Share

Chapter 3

"Ate, kailangan ba talaga na doon ka tumira? Hindi ka na nga namin madalas makasama dito tapos aalis ka pa," mangiyak-ngiyak na sabi ni Amber. 

Tumigil ako sa pag-impake at lumapit sa kaniya. Niyakap ko siya nang mahigpit. "Amber, kailangan ni ate umalis. Mas malaki kasi ang sweldo doon at mas mababayaran ko ang mga utang ni nanay," mahinahon kong sabi. "Saka hindi naman ako mangingibam-bansa, bibisitahin ko pa rin kayo dito."

"Talaga?"

"Oo naman! Pangako dadalaw ako dito nang madalas."

"Pramis mo 'yan, ah. Pag di ka tumupad sa pangako, ipapakulam kita," umiiyak niyang sabi. Mahina akong natawa. 

"Pangako."

Nalaman kong Cecilia pala ang pangalan ng babaeng matanda kahapon. Pero madam ang tawag sa kaniya ng lahat kaya iyon na din ang tawag ko. 

Sinabi ni Madam na pwede na daw ako magsimula magtrabaho kahapon pero humingi pa ako ng dalawang araw para mag-impake, magpaalam sa mga kapatid ko at asikasuhin ang resignation sa dalawa kong trabaho. 

Sa totoo lang hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang tanggap agad ako sa trabaho nang ganu'n ganu'n lang. 

Walang maayos na interview. Ni hindi nga tiningnan ang resume ko. 

Hindi naman ako nagrereklamo, sa katunayan masaya ako na tanggap na agad ako sa trabaho. Hindi ko lang talaga maiwasang magtaka. 

Nakarating ako sa Casa Valle dala na ang mga gamit ko. Pero pagpasok ko pa lang sa gate ay naka-abang na ang isang itim na kotse. Bumaba mula rito si Madam Cecilia. 

"Hija, buti nandito ka na," masigla niyang sabi. Bumaling siya kay kuyang guard na nakatayo sa gilid. "Hijo, pakilagay nito sa kotse." Turo niya sa mga bagahe ko. 

Agad namang sumunod si Kuyang guard at pinasok ito sa trunk ng sasakyan. 

"Halika ka na, hija." 

Bumaba ang driver ang kotse para pagbuksan si Madam. 

Pinauna niya akong makasakay sa sasakyan bago siya pumasok. 

Ang buong akala ko ay kaya niya ako sinundo para hindi ako mahirapang maglakad papuntang mansiyon, pero nagtaka ako nang lumabas kami sa gate. 

Lumingon ako sa likod kung nasaan ang gate na nilabasan namin. "Hindi po ba tayo tutuloy sa mansiyon?" 

Baka naman may gusto munang bilhin o daanan si Madam bago kami dumiretso doon. 

"Hindi ko ba nasabi sa'yo?" puno ng pagtataka niyang tanong. 

"Ang ano po?"

"Na wala sa mansiyon ang aalagaan mo. Mayroon siyang sariling bahay at doon tayo pupunta."

Wow, bata pa lang pero may sarili nang bahay? O baka naman ibig niyang sabihin na bahay ng magulang ng bata. Pero kahit ano pa man ay tumango nalang ako sa sinabi niya. 

Matagal ang biyahe. Inabot ng halos kalahating oras bago namin narating ang isang exclusive village. Mahigpit ang seguridad papasok pero kaagad din kaming pinapasok nang makita si Madam. 

"I'm warning you, my grandson is far from being nice. He's the opposite of everything good. But once you get to know him, he's tolerable." 

Ganoon na ba talaga kasama ang apo niya? 

"I need you to take care of him." She sighed. "I'm afraid walang mag-aalaga sa kaniya lalo na pag wala na ako."

"Wala po ba siyang magulang?"

Tiningnan lang ako ni Madam. "As much as possible, don't bring up about his parents."

"Okay po."

"He's nice, or at least he used to be. He just needs someone to understand him, someone to stay by his side, someone he can trust, someone he can rely on. And you, hija, I know you're the perfect person for him." Hinawakan niya ang kamay ko saka sinserong nginitian. 

Nginitian ko siya pabalik. "Gagawin ko po ang lahat, hindi kita bibuguin."

