Share

Kabanata 43

"You're extra touchy today, huh? Siguro may nagawa kang kasalanan kaya ka ganiyan?" Nahihiwagaang paratang ni Almirah kay Lazarus habang nakayakap ito sa kaniya mula sa likuran.

Kanina niya pa napapansin na sa tuwing nakakakuha ito ng pagkakataon para mahawakan siya ay wala itong pinalalampas. Hindi niya lang pinupuna dahil inoobserbahan niya pa, pero ngayong nakumpirma na ay saka lang isasaboses ang kanina pa niya napapansin sa asawa.

"Bawal na ba akong maglambing ngayon?" anito bago mas isiniksik pa ang kaniyang sarili sa pagitan ng leeg at balikat ni Almirah.

Nasa terasa sila ngayon ng kanilang silid, tanaw ang malawak na lupain sa harap ng mansion ni Lazarus, payapa ang paligid at tanging sariwang hangin lamang ang nanunuot sa kanilang pang-amoy.

"That's not what I meant," si Almirah habang sinusubukang kalasin ang kamay ng kaniyang asawa sa kaniyang bewang, ngunit sa bawat kalas na ginagawa niya ay mas humihigpit lamang ang pagyakap nito sa kaniya.

"Masyado lang kita na-miss
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status