Lucian, saan ka nag-apply ng trabaho?” tanong ko sa kanya habang bumibyahe kami papuntang Tagaytay

“Ah yun ba? Well, yung dating kaklase ko kasi sinwerte sa buhay at may kumpanya na siya dito sa Pilipinas. Sa kanila ako nag-apply.”

“Anong trabaho?” 

“May mga hotel kasi siya. E sabi niya ihahanap niya ako ng pwede kong pasukan doon.” kwento niya sa akin

“Ayaw mo na bang bumalik sa Switzerland?” umiling siya sa tanong ko

“Diba sabi ko sayo, pine-pressure na ako ng tatay ko na mag-asawa kaya hindi na ako babalik.”

Akala ko naman ay biro lang yon pero mukhang seryoso siya. 

“Seryoso ba talaga yan?” natawa pa ako hoping that it will look like a joke pero hindi naman nag-iba ang aura niya

“Oo naman. Isa pa tama naman din siya. Hindi na ako bumabata at kailangan ko na din magkapamilya.”

Napatango naman ako sa sinabi niya at nagkaroon ng curiosity about his age.

“Ilang taon ka na ba at gustong-gusto mo ng mag-asawa?”

“Thirty-two.” 

“Ah! Hindi pa naman gaanong matanda.” sabi ko sa kanya

“Talaga? Akala ko sasabihin mong di tayo bagay kasi matanda na ako.” he was obviously joking kaya natawa na din ako

“Ewan ko sayo! Maipasok mo lang talaga eh no!” umiling pa ako sa kanya but then he just smirked

“Di bale, hon! I will do everything para patunayan sayo na karapat-dapat ako sa matamis mong oo!” 

Napako ang tingin ko kay Lucian na tutok na tutok naman sa pagmamaneho. Wala ka namang maipipintas sa kanya pagdating sa pisikal na aspeto.

As I have said, he is dropdead gorgeous! Maputi siya at makinis, siguro dahil sa pag-aabroad niya. His black hair is cut neatly kaya lalo siyang tumikas sa paningin ko.

His brown eyes are expressive lalo kapag tumitingin siya sa akin. Matangos ang ilong niya habang ang mga labi nito ay mapula at may kanipisan. 

Ang katawan niya, mukhang alagang-alaga din nito. Sa palagay ko nga may abs ito dahil na rin sa mga muscles niya sa braso.

‘ay Diyos ko, ano ba itong pinag-iisip ko! Kakagaling ko lang sa simbahan

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status