Huminto na ang sasakyan. "Oh, siya." Binitawan niya ang kamay ko. "Ihahatid na lang ni Kaloy ang gamit mo sa loob."

"Hindi po ba kayo susunod?"

Umiling siya. "Hindi na, hija. Kaya mo na 'yan. Fighting!" Bahagya niyang itinaas ang kamao bilang senyas ng pagsuporta. 

Mahina akong natawa saka ginaya siya. "Fighting!"

Pumasok ako sa loob nang hindi kumakatok. Pinagbuksan kasi ako ni Kaloy, driver ni Madam, kaya't diretso na akong pumasok. 

Sa labas pa lang ay makikita na ang karangyaan ng nakatira dito. Kabaliktaran nang kay Madam, modern style mansion naman ang sa apo niya. 

Sa labas ay makikita ang mga halaman na iba-iba ang hugis at laki na magandang nakahilera sa hardin. Topiary yata ang tawag dito sa ingles. 

Pagpasok sa loob ay wala masyadong gamit. Minimalist kumbaga. Puti at itim ang buong tema ng bahay. 

Wala sa sala ang mga gamit ko kaya sa tingin ko ay nasa ikalawang palapag na ito. Umakyat ako sa taas habang pinapalibot ang tingin sa paligid. 

Walang kahit anong litrato, o frame, o kahit vase. Lahat ng nadadaanan kong kuwarto ay sarado, hanggang sa may nakita akong nakaawang na pinto. 

Dito na siguro nilagay ni Kaloy ang mga gamit. 

Walang pagdadalawang-isip na pumasok ako sa kuwarto. Bumungad sa akin ang king size bed na gitna at chandelier sa kisame. 

Woah. 

May book shelf sa kaliwa habang pinto naman sa kanan. Pero hindi ko makita ang mga gamit ko dito. 

Oh, shoot! Maling kuwarto yata! 

Huli na nang mapagtanto kong hindi ito ang kwarto dahil bumukas ang pinto sa kanan ko at iniluwa ang isang lalaki. 

Isang lalaking nakahubo! 

"AHHHHH!" Malakas akong sumigaw kasabay ng pagtakip ng mga mata at pagtalikod sa kaniya. 

"Shit!" Dinig kong mura ng lalaki. 

"Ba't wala kang damit?!"

"Who the fuck are you?!"

Magkasabay naming sigaw. 

"And what the fuck are you doing in my house?!"

Ma-fuck-fuck naman ako ng lalaking 'to akala mo kung sino. 

Galit ko siyang nilingon pero kaagad ko ding pinagsisihan dahil wala pa ding takip ang katawan niya. Nakita ang ano niya! Ang ano. . . ang junjun niya! Ang junjun niyang malaki. Normal size pa ba 'yan?

Tumalikod ako ulit bago nagsalita. "Magdamit ka nga!"

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at pagsara nito. 

"You can look now."

Umikot ako para harapin siya. Sinalubong ako ng matatalim niyang tingin, pero imbes na matakot ay nailang ako. Ang tsokolate niyang mga mata na para bang tinititigan hanggang ang kaibuturan ng kaluluwa ko. 

Napalunok ako nang bumaba ang tingin ko sa mapupula niyang labi hanggang sa katawan niya. Tanging ang ibabang bahagi lang ng kaniyang katawan ang nakatapis ng tuwalya kaya't kita ko ang pinagmamalaki niyang katawan. Shet, eight pack abs. 

Mas nakadagdag sa tensyon na nararamdaman ko ang mga butil ng tubig na tumutulo sa katawan niya. Bakit parang biglang uminit dito?

"Eyes up here, woman." Ang mababa at baritono niyang boses ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. 

Hindi ko pinahalatang apektado ako ng kahubuan niya. Nakapamaywang ako habang sinasalubong ang tingin niya. 

Ngayon ko lang napansin, masyado na siyang malaki para maging bata. Ay tanga, siyempre malaki na siya kaya hindi na siya bata. 

Malaki ang ano?

Basta malaki na siya! Matanda, ganu'n. 

Mukha akong baliw na nakikipagtalo sa sarili ko. 

"Sino ka?" matapang kong tanong. Kaano-ano ba siya ng batang aalagaan ko? 

Butler? Kuya? O baka tatay? 

Kumunot ang noo ng lalaki. "Wasn't it me who should be asking you that?"

"Kaano-ano mo ang bata?"

"Bata?"

"Oo, bata. 'Yong batang aalagaan ko."

Binuksan ng lalaki ang bibig pero kaagad ding sinara. Hindi makapaniwala niya akong tiningnan. "Look, woman, I think you came into the wrong house. There is no any mischievous and annoying little creature in this house." Pinisil niya ang bridge ng kaniyang ilong. "And next time, don't just barge into someone's house without knocking. I can sue you with trespassing, you know."

"Look, mister, I don't like your humor. Just tell me where the kid is so I can meet him."

"The fuck? I already told you that there's no kid in here! Just get the hell out or I'll call the security and let them drag you out."

Umawang ang bibig ko. "Dito ako ibinaba ni Madam, ang lola ng batang aalagaan ko, at hindi ako aalis dito hanggat hindi mo sinasabi kung nasaan ang bata." 

Mahirap na, pa'no pala kung masamang tao pala 'to at kinidnap ang bata? Imposible namang niloko ako ni Madam. Sa kanilang dalawa, mas may tiwala ako kay Madam kaysa sa lalaking 'to. 

Suminghap ang lalaki. "Excuse me?"

"You're excused."

Hinilamos niya ang palad sa mukha, halatang naiinis na. 

"Get. The. Fuck. Out!"

"'Wag mo akong ma-fuck-fuck! Pakyuhin kita diyan eh!" duro ko sa kaniya. 

Pakiramdam ko tinakasan ako ng lakas nang mabilis siyang naglakad papalapit sa direksiyon ko. Inilapit niya ang mukha sa akin dahilan para mapaatras ako. Hinawakan niya ang likod ng ulo ko para mapigilan sa pag-iwas at mas inilapit sa kaniya. 

Nanlaki ang mga mata ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ilang sentimetro na lang ang layo ng mga labi ko sa mga labi niya. Halatang tinutukso ako. 

Ramdam ko ang init ng katawan niya. 

"Well, Miss Green Eyes, if that's what you want, then. . . " mabagal, mahina, at nang-aakit niyang sabi. Amoy na amoy ko ang mint sa hininga niya. ". . . maybe we can talk about it." 

Ramdam ko ang init ng hininga niya sa labi ko. Mas nagpadagdag ng init na nararamdaman ko nang bumaba ang tingin niya sa mga labi ko sabay kagat ng labi niya. 

Ayokong magkasala. Jusko ilayo mo ako sa tukso. 

Hindi ako nakapagsalita. Nagpapabalik-balik ang tingin ko sa mga labi at mga mata niya. Habang siya ay nakatitig lang sa mga labi ko na para bang balak niya akong halikan. 

Anyare? Parang kani-kanina lang gusto niya akong paalisin, pero ngayon gusto niya na akong halikan? Ambilis naman yata?

Bahagya niyang ibinuka ang mga labi. Ito na ba 'yon? Ito na ba ang magiging first kiss ko?

Yuck! Ni minsan hindi pa ako nagpahalik kahit kanino. Ni wala nga akong naging boyfriend. Hindi ako attracted sa kahit na sino mang lalaki. Bumilis ang tibok ng puso ko kanina kasi kinakabahan ako at natatakot sa pwede niyang gawin, 'yon lang 'yon.

Hindi ko namalayan na nakapikit na pala ako. Naghihintay sa bagay na kinadidirihan ko dapat. Akala ko ba yuck? Ba't naghihintay ako na halikan niya. 

"Your lips are dry."

Agad kong minulat ang mga mata nang marinig ang sinabi niya. Mahina niya akong tinulak palayo sa kaniya. 

Wow naman. Makatulak akala mo naman ako ang lumapit sa kaniya. 

"Don't expect me to kiss you. You're not kissable," he 'tssed'.

Tumaas ang kilay ko. "FYI I have natural plump lips!" 

Bakit parang ang defensive ko naman yata? Parang sinasabi kong hindi ako 'hindi kissable' kasi may plump lips ako? 

"Having plump lips is not equal to having kissable lips. Yours are dry, yet. . ."

Hindi ko narinig ang mga sumunod niyang sinabi. 

"Just get the hell out."

"Dito nga ako hinatid ni Madam kaya hindi ako aalis. Isabi mo na nga lang kung nasaan ang bata."

Binuka ng lalaki ang bibig para makipagtalo ulit, pero mas naunang tumunog ang cellphone sa bedside table. 

Pinasadahan muna ako ng tingin ng lalaki bago naglakad para kunin ang cellphone at sagutin ang tawag. 

"Hello." Pinagmasdan ko siya habang nagsasalita sa telepono. 

"Who?" Kumunot ang noo niya sa sinabi ng kausap bago lumingon sa akin. 

"What the fu–! Why didn't you inform me beforehand?" Halatang hindi niya nagugustuhan ang sinasabi ng tao sa kabilang linya. 

"Exactly! Because you know I wouldn't agree. And I will never agree on this! I'm no–" Napatigil siya para makinig sa sinasabi ng kabilang linya. "I'm not a kid anymore!"

Masama ang tingin na nilingon ako ng lalaki bago siya nagsalita. "Fine."

Naglakad siya papalapit sa akin at binigay ang cellphone. 

"Ano?" taka kong tanong. Hindi pa din tinatanggap ang cellphone. 

"Just answer the damn phone."

Inikot ko ang mga mata sa kaniya bago kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag. 

"Hello?"

"Hija," bungad ng pamilyar na boses. 

"Madam! Buti po tumawag kayo, ito kasing butler ng apo niyo feeling may-ari ng bahay." Matalim kong ginawaran ng tingin ang lalaki. 

Tumawa nang malakas si Madam. "Hija?"

"Yes po?"

"Siya ang apo ko."

May mga pangyayari talaga sa buhay na hindi natin inaasahan. Mga pagkakataon na gusto mo na lang magpalamon sa lupa, at ito ang isa sa mga panahon na 'yon. 

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Parang gusto ko na lang maglaho ngayon mismo. 

"H-ho?" Baka naman dalawa ang apo niya tapos isa doon ang aalagaan ko. 

"Siya ang apo ko. Ang natatangi kong apo." And that killed my hope. Napa-english tuloy ako nang wala sa oras. 

"Pero– pero akala ko bata ang babantayan ko."

Natawa si Madam. "Kailan ko ba sinabing bata ang babantayan mo?"

"Pero hindi niyo naman po sinabing hindi." 

"Pasensya ka na, gusto ko lang kayong masurpresa pareho. Kung sinabi kong mas matanda pa sa'yo ang apo ko, edi hindi na surprise 'yon."

Hindi ko alam kung paano magre-react. Humigpit ang hawak ko sa telepono. Pakiramdam ko kasi wala akong karapatang mainis sa kaniya kasi empleyado niya lang din ako. At isa pa kailangan ko ng pera, anong karapatan kong mag-inarte?

"Ayos lang, ho. Nasurpresa po talaga kami pareho," alanganin akong natawa. 

"Oh siya, pakibalik ng telepono sa apo ko."

Nahihiyang ibinalik ko sa lalaki ang cellphone. 

So wala pala talagang bata dito. Tapos pinag-isipan ko pa siya ng masama. Pinagkamalan ko pang butler. 

"Yes, La," walang ganang sagot ng lalaki. "Do I have a choice?" Inikot niya ang mga mata. "Tsk, of course I don't. Yeah, bye." Tinapos niya ang tawag. 

Inilibot ko ang paningin sa paligid, ayaw salubungin ang titig ng lalaki sa harapan ko. 

"So, miss green eyes with plumpl lips." Humalukipkip siya. "Turns out we were both played by my ever loving yet playful Lola."

Nilingon ko siya. 

"Get out of my room."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit?"

"I'll put on some clothes. Why? Do you wanna stay here and see me naked?" Hinawakan niya ang tuwalyang tanging takip ng kahubuan niya at nagbantang ibababa. 

"Eto na nga lalabas na!" Mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto niya. Pagkasara ko ng pinto ay napasandal ako dito at napahawak sa puso. 

Ngayon pa lang nararamdaman ko na na hindi magiging madali ang mga araw ko dito. 

"SINCE I DON'T have a choice but to let you stay– thanks to my lola– we might as well set some rules to be followed by you." Tinuro ako ng lalaki. 

Nakatayo siya sa harapan ko habang nakaupo naman ako sa sofa. 

"Ako lang? Tapos ikaw okay lang na hindi sumunod?"

"Who's the boss here?"

Natahimik ako sandali bago matapang na nagsalita. "Si Madam, ang Lola mo, at hindi ikaw."

"What's your job, exactly? According to MY Lola?" 

"Personal maid ng apo niya."

"Sino ang apo niya?" Ako lang ba? O ang hot niya lalo kapag nagtatagalog. 

Ibinuka ko ang bibig para magsalita pero kaagad ko ding sinara nang ma-realize ang sagot. Labag sa loob akong nagsalita. "Ikaw."

"So kanino ka personal maid?"

"Sa'yo," mahina ang boses na sagot ko. 

He smirked and licked his lips. "Sa'kin ka."

Nanlaki ang mga mata ko. "Huh?"

"Sa'kin ka nagta-trabaho. Which means, I am your boss. And that means you'll obey my rules."

Hindi ako sumagot. Hindi ako tumango. Hinayaan ko lang siyang magsalita. 

"Rule number one, do not disturb me, especially when I'm working." Tinaas niya ang hintuturo. "Rule number two, don't talk to me or call on my phone unless it's an emergency. And when I say emergency, it means the house is burning or China invaded the Philippines. Rule number three, don't acknowledge my presence and I won't acknowledge yours. Pretend that I'm not here and I'll pretend that you're not here. Rule number four–"

Napatigil siya sa pagsasalita nang itaas ko ang kamay na para bang estudyante sa loob ng klase. 

"Yes?" Bagay na bagay naman sa kaniya maging professor dahil puno ng awtoridad ang boses niya. 

"Paano ko magagawa ang trabaho ko kung hindi kita kakausapin o kahit man lang isipin na nandito ka?"

"Let's be realistic, Miss Green Eyes With Plump Lips. I don't need you. I don't need anyone to look after me. I can take care of myself just fine. My Lola is just too worried that I'll end up being alone all my life," mariin niyang sabi. "This is probably one of her schemes. Having a woman pretend to be a maid to seduce me. A rich brat who probably doesn't even know how to wash the dishes. My Lola didn't even get a woman who'll be more believable to be a maid. She didn't even think of being discreet and subtle. It's so obvious that you came from a wealthy family. So I'm telling you now, your scheme of seducing me won't work."

Andami niyang sinabi, tamang hinala naman lahat. 

Suminghap ako. "Seduce you? Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo. For your information, you're not my type!"

Bahagya siyang natigilan sa sinabi ko. 

"At ano ba 'yang pinagsasabi mo? Scheme? Sa tingin mo ba talaga mag-aaksaya ako ng panahon sa kagaya mo? Kung mayaman lang ako kagaya ng sinasabi mo, edi sana nandoon ako sa ibang bansa nag-aaral at wala dito sa harapan mo ngayon! At talagang pinaghihinalaan mo pa ang Lola–"

Bigla akong natigilan nang mabilis siyang lumapit sa akin at isinandal ang parehong kamay sa sofa, sa magkabilang gilid ko mismo, dahilan para makulong ako sa mga bisig niya. 

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko habang nakatingala sa mukha niyang ilang dangkal lang ang layo sa akin. 

"I'm not your type?" sabi niya sa mababang boses. 

"Oo." Hindi ako nagpa-apekto sa posisyon naming dalawa dahil iyan mismo ang gusto niyang makita, ang makitang apektado ako sa presenya niya. 

"Really?" Mas inilapit niya pa ang mukha sa akin na konting maling galaw lang ay mahahalikan niya na ako. "Ano ba ang tipo mo sa lalaki? Tall, dark and handsome? Iyong maganda ang pangangatawan? Mas matanda ba sa'yo, o mas gusto mong mas bata?"

Naduduling na ako kaya ibinaling ko ang tingin sa ibang direksiyon, pero hinawakan niya ang mukha ko at hinarap sa kaniya. Ang sakit na ng mata ko kaya't wala akong choice kundi pumikit. 

Naramdaman kong marahang hinagod ng hinlalaki niya ang mga labi ko. 

Ilang sandali pa ay naramdaman kong lumayo na siya sa akin. 

"Rule number four." 

Iminulat ko ang mga mata nang magsalita siya. 

"I will add rules whenever I want to. And rule number five." Mariin niya akong tinitigan. "Don't you ever fall in love with me."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